Chapter 12

6.5K 191 17
                                    

Nagtatawanan kaming magkakaibigan habang hinihintay ang mga inorder naming pagkain. Nandito kami ngayon sa isang Filipino Restaurant.



Alas-sais na ng gabi kaya nagyaya kumain ng dinner si Flynn dahil nalulungkot daw siya kumain mag-isa sa condo niya. Sus, hindi lang talaga siya marunong magluto.



"Ay, may chika ako sa inyo." Saad ni Flynn na ikinatingin ko sa kaniya at nagtama ang paningin namin dalawa.



Problema ng Montezor na 'to?



"Ano na naman 'yan? Hindi kana talaga nauubusan ng chismis sa buhay." Saad naman ni Winter habang pinaglalaruan ang hawak niyang table napkin.



"No'ng linggo nakita ko si Ma'am Sevyn sa Ayala Mall nag-grocery." Sagot niya.



"Eh, ano naman ngayon? Bawal na ba siya mag-grocery?" Si Winter.



"P'wede bang patapusin mo muna ako, Win? Sabat ka nang sabat dyan, eh." Tila naiinis na sabi ni Flynn na tinawanan lang naman ni Winter.



"So what happened?" Si Zayin.



"I think she's with her husband that time." Pagpapatuloy niya saka tumingin na naman sa akin kaya bahagya akong nakaramdam ng kaba.



Sigurado ako na ako ang tinutukoy ni Flynn na kasama ni Sevyn no'ng araw na 'yon dahil nag dinner kami sa labas no'n saka nag-grocery ng food stock namin sa bahay.



"Bakit parang hindi ka sigurado?" Nagtatakang tanong ni Winter.



"Hindi ko naman kasi nakita ang mukha ng kasama niya kasi nakatalikod mula sa pwesto ko." Sagot niya.



"Hindi mo naman pala nakita 'yong face tapos pinagkamalan mo kaagad na husband niya. Assumera ka talaga." Sabi ni Winter dahilan para matawa kaming tatlo.



"Bwiset ka! Hindi ako assumera. Saka paanong hindi niya kilala eh, ang sweet nga nilang dalawa." Napipikon na kwento pa ni Flynn.



Ha? Hindi naman kami sweet no'n, eh. Inaasar ko lang naman siya no'n kaya tumatawa ako.



"Pero in fairness ah, ang ganda ni Ma'am kapag naka-casual attire lang." Nakangiting saad pa nito. Palihim naman akong napairap.

Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon