"Try this one."
"This one too."
"What about this?"
"Which color do you prefer?"
"I think you look good on this but I don't like it because it's too short."
"Let's buy this, it'll suit you."
Halos hindi ko na makita ang dinadaan ko dahil sa walang tigil na inaabot sa akin ni Sevyn ang mga damit na nakikita at nadadaan niya. Natatakpan na nga ang buong mukha ko at bigat na bigat na rin ako sa mga dala ko.
"Sandali, sandali!"
Hirap na hirap na inabot ko sa salesman na kanina pa nakasunod sa'min ang mga damit na dala-dala ko. Tingin ko nga kanina pa ako nito gusto tulungan pero mas pinili na lang niyang manahimik at sumunod na lang sa'min. Walang-hiya!
Napatigil naman si Sevyn sa pagdampot ng kung anu-ano saka hinarap ako." Why? Don't you like those clothes?" Tanong niya saka tumingin sa mga damit na hawak ng salesman.
"Sevyn naman, sana sinabi mo na lang sa akin na may balak ka pa lang bilhin lahat ng damit na naka-display dito para sana hindi na ako naghirap pa na buhatin 'yang mga yan." Sermon ko sa kaniya at ipinatong ko naman ang mga kamay ko sa bewang ko.
Kanina pa kasi kami paikot-ikot dito sa buong store ng H&M at kagaya nang sinabi ko, lahat nang nadadaan namin ay dinadampot niya dahil babagay daw sa akin ang mga 'yon.
"Do you want me to buy this whole store? Oka-" Agad ko siyang pinigilan nang mukhang tatawagin niya ang Manager ng store.
"Hoy, hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Hindi ka naman mabiro, eh." Naiistress na sabi ko kaya nakatanggap ako ng irap mula sa kaniya.
"Ano ba kasing trip mo? Saka hindi ko naman lahat magagamit 'yan, nag-shopping din kami no'ng nakaraan nila Ate Ryce at Eyce." Dagdag ko pa.
"But, I want to spoil you." Muntik na akong matawa nang bahagyang sumimangot ito pero mabilis din nag-seryoso nang mapansin niya atang natatawa ako.
Napapailing na lang ako habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko saka ko siya inakbayan.
"Oh, sige na po. Isusukat ko ang mga 'yan pero pagkatapos p'wede bang kumain na muna tayo? Nagwawala na po kasi mga alaga ko sa tiyan." Reklamo at bahagyang hinaplos pa ang tiyan kong nagiingay na sa gutom.
Tumango naman siya saka sinenyasan ako na isukat ko na ang mga pinagdadamot niya na agad ko naman sinunod matapos ko itong kunin sa salesman.
Kung hindi ako nagkakamali mahigit sampu ang isinukat ko sa fitting room bago ako nakalabas kaya parang pagod na pagod ako. Ikaw ba naman magsukat nang magsukat hindi ka ba mapapagod kaya lalo tuloy akong nagutom.
Pagkalabas ko siya namang pagpasok niya sa loob pero bago 'yon iniwan niya muna sa akin ang bag niya kasama na ang phone at wallet niya. Nagtaka pa ako dahil wala namang tao sa kabilang fitting room kaya bakit hinintay niya pa akong matapos?
Nagkibit-balikat na lang ako dahil may pagka-weird talaga ang babaeng 'yon minsan. Inabot ko naman sa salesman ang mga damit na hawak ko saka siya sinabihan na kukunin namin lahat 'yon kaya agad itong umalis dala ang mga damit.
Umupo na lang muna ako sa couch habang hinihintay siya. Sumasakit na rin kasi ang mga paa ko dahil kanina pa kami palakad-lakad ni Sevyn. Halos nalibot at napasukan na nga namin lahat ng store rito sa mall, eh.
BINABASA MO ANG
Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)
Genç KurguMarried life of Syx and Sevyn. (2024 version)