Chapter 31

6.9K 183 25
                                    

"Bear!"



Dahan-dahan akong pumihit paharap sa pwesto ni Sevyn nang marinig ko ang nakakakilabot na boses niya. Nakaramdam na rin ako ng matinding kaba dahil sigurado akong puro hampas at kurot ang matatamo ko mula sa kaniya.



Sabi na eh, nakaligtas nga ako sa aksidente pero hinding-hindi ako makakaligtas sa asawa kong ito.



"Bunny.." Hindi ko alam kung nakangiwi ba ako o ano. Basta ang alam ko lang ay kailangan ko nang ihanda ang sarili ko bago pa siya mag transform as a cute and hot bunny into a monster dragon.



Niyakap ko na lang ang sarili ko habang papalapit siya sa akin. Hanggang sa tuluyan na nga siyang makalapit sa akin kaya hindi ko mapigilan mapalunok ng ilang beses. 



Oo na, aaminin ko na natatakot talaga ako sa kaniya minsan. Sino ba kasing hindi matatakot sa kaniya eh, tingin pa lang niya halos manginig na ang mga tuhod ko kahit na alam ko naman na hindi niya ako kayang saktan ng malala at tanging hampas at kurot lang pero nakakatakot pa rin.



Itinaas ko ang kanang kamay ko at kumaway sa kaniya. "H-hi?"



Mula sa matatalim na tingin biglang napalitan ng matinding pag-aalala ang ekspresyon ng kaniyang magandang mukha kaya natigilan ako lalo na nang bigla na lang itong yumakap sa akin ng sobrang higpit na akala mo may balak na patayin ako sa pamamagitan ng yakap niya. 



Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagyugyog ng mga balikat niya kaya marahan ko siyang inilayo sa akin.



"Hala, umiiyak ka ba?" Natatarantang tanong ko pero kinurot lang ako nito sa tiyan dahilan para mapasigaw ako.



Pvtang'na, ang sakit! Huhu...



"I'm not." Nagawa pa talaga niyang magsungit habang pasimpleng pinunasan ang sulok ng mga mata niya. Halata nga ang pamumula ng mga ito. 



Teka, umiyak ba talaga siya? Pero bakit? Hindi ganito ang inaakala kong magiging reaksyon niya. Akala ko magagalit ito sa akin at sesermunan ako.



"Weh, di nga?" Hindi naniniwalang tanong ko habang himas-himas ang tiyan kong kinurot niya. Ang sakit, eh. Ang haba ba naman kasi ng mga kuko niya.



Akala ko magagalit na ito sa akin dahil nakatitig lang siya sa akin. Bumuntong hininga naman siya nang malalim bago muli akong niyakap. 



Sandali, hindi ba niya ako aawayin kasi ilang oras akong nawala tapos muntik pa kaming maaksidente?



"Bunny?" Sinubukan ko siyang silipin pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.



"P-please, don't do that again. You made me so worried." Mahinang sabi niya at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Hinaplos ko na lang ang likod niya.



"Hindi naman namin ginusto 'yong nangyari, eh. Aksidente lang 'yon kasi umiral ang pagkaengot ni Flynn." Paliwanag ko at naramdaman ko na naman ang paghigpit ng yakap niya sa akin na akala mo takot na takot mawala ako sa bisig niya.



Nahihirapan na akong huminga pero hinayaan ko na lang muna siya. Baka ito pala way niya para patayin ako? Kulang na lang talaga umubo ako sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. 



Dahan-dahan ko siyang inilayo sa akin para makita siya pero agad din akong natigilan dahil sa nakikitang lungkot, pag-aalala at takot? Ngayon ko lang siya nakitang nag-alala ng ganito sa akin. 



"H'wag ka nang mag-alala, Bunny. Tignan mo nga oh, buhay na buhay pa ako. Nakatulog ata si Grim reaper kaya hindi niya ako nakuha." Biro ko pero mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko.



Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon