"Finally! Makakalaya na rin sa impyernong school na ito!!"
"Yehey! Hindi ko na rin kailangan gumising ng maaga para lang magpanggap na nakikinig sa boring na lectures ng mga Professor natin!"
Yan ang sigaw ng dalawang bugok na si Flynn at Winter pagkalabas namin ng classroom matapos ang ilang oras na thesis defense para sa finals namin.
Niluwagan ko ang suot kong necktie dahil kanina pa ako hindi makahinga nang maayos magmula pa nang gisahin kami ng mga tanong ng panelists sa loob.
"Let's celebrate! I am finally free from stress." Nagtatalon sa tuwa na dagdag naman ni Andie.
Natawa na lang ako sa kanila dahil hindi naman halatang nawala na sa pagmumukha nila ang matinding stress at pagod na ilang buwan din namin dala-dala dahil sa thesis na 'yon.
"Where are we going to eat? It's on me." Tanong ni Zayin.
"I already called Skye na sa restaurant niya na lang tayo kakain. By this time she's preparing our lunch na. So let's go 'cause I can't take this gutom anymore." Mula sa sinabing 'yon ni Andie sabay-sabay na tumunog ang mga tiyan namin.
"Ayown! Arat na't magwawal!" Masayang sigaw naman ni Winter.
"Dyan ka magaling! Ang aga pa para magwawal." Sagot ko naman. Jusko, ala-una pa lang ng hapon gusto na agad uminom.
"Tama, tama! Mag celebrate tayo dahil ilang buwan na lang makaka-graduate na tayo!" Masayang sigaw naman ni Flynn at hinagis nito sa ere ang hawak niyang thesis papers namin. At dahil parehas ang takbo ng utak nilang dalawa ni Winter ginaya nito ang ginawa niya.
"Pick up those papers or else ipapakain ko 'yan sa inyong dalawa! You choose?!" Banta sa kanila ni Zayin na mukhang bumalik agad ang stress sa kaniya.
Mabilis pa sa pagikot ng mundo na sumunod 'yong dalawa bago pa totohanin ni Zayin ang sinabi niya.
"Syx, let's go"
Hindi na ako nakasagot nang hilahin na ako paalis ni Andie pero bago pa kami tuluyan makalayo sa kanila sinipa ko muna ang mga papel na nasa harapan ko kaya lalo itong nagkalat.
"Hayop ka pa sa hayop, Martin!" Nanggigil na sigaw ni Flynn at pinakyuhan naman ako ni Winter pero ngumiti lang ako sa kanila nang mapang-asar.
"Z, follow us na lang!" Pahabol na sabi ni Andie na tinanguan lang ni Zayin.
"Paano kami?" Tanong ni Flynn.
"You can eat those papers." Sagot ni Andie kaya gigil na pinunit ni Flynn ang hawak niya.
-
Papasok pa lang kaming dalawa ni Andie sa restaurant nang pigilan niya ako sa braso kaya napatigil din ako sa paglalakad.
"Syx, wait!"
"Bakit? May nakalimutan ka ba?" Nagtataka na tanong ko. Nakangiting umiling-iling naman ito saka pinasadahan ako ng tingin kaya napatingin din ako sa sarili ko.
"Oy, Andie! Magkaibigan tayo, ah? Saka may asawa na ako at may girlfriend kana." Sabi ko saka pabirong niyakap ang sarili ko.
Napaikot naman siya ng mga mata saka hinampas ako sa balikat. "Baliw!"
Natawa naman ako. "Eh, ano pala?"
"I forgot to tell you this kanina that you look pogi in your suit."
BINABASA MO ANG
Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)
Teen FictionMarried life of Syx and Sevyn. (2024 version)