Chapter 19

6.6K 255 61
                                    

Kinabukasan na ako nakauwi ng bahay namin. Sinigurado ko pa kasing maayos na talaga ang kalagayan ni Hailey bago ako umalis. Sabay na rin kaming nag-breakfast kanina at balak pa nga sana niyang doon na lang din ako maligo at papahiramin na lang daw niya ako ng damit para diretso na kami ng school.



Pero tumanggi na ako dahil nakakahiya na kung manghihiram pa ako ng damit sa kaniya. Pinahiram na nga niya ako kagabi, eh. So I have to go home first to take a shower and change my clothes. I'm still wearing the clothes she lent me last night.



Iniisip ko rin kung hinanap ba ako ni Sevyn. Hindi ko kasi nabuksan ang cellphone ko dahil naiwan ko kahapon sa sasakyan ko tapos tinamad na akong kunin pa, so no one knew that I was with Hailey the whole day and I spent my night at her place.



Why would she even think of me in the first place? Maybe she doesn't care even if I don't come home anymore.



Sadgurl naman ng bebe.



Bigla naman akong nalungkot sa nasa isip ko. Nakakainis naman kasi si Sevyn, eh! Sinasaktan ang cute kong puso. Hays



Sinara ko ang pinto ng sasakyan ko saka nilibot ang paningin sa paligid ng bahay namin. Siguradong nandito pa rin siya sa bahay dahil maaga pa naman. Iniisip ko lang kung nandito rin ba 'yong manliligaw niya. May lahi atang chinese 'yon eh, ang aga umakyat ng ligaw.



Pero mukhang wala naman ito dahil hindi ko makita ang sasakyan niya rito sa labas ng bahay namin pero nagtaka ako nang makita ko ang sasakyan ni Ate Ryce na nakaparada malapit sa sasakyan ni Sevyn.



Nandito ba siya? Ano naman ginagawa ng gurang na 'yon dito?



I didn't bother to knock because I have a duplicate key to our house. I took a deep breath first before entering the house. Nakayuko ako nang buksan ko ang pinto at pumasok sa loob bago ito isinara.



"Where the hell are you been, Syx Bryce?!"



Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang galit na galit na boses na 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ate Ryce at Eyce na nakaupo ngayon sa sofa.



Nandito nga siya. Anong ginagawa nila nila Eyce dito nang ganito kaaga?



"Ate!"



Muntik na akong matumba nang bigla akong sugurin ng yakap ni Eyce na mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Namumula kasi ang mga mata niya. May nangyari ba?



"Eyce." Nakatingin ako kay Ate Ryce na nakatayo na ngayon at nakapamewang. 



Mahahalata pa rin ang galit sa mukha nito pero hindi na katulad kanina na parang gusto ako nitong sakalin pagkakita pa lang sa akin.



My eyes searched for Sevyn because I couldn't see her, at nakita ko ito sa hamba ng pintuan ng kusina, she was staring at me with a stern expression on her face.



Dapat na ba akong matakot?



"Bakit ka umiiyak, Eyce? May nangyari bang masama?" Binalingan ko na lang ng tingin ang kapatid kong nakayakap sa akin habang mahinang sumisingot-singot



"S-saan kaba g-galing, Ate? B-bakit h-hindi ka umuwi k-kagabi?" Umiiyak na tanong nito. Hala, bakit umiiyak ang kapatid ko?! 



I caressed her back to make her stop from crying. Ah, kaya pala ito umiiyak kasi hindi ako umuwi kagabi. Paano naman nila nalaman 'yon?



Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon