"Alam kong masakit at mahirap paniwalaan pero kabit ka ni Raine, Syx."
I closed my eyes tightly to stop my tears from falling. I will not cry in front of this person kahit na unti-unting pinupunit ang puso ko sa sakit.
Bakit, Sevyn? May nagawa ba akong mali sa'yo? Was everything you showed me just a lie? How dare you betray me like this!
Halos isumpa ko si Flynn noong nalaman ko na kabit siya ni Miss Merriett tapos malaman-laman ko na lang na magka-parehas lang pala kami! Tang'na!
I opened my eyes when I felt Bryn's presence in front of me but I didn't bother to look at her para hindi niya mapansin ang mga nagbabadyang luha ko na anumang oras ay magbabagsakan na.
I don't want to believe what she said until the truth comes from my wife's mouth. Siya lang ang paniniwalaan ko kahit anong sabihin ng iba sa'kin, sa kaniya lang ako maniniwala but there's a part of me wants to believe her.
Kinalabit niya ako. "Hoy, umiiyak ka ba?" Puno ng pagtataka ang kaniyang tingin sa'kin. Marahas na binalingan ko naman siya ng tingin at saka itinulak palayo sa'kin.
"ANO SA TINGIN MO ANG MARARAMDAMAN KO PAGKATAPOS MONG SABIHIN SA'KIN NA WALANG BISA ANG KASAL NAMIN NI SEVYN AND I'M JUST HER MISTRESS?! GAGO KA BA TALAGA, BRYNLEE?!" Gigil na sigaw ko sa kaniya. Wala na akong pakialam kahit makagawa man kami ng eksena rito ngayon.
Nasasaktan ako! Nagagalit ako kahit na hindi ko pa alam kung nagsasabi ng totoo ang tarantadong ito!
"Seryoso bang umiiyak ka?" Nandoon pa rin ang pagtataka sa kaniyang mukha.
Napapikit na lang ako nang mariin para pakalmahin ang sarili ko dahil sa totoo lang gustong-gusto kong basagin ang mukha niya.
"Tang'na mo, Bryn! Sana hindi mo na lang sinasabi sa'kin! Mas matatanggap ko pang mabuhay sa kasinungalingan kasama si Sevyn kaysa sa malaman ang totoo!"
Hindi ko matanggap at hindi ko alam kung magagawa kong tanggapin kung sakali man na totoo lahat ng sinasabi ni Bryn sa'kin ngayon.
No! Akin lang si Sevyn! Ako lang ang asawa niya!
She was stunned into silence while still looking at me. "Hala, binibiro lang kita!" She removed my hands from the collar of her shirt.
I was taken aback for a moment as my brain was processing what she said.
"A-ano?" Tila binging tanong ko.
"Hala siya?! Talaga bang naniwala ka sa sinabi ko? Gago ka, Syx! Umiyak ka talaga?" She asked still in disbelief and then after a while she burst out laughing.
'Yong sakit na nararamdaman ko kanina tuluyan nang napalitan ng galit. I clenched my fist hardly and punched her into the face without a second thought.
Kinuwelyuhan ko siya at itinayo matapos niyang matumba sa suntok ko. "Tang'na mo talaga, Brynlee! Mapapatay talaga kitang hayop ka!"
Parang wala lang naman sa kaniya ang ginawa ko dahil tawang-tawa pa rin ito. Kanina pa siya tuwang-tuwa na pagtripan ako kaya labis na 'yong nararamdaman kong galit sa kaniya ngayon.
"Pinatunayan mo talaga sa'kin na hanggang ngayon ay uto-uto ka pa rin. You still haven't changed, Syx." Umiling-iling na sabi niya at nakuha pa nitong ngumisi ng mapang-asar.
BINABASA MO ANG
Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)
Novela JuvenilMarried life of Syx and Sevyn. (2024 version)