"Sigurado ka bang hindi ka sasama sa amin?"
Hindi ko alam kung ilang beses nang natanong sa akin 'yan ni Flynn. Katatapos lang ng klase namin kaya diretso na sila ngayon sa SAXE, name ng bar ni Andy.
Tumutulong kasi kami minsan doon dahil laging maraming tao ang nagpupunta roon para makita at masilayan ako.
Oh, bakit?! May sasabihin ka?!
May mga staff naman si Andie pero hindi kinakaya dahil sa dami ng mga tao na nagpupunta roon araw-araw. Saka alam ko naman na pabor na pabor sa kanila ang magpunta roon para makalibre ng alak.
Ilang beses ko na rin sinabing ayoko munang sumama dahil kanina pa talaga ako inaantok. Saka ayoko muna maka-amoy ng yosi at alak ngayon. Sumasakit kasi ang ulo ko.
"Oo nga. Ang kulit naman ng lahi mo, Montezor." Nakukulitang saad ko.
"Edi, h'wag! Buti pa nga niyayaya ka para naman sumaya 'yang buhay mo." Inirapan ako nito.
Hmp! Akala mo maganda.
"Masaya ang buhay ko! Lumulungkot lang kapag nasisilayan ko 'yang hindi maipaliwanag na pagmumukha mo!" Ganting asik ko at inirapan din siya.
Anong akala niya siya lang ang marunong umirap? Ha!
"Oh, talaga ba, be? Tang'na mo."
"Tang'na mo rin sagad na sagad!"
"Tumigil nga kayong dalawa!" Naririnding saway sa amin ni Andie.
Nagkatinginan naman kami ni Flynn saka napahirap sa isa't-isa.
"Sumunod kana lang sa amin kapag nagbago 'yang isip mo." Wika ni Zayin habang tinatapik ang balikat ko.
Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan kasi gusto ko na talagang umuwi.
"Mag-iingat kayo, h'wag masyadong uminom at may pasok pa bukas." Bilin ko sa kanila.
Isa-isa naman silang tumango bago pumasok 'yong tatlo sa loob ng kani-kanilang sasakyan habang naiwan naman sa tabi ko si Flynn.
Dinakma ko ng buong palad ko ang mukha niya nang humarap siya sa akin. "Layas na!" At itinulak saka nagmamadaling pumasok ng sasakyan ko.
"Gago ka, Sais!" Gigil na sigaw niya. Tawang-tawa naman na pinaharurot ko ang sasakyan ko paalis doon.
-
Halos tatlumpung minuto ang naging biyahe ko dahil inabutan ako ng traffic sa daan. Ito talaga ang nakakainis sa Pilipinas na kahit anong aga mong bumiyahe kapag inabutan ka ng traffic sa daan matatagalan ka pa rin makauwi.
Malapit ng matapos ang 2021 hanggang ngayon wala pa rin pagbabago. Ano na Philippines?!
Maayos na pinarada ko ang sasakyan ko sa labas ng bahay namin at lumabas ng sasakyan.
Mukhang hindi pa nakakauwi ang kasama ko sa bahay dahil wala pa ang sasakyan niya rito at nakapatay pa ang ilaw sa labas maski sa loob ng bahay namin.
Alas-sais pa lang naman kasi ng gabi kaya maaga pa. Sa pagkakaalam ko kasi alas-sais ang tapos ng trabaho niya pero alas-otso siya lagi nakakauwi.
Paano ko nalaman? Pasimpleng sinisilip ko kasi ito sa bintana ng kwarto ko kapag naririnig ko ang sasakyan niya sa labas na kararating lang.
BINABASA MO ANG
Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)
Novela JuvenilMarried life of Syx and Sevyn. (2024 version)