Chapter 10

7.3K 220 34
                                    

Hindi ko alam pero ang ganda nang gising ko kinabukasan. Kaya eto ako ganadong-ganado na nagluluto ng almusal namin ng asawa ko.



Naks, asawa ko.



Hindi ko na siya ginising dahil alam kong pagod pa ito at tuwing weekends talaga ay tinatanghali na siyang gumising. Bumabawi siya ng tulog dahil lagi siyang puyat at pagod sa trabaho.



Pasayaw-sayaw pa ako matapos kong mabaliktad ang niluluto ko para ang kabilang side naman ang maluto.



"Oh my god! What's happening here?!"



Sa sobrang gulat ko dahil sa may biglang sumigaw sa likod ko ay nahawakan ko ang kalan sa harapan ko kaya naihagis ko ang spatula na hawak ko dahil sa gulat.



"Araaaay, pvtang'na!"



Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang asawa kong mukhang natataranta at mukhang nagising lang dahil gulo-gulo pa ang buhok nito.



Mabilis siyang lumapit sa akin at kinuha ang kamay kong napaso pero bago pa 'yon pinatay niya muna ang kalan.



"I'm sorry... I'm so sorry. I didn't mean to scare you." Bakas sa magandang mukha nito ang matinding pag-aalala.



"Bakit ka kasi biglang sumisigaw d'yan?" Nakangiwing tanong ko dahil nagsimula nang kumirot ang daliri kong napaso.



"I thought our house was on fire that's why I immediately went here to check where the fire was coming from." Paliwanag niya na ipinagtaka ko.



"Ha? Walang namang sunog." Naguguluhan na sagot ko. Mukhang nananaginip pa ata siya?



"Then why does our house smel- I think I already know the reason." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang dumako ang paningin niya sa mga niluto ko.



Kaagad naman akong napangiwi nang mapagtanto ko ang itsura ng mga niluto ko. "Diba, ganyan naman ang tamang pagluto?" Kahit ako hindi sigurado sa tanong ko.



Napansin ko naman na nagpipigil itong tumawa kaya napasimangot na lang ako. Nag-effort na nga ako magluto para sa aming dalawa eh, tapos tatawanan lang niya. Ang sama niya!



"I don't think so." Pati siya napangiwi na rin habang sinusuri ang mga niluto ko.



Kahit ako hindi ko kayang kainin ang mga niluto ko. Halos hindi mo nga malaman kung anong pagkain ito dahil sa sobrang lala nang nangyari sa kanila.



"I'm sorry to say this but we can't eat these." Honest na sabi niya na ikinatango ko lang. Sayang naman.



Edi, kainin mo.



Ayoko nga!



"But does it still hurt?" Tukoy niya sa daliri ko na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya. "Why didn't you wake me up so I can cook for us?" Dagdag niya pa.



"Nagugutom na kasi ako saka nahihiya rin akong gisingin ka para lang ipagluto ako." Nahihiyang sagot ko.



"Next time ask me first because it's my duty as your wife." Seryosong wika niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya.



Pvtcha naman! Ang aga magpakilig ng babaeng 'to.



"Ah.. hindi na. Nakakahiya naman sa'yo saka marunong naman ako mag-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko pinutol na niya ito."



Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon