Chapter 7

6.9K 218 41
                                    

Pakiramdam ko lutang na lutang ako ngayon matapos kong hindi na naman makatulog nang maayos dahil sa nangyari kagabi. Pilit ko man iwaksi sa isipan ko ang nangyari hindi ko magawa dahil kahit anong gawin ko pumapasok pa rin ito sa utak ko.



Hindi lang isa o dalawang beses niya akong hinalikan kundi tatlo! Sinamantala niya ang pagiging inosente ko. Huhu.. my poor sweet lips...



Pakiramdam ko nararamdam ko pa rin ang labi nito sa labi ko hanggang ngayon. Hindi ko naman maitatangging ang lambot ng labi niya. Parang nakakaadik nga, eh.



Siguro kailangan ko na sanayin at tanggapin sa sarili ko na normal lang na ginagawa 'yon ng mag-asawa para hindi ako laging lutang sa school kakaisip ng mga mangyayari pa. Hays!



Bakit naman kasi bigla siyang naging gano'n? Sana naman sinabihan niya ako para nakapaghanda ako. Edi, sana nakapag-practice pa ako sa bote.



"Bakit mukha kana namang sabog d'yan, Sais? Ano na naman bang tinira mo?"



Bakit lagi na lang si Flynn ang pumupuna sa akin?! 'Yan ba talaga ang role niya sa kwentong ito?



"Kahapon mukha ka lang sabog, ngayon naman mukha kang sabog na sabog. Naka-drugs ka ba?"



Napatirik ako ng mga mata matapos kong marinig ang mga sinasabi nila. Hindi talaga kumpleto ang araw ko kapag hindi ako napupuna ng mga abnoy na ito.



"I think I already know the reason why she looks like that." Nakangising wika ni Zayin. Aba, marunong na rin siya mangasar, ah.



"Mukha kang panda na hindi natutulog dahil sa laki ng eyebags mo. Here."



"Anong gagawin ko d'yan?" Nagtatakang tanong ko kay Andie nang may inilabas ito sa dala niyang pouch.



"Apply it on your face. You look so haggard." Maarteng utos niya habang pilit inaabot sakin ang hawak niyang makeup kit.  Tinignan ko lang 'yon pero hindi ko tinanggap.



Mukha ba talaga akong haggard ngayon? Pero sure pa naman ako na maganda pa rin ako.



Kinuha ko ang phone ko sa pocket ng pants ko at nanalamin sa camera. Agad akong napasimangot nang makita ko ang itsura ko. Ang laki ng eyebags ko at ang itim din ng ilalim ng mga mata ko. Meron din akong malaking pimple sa noo at sa gitna pa 'yon. Kaasar!



Eto ba ang epekto sa akin ng asawa ko?! Nakakapangit pala!




Buntong hiningang binitawan ko ang cellphone at napahilamos sa mukha. Bakit ba ako na-iistress sa babaeng 'yon?!



"Ano bang problema, Syx? Yesterday ka pa ganyan. You can tell your problem to us. We're hear to listen naman." Zayin said worriedly.



Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanila na may pag-aala sa kanilang mga mukha. Gusto ko sanang matawa kasi hindi ako sanay na ganito sila.



"You know what Z, why are you so conyo? You're not like that naman before, ah." Naiiritang saad ni Flynn.



"Oo nga, Z. Diba, we tell you na don't go out with Andie nang madalas? Look what happened to you tuloy." Dagdag pa ni Winter.



Tuluyan na akong natawa dahil sa pinagsasabi ng dalawa. Akala ko ako lang ang nakakapansin ng pagiging conyo ni Zayin lately. Naawa na talaga siya ng tuluyan kay Andie sa kakasama rito.

Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon