Kabanata 15: Ganti

33 4 4
                                    


''Rocky, maaga pa naman kumain muna tayo sa labas? Hindi pa kasi tayo nakakapag-date simula nung naging tayo.'' yaya ni Judah kay Rocky. Pagkaalis kasi nila sa lugar na iyon kanina'y dumretso na sila sa isang Mall kung saan naroon ang paboritong kainan ni Judah. 

''Saan naman tayo kakain. Libre mo ko buko hah, wala pa akong sahod.'' natatawang sabi nito. 

''Baliw! Siyempre naman. Doon tayo sa paborito kong restaurant.''

''Baka mahal yan ah.'' pag-aalala nito. 

''Wag kang mag-alala, mas mahal kita.'' 

''Boom! pick up lines ah!'' nagtawanan na lang silang dalawa habang naglalakad patungo sa tinutukoy nitong kainan. 

''Buko, umorder ka na, magba-banyo lang ako.'' 

Tumango lang siya bilang tugon at saka dumeretso na ito sa comfort room. 

Ilang minuto na ang nakakalipas nang magtungo si Rocky sa banyo. Tapos na siyang umorder ng kakainin nila. Naisip niyang puntahan na lang ito sa banyo. 

Nang papalapit na siya sa pintuan, may narinig siyang nag-uusap na boses ng babae at lalake. Nabobosesan niya ang lalake - si Rocky iyon ngunit sino naman kaya ang kausap nitong babae sa loob? 

Hindi niya muna binuksan ang pinto't nanatili lang siyang nakatayo sa tapat nito. 

''Hindi pwede. May anak tayo kaya hindi mo pwedeng gawin ito Rocky!'' biglang nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Si Lovella ba ang kausap ni Rocky? 

Lumapit pa siya sa pinto nang sa ganoo'y marinig niya nang malinaw ang pag uusap ng dalawa. 

''Kaya kong maging ama kay Ricky pero ang hinihingi mo'y hindi na posible Love.'' narinig niyang sabi ni Rocky. 

''Pero Rocky!'' muli ng babae kaya't buong lakas niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang eksenang kahit kailan ay hindi niya nanaising mangyari. Nasa harapan niya ngayon ang pinakamamahal niyang lalake na may kahahilakang ibang babae. 

Biglang parang huminto ang oras at ang paligid niya'y biglang parang dumidilim. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman at parang naging bingi na siya sa realidad at tanging pintig ng sariling puso lang ang nagpapabingi sa kanya. 

Dumaloy ang mga luhang hindi niya malaman kung saan nanggaling. Basta't ang alam niya'y may masakit at makirot na pakiramdam ang kasalukuyang parang tumutusok sa kanyang buong pagkatao. 

Nanlalaki ang mga mata'y parehong humarap sa kanya sina Rocky at Lovella. Kapwa'y naghahabol ng hininga't parang nagulantang nang siya'y makita. 

''Judah.'' tanging salitang lumabas sa bibig ni Rocky. Ang boses nito ang nagpabalik sa kanya sa realidad at nagpapukaw sa kanya mula sa sandaling pagkatulala. 

Pinahid muna niya ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga pisngi at umatras ng dalawang hakbang at saka buong lakas na tinakbo ang pasilyo palabas ng lugar na iyon. 

Akala niya sa mga pelikula lang niya makikita ang ganitong mga eksena. Hindi pala. Ito pala'y ganti ng realidad sa mga katulad niyang isang taong walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ang tapat ang taong nagpapabuo sa kanya ngunit ang hindi niya inaakala, yung taong nagpabuo sa kanya'y mismong taong wawasak sa kanya. 

''Judah!'' dinig niya pa ang boses ni Rocky habang hinahabol siya ngunit nagtago siya sa isang lugar na madilim at hindi masyadong matao. Nang maramdaman niyang wala na ito, lumabas siya ng basement ng mall at saka naglakad palabas. Suot pa rin ang facemask na siyang mas lalong nagpapahirap sa kanyang huminga kasabay ng kanyang himuktok ng iyak. 

''I hate you Rocky! I hate you!'' sigaw niya ng mga salitang ito habang nakaharap sa tahimik, madilim at mahangin na tabing dagat sa mismong tapat ng mall kung saan siyan nanggaling kanina 

''Hey!'' bigla siyang napatigil nang marinig ang boses ng isang lalake. Inangat niya ang ulo para makita ito. Nasa tapat ng kanyang mukha ang kamay nitong may hawak na panyo. ''Take this.'' tukoy nito sa panyong hawak. 

''No thanks!'' pagtanggi niya. 

''No worries, walang virus iyan. Sige na, take it. C'mon.'' 

Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang offer nitong panyo. Basang basa na rin kasi ang kanyang damit sa kakapunas niya sa mukha kanina dahil wala naman siyang ni isang dala maliban sa wallet at cellphone basta ang nasa isip niya kanina ay makalayo sa lugar na iyon. 

''I can see someone's broken here. Do you wanna share it?'' umupo ito sa tabi niya. 

''Sorry but I don't talk to strangers.'' tipid niyang sagot 

''Kristoff. Now, we're not any more strangers. C'mon, share it para gumaan pakiramdam mo.'' 

''I just saw him kissing his ex.'' 

''Patay! That's heavy. Okay, I am very ready to listen.'' ngumisi ito at saka inayos ang upo paharap sa kanya. 

Siguro nga pinadala na lang ng tadhana ang taong ito papunta sa kanya upang may sandigan siya't karamay upang magaan ang pakiramdam lalo na sa mga oras na ito. Hindi pa rin niya napipigilan ang mga luha habang isinasalaysay sa isang estranghero ang kanyang pinagdaaanan. Mas mabuti na rin itong may kausap siyang hindi niya kilala at least igurado siyang hindi siya nito ija-judge sa mga nangyayari sa kanya. 

Tahimik lang si Kristoff habang nakatingin sa kanya habang nagkukwento siya hanggang...

''Judah!'' sabay silang napatingin sa direksyon ng pamilyar na boses. 


Itutuloy...

Kabanata 16: Instant Noodles [2]

Thank you everyone for reading! Guys, pa-konting inspirasyon naman. Please don't forget to vote after reading by clicking the STAR icon and leave your comments or suggestions! Thank you so much!

See you in the next chapter!

Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon