Chapter 2

8.8K 254 24
                                    

"Bakit nakasimangot ka dyan sa gilid? Tigilan mo nga 'yan, ang pangit mo." Paninita sa akin ng abnoy na si Montezor at kinurot pa ang nguso ko.



Hinampas ko ang kamay niya at humalumbaba habang nakatingin sa pintuan ng classroom namin saka lalong napanguso.



"Ouchiiii!"



Lunes na lunes ngayon kaya tamad na tamad akong pumasok. Wala na talagang ginawang maganda itong Lunes sa buhay estudyante ko.



Why I hate Mondays? I don't literally hate Monday, I actually hate what I have to do for one week that will start on Monday. Lunes na lunes napapa-english ako. Pwe!



Sino ba kasi ang matutuwa kung ang pahinga mo lang sa isang linggo ay dalawang araw lang?



"Ikaw nga araw-araw na pangit hindi naman kita pinapakialaman." Walang ganang sagot ko at napahikab. Gusto ko nang umuwi at matulog nang matulog hanggang sa matapos ang araw.



Hinampas niya ako sa braso. "Ang sama talaga ng ugali mo. Hmp!"



"H'wag kang tumawa dahil mas pangit ka pa sa akin, Winter." Naiinis na bwelta naman ni Flynn kay Winter na tawa nang tawa sa tabi nya. Pikon talaga itong si Flynn. Magsisimulang mang-asar tapos sa huli siya rin ang mapipikon.



"You're so noisy, Flynn!" Iritadong sabi ni Andie na mukhang nagising dahil sa ingay ni Flynn.




Simula nang dumating siya sa school wala na siyang ibang ginawa kundi ang matulog.



"Ang dami-daming nag-iingay dito tapos ako lang napansin mo? Umayos ka nga, Andie. Lagi kana lang tulog. Umuwi kana lang kaya." Sagot ni Flynn.




Hindi pinansin ni Andie ang sinabi niya at humikab-hikab pa. Ang lala!



"Umuwi na lang tayo mukhang hindi naman papasok si Ma'am ngayon. 30 minutes na siyang late, eh." Singit ni Winter.



Napatingin ako sa suot kong relo, 10:28 am ng umaga kaya mas lalong nakakaantok at late na late na rin pala ang Professor namin.



Isa sa mga policy ng school namin na kapag hindi dumating ng 30 minutes ang Professor sa tamang oras ng klase niya consider na absent na siya o wala ng klase.



"Guys, we still have 2 minutes left before 10:30 am. Let's jut wait for our Professor before we leave." Pigil sa amin ni Zayin.



"Diyos ko naman, Z! Dalawang minuto na lang 'yon. Masyado ka naman masunurin." Nakangusong wika ni Winter.



"I just want to make sure na hindi na talaga darating si Ma'am." Masungit naman na tugon ni Zayin.



"Mauna na lang k-"



"Good Morning."



Sabay-sabay kaming napatingin sa harapan nang bumukas ang pintuan ng classroom at pumasok ang isang maliit pero magandang babae. Ang kaninang magulo at maingay na mga kaklase ko biglang nagsi-tahimik sa pagdating niya.



Tanging tunog lamang ng takong ni Ma'am ang maririnig habang naglalakad ito patungo sa table desk niya at inilapag ang dalang mga gamit bago nilibot ang paningin sa amin.



Nanlumo naman ako nang dumating ang Professor namin sa subject na ito. Akala ko pa naman makakauwi na ako. Hays



Mabilis akong napaupo nang maayos nang dumako sa akin ang paningin niya at magtama ang mga mata namin.



Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon