Chapter 16

6.4K 196 13
                                    

"Sinong nagpapasok sa'yo? Bawal pangit dito." Bungad sa akin ng abnoy na si Flynn. I just raised my middle finger as my kind response to her.



"Ikaw nga na pangit nakapasok, ako pa kaya?" Pabalang na sagot ko saka umupo sa tabi niya.



Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nagpupunas si Andie ng mga bottles ng mga alak habang kumakain naman ng pizza si Winter at Flynn sa counter samantalang tahimik naman sa tabi nila si Zayin.



It's only 10 am in the morning and we're at Saxe to hang out and to help Andie clean her Bar na rin. Hindi para uminom dahil masyado pang maaga para do'n at hindi naman kami gano'n kapatay-gutom sa alak.



"Dahan-dahan naman sa pag kain Win, hindi ka naman mauubusan." Saway ko kay Winter nang makita kong punong-puno ang bibig niya.



"Shii hshsh-"



"Just swallow the food inside your mouth before you talk, Win. Gosh!" Nandidiring saway naman sa kaniya ni Andie. Inabutan naman siya ni Flynn ng tubig.



"Paano si Flynn ang takaw-takaw! Inuubusan ako. Naka-isang slice pa lang ako tapos siya naka-tatlo na." Reklamo naman ni Winter pagkatapos nitong lunukin ang laman ng bibig niya at pinunasan ko naman ang gilid ng lips niyang may kumalat na ketchup.



"Anong ako?! Hindi ko naman kasalanan kung mabagal kang kumain. Mas inuuna mo pa kasi 'yang kalandian mo kaysa sa pagkain mo." Sabat naman ni Flynn.



Nagpasalamat ako kay Andie nang abutan niya ako ng coke in can. "Thanks."



"Hindi ako naglalandi! Kausap ko si Eyce." Sagot ni Winter matapos bitawan ang hawak na phone.



"Sus. Mas inuuna mo pa 'yang kapatid ni Sais kaysa sa pagkain. Pinapaasa ka lang naman ni Eyce tapos ikaw naman 'tong uto-uto at engot umaasa rin." Nakaismid na sabi ni Flynn  na lalong ikinalukot ng mukha ni Winter.



Sinamaan ko naman ng tingin si Flynn dahil sa sinabi niya saka sinipa ang upuan niya kaya nabitawan niya ang hawak niya.



"Gago ka, Flynn! Hindi gano'n ang kapatid ko." Pagtatanggol ko kay Eyce. 



My sister can't do that because I've told her so many times na kung hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ni Winter mas mabuti pang sabihin niya nang maaga at h'wag paasahin si Winter.



"Anong hindi? Then why does she let other people court her if she's aware that Winter has feelings for her." Dagdag pa ni Flynn. 



Hindi naman nakasagot si Winter at bahagyang natahimik habang mukhang papaiyak na.



"Oh, diba hindi ka makasagot ngayon kasi totoo ang sinabi ko na pinaasa ka at umasa ka! Mukha ka kasing itlog!" Dagdag pa ni Flynn na mukhang gusto talagang paiyakin si Winter.



"Just shut up, Flynn! Tigilan mo nga si Winter." Saway sa kaniya ni Andie at pinitik pa ang tenga niya na ikinasimagot lang niya.



Natahimik naman si Flynn at sabay nilang inirapan ang isa't-isa ni Winter nang magtama ang mga paningin nila.



I moved closer to Zayin since I had been staring at her for a while and noticed that she was drinking and seemed to be in deep thought.



Inagaw ko sa kaniya ang bote ng alak kaya nabaling sa akin ang tingin niya. "It's too early for that, Z."



"Leave me alone. Syx." Walang ganang wika niya at sinubukan agawin ang bote na hawak ko pero inilayo ko ito.



"Nag-usap na ba kayo ni Hailey?" Tanong ko. Hindi ko na kasi alam ang nangyari sa kanila pagkatapos ko silang iwanan.



Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon