Chapter 30

6.6K 225 19
                                    

"Ate, ate!"



Halos mapunit ang labi ko sa pangiti habang papalapit sa pwesto ni Ate na kasalukuyang nagluluto. Nagulat pa ito nang yakapin ko siya mula sa likod.



"What happened? You look so happy." Tanong niya bago humarap sa akin habang nakataas ang isang kilay.



"Eh, kasi masaya talaga ako!" Ngiting-ngiti na sagot ko naman at lumambitin sa leeg niya.



"Don't shout, please. I can hear you naman." Saway niya sa akin at niyakap ako sa bewang at dahil mas matangkad siya sa akin nakatingkayad ako ng konti.



"What is it?" Tanong niya ulit. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko at muntik na naman akong mapatili nang maaalala ang nangyari kanina.



"Eh, kasi Ate! Tinanggap niya 'yong flowers na binigay ko sa kaniya tapos tapos tapos!" Kinikilig na sagot ko naman kaya humigpit ang pagkakayakap ko sa leeg niya.



"Bryce, you're hurting me." Natatawang inilayo naman niya ako sa kaniya



"Ay, sorry! Ate, kinikilig ako!" Masayang sabi ko habang hinihila ang damit niya.



"Okay, okay. Please, stop pulling my shirt." Saway na naman niya sa akin. Natawa naman ako kasi lumihis na 'yong damit niya kakahila ko kaya nakita 'yong strap ng bra niya.



Inayos muna niya ang damit niya saka tumungo sa ref at kumuha ng tubig. Binigay niya 'yon sa akin kaya agad ko naman tinanggap pero tinitigan ko lang 'yon habang pinipigilan ko ang sarili ko na ngumiti.



"Tapos ano..'' Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko alam kung paano ko ikukwento sa kaniya 'yong nangyari kanina sa school namin nang hindi namumula.



Natawa naman si Ate habang tinitignan ang reaksiyon ko. "Ano? You're blushing.''



"Kiniss niya ako sa cheeks." Nakangusong sagot ko at binitawan ang basong hawak ko saka nahihiyang tinakpan ang buong mukha ko dahil pakiramdam ko umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha ko.



Mas lalo naman natawa si Ate kaya mas lalo rin akong nahiya. Lumapit din siya sa akin at ginulo-gulo ang buhok ko.



"Ate, you think she likes me na rin? Kasi she accepted my flowers tapos she kissed me pa." Hopeful na tanong ko habang nakatitig sa kaniya.



Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon