Chapter 21

7K 238 22
                                    

Nasa hagdan pa lang ako palinga-linga na ako sa first floor ng bahay namin. Nang masigurado kong walang tao tuluyan na akong bumaba.



Sinigurado ko lang kasi na hindi ko makikita ulit ang lalaking 'yon sa pamamahay namin. Baka kung anu-ano na naman sabihin niya sa akin tungkol sa kanila ni Sevyn. Mukhang barbero pa naman 'yon.



Uto-uto ka lang talaga, be.



"What are you doing? You look like stupid."



Naniningkit ang mga matang hinarap ko si Sevyn na nakakalabas lang ng kitchen.


"Ang hard mo talaga sa akin. Tama bang sabihan mo ng mukhang stupid ang asawa mo?" Nakasimangot na tanong ko sa kaniya.



"Stop pouting. I still can't forget what you did to Ms. Trevino." Tukoy niya sa nangyari sa amin ni Zayin. Mas lalo naman tuloy akong napasimangot.



Ikinuwento ko kasi sa kaniya 'yong nangyari sa'min ni Zayin at pati na rin 'yong ginawa ko kaya katakot-takot na sermon ang inabot ko sa kaniya. Kesyo, hindi ko raw dapat ginawa 'yon dahil issue nilang dalawa 'yon.



Hindi naman niya ako masisisi kasi gusto ko lang naman tulungan ang kaibigan ko sa pagiging in denial niya pero mukhang hindi naman nakatulong 'yong ginawa ko. Mukha ngang mas lalo pa silang nag-away, eh.



"Oo na, kasalanan ko na. Kaya nga aalis ako ngayon para makausap si Z." Sabi ko at malambing na yumakap sa kaniya.



"As you should." Hinaplos niya ang buhok ko kaya napapikit ng mga mata.



Tumingjn ako sa kaniya. "Pero ayokong umalis ng bahay ngayon."



"Why?"



"Baka kasi pag-uwi ko mamaya makita ko na naman kayo ng lalaking 'yon na magkasama." Nakaismid na sagot ko pero tinawanan lang ako nito.



"Don't worry, I already smacked his face for fooling you." Sabi niya habang nakangiti.



"Sevyn, ah? Sinasabi ko sa'yo, iiwan talaga kita kapag nakita ko kayo ulit na magkasama." Pananakot ko sa kaniya pero mas lalo lang siyang natawa.



Hanggang ngayon talaga hindi ako makapaniwalang nagagawa ko siyang pangitiin at patawanin ng ganyan. Parang ang laking himala para sa akin.



"You know that you can't escape from me, right?" Nakangising sabi niya na ikinatirik lang ng mga mata ko.



"Aray ko!" Nakangiwing bulas ko nang pisilin niya ang gilid ng labi kung saan 'yong may pasa.



"Go now and apologize to your friend. After that let's have a date." Aniya at hinalikan ako sa lips. Tuwang-tuwa naman na tumango ako saka nagpaalam na aalis na para puntahan si Zayin. 


Gusto ko na lang sana tawagan si Zayin pero paniguradong hindi papayag si Sevyn kaya wala akong choice kundi puntahan talaga siya. Saka maganda na rin 'yong personal akong makahingi ng tawag sa kaniya para sincere talaga pakinggan.

-


"Hi, Tita Zeandra. Good Morning po."



Nakangiting bati ko sa Mama ni Zayin matapos ako nitong pagbuksan ng gate nila.



"Good Morning to you too, Syx. What brought you here?" Nakangiting bati rin niya sa akin at sinenyasan ako na pumasok. Agad naman akong tumalima.



Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon