Kabanata 7: Ikaw ang Aking Pinili

77 13 25
                                    


''Magandang umaga kamahalan!'' malapad ang ngiti sa mga labi ni Judah habang nakatayo sa tabi ng kama ni Rocky at buhat-buhat ang tray ng agahan. 

''Anong pakulo 'to?'' pagsusungit nito. Kilala na niya si Rocky kaya hindi na siya papatinag sa mga pakunot-kunot noo nito. 

''Hindi po ito pakulo, buko. Ginagawa ko po ito para ipaalala sa inyo na ikaw po ang aking mahal.'' inilatag niya sa mesa ang tray at saka inayos ang kakainin ni Rocky. ''Ipapaalala ko lang din po sa inyo na ikaw ang aking pinili, ikaw ang aking pinipili at ikaw pa rin ang aking pipiliin kahit ano pang mangyari.'' 

''Pipiliin...'' nagsusungit pa rin ito't sa malayo pa rin ang tingin. 

''Sungit naman nito. 'Di bagay sa'yo... Ako ang bagay sa'yo. Yiiee!'' hindi siya susuko sa pagpaparamdam kay Rocky na mahal na mahal niya ito. Alam niyang may dahilan kung bakit hindi niya ito kinibuan at nagkadahilan rin naman ito upang magalit at magselos pero mas mabuting isantabi na niya muna ang mga isyung iyon at patibayin muna ang relasyong meron sila para maging handa sila sa kahit anumang darating na problema. 

''Oo na.'' pilit nitong pinipigilang ngumiti. ''Ke-aga aga nagpapakilig ka diyan.'' 

''Yieeeh! Alam ko na man na kanina ka pa kinikilig. Pakipot ka pa.'' 

''Ah pakipot pala ah.Halika ka rito.'' hinatak siya nito pahiga at saka niyakap. Hinahalik-halik rin siya sa mukha. 

''Yuck! Rocky ano ba? 'Di ka pa nga nagtu-toothbrush oh.'' 

''Arte, arte nito. Kinakain mo nga pa...''

''Tama na!'' pinasok niya ang buong pandesal sa bibig nito upang di na magsalita at baka may masabi pang masama ang lalakeng ito. ''Sarap ng pandesal noh?'' 

''Oo, sarap. Ikaw, 'di ka kakain ng pandesal?'' nagtaas-baba ito ng kilay at saka nagtanggal ng sando. Ibang pandesal pala ang ibig sabihin ng ugok! 

''Tumigil ka nga Rocky. Bilisan mo na diyan tanghali na oh.'' pinilit niyang iwasan ang tingin rito kasi parang umiinit ang mukha niya sa mga ginagawa nito at hindi niya rin mapigilan ang mga mata na hindi mapatitig sa bandang tiyan ni Rocky. 

''Rocky, wag ngayon, masyado kitang namis baka kakainin ko talaga yang pandesal mo. Isama mo na rin yung hotdog at itlog, para kumpletong agahan.'' sabi ng kanyang bastos na parte ng utak. 

''Buko, sorry ah.'' sumeryoso siya dahil gusto na niyang tuldukan ang kanilang tensyon. ''Bigla kitang hindi kinibuan nung isang araw kasi may nakita akong tumatawag sa phone mo, love yung nakalagay.'' 

''Ah, so nagseselos ka dun sa love?'' natatawa nitong sabi. 

'''Wag mo nga akong pagtawanan diyan!'' 

''Kaya ba pinapunta mo rin dito si Glen para pagselosan rin ako?'' 

''Hindi ko siya pinapunta rito. Nagulat nga rin akong nandito siya.'' 

''Eh bakit ka niya hinalikan?'' kahit hindi siya nakatingin kay Rocky, nararamdaman niyang nakatitig ito sa kanya at naghihintay ng sagot. 

''Sa totoo lang, bago niya ako hinalikan iba ang usapan namin, malayong malayo sa hahalikan niya ako. Parang sinadya niyang halikan ako kasi dumating ka.'' 

Natigilan rin si Rocky sa sinabi niya. Siguro nga tama ang kutob niya na sinadya ni Glenn na halikan siya kasi paparating na si Rocky para magkasiraan silang dalawa. 

''Eh ikaw, sino naman yung love?'' 

''Ah si Love? Kaibigan ko yun.'' 

''Kaibigan tapos love ang pangalan sa cellphone mo?'' 

''Love naman kasi talaga ang pangalan niya. Lovelia. Love for short. Tsaka, wag na natin silang pag-usapan. Basta ang importante, mahal kita at mahal mo ko, diba?'' yumakap ito sa kanya at siniil ng halik sa noo. 

''Mahal na mahal kita buko.'' 

''Patunayan mo nga.'' 

''Hah? paano?''

''Sabay na tayong mag-shower.'' bulong nito sa kanyang kanang tenga. Biglang tumaas ang temperatura ng kanyang katawan sa ginawa nito. Bumalik na ang Rocky niya. 

''Sabay mag-shower kasi may binabalak ka na naman!'' 


''Beshieeee!'' halos sabay nilang sigaw nang magkita. Ilang buwan rin silang sa video call lang nagkikita't nag-uusap. MGCQ na kasi sa halos lahat ng parte ng Maynila kaya nakakalabas na ang mga tao basta't may ID at quarantine pass lang at siyempre face mask at face shield. 

Pumunta si Beshie sa bahay nina Judah dahil naisip ni Judah na maghanda ng konti para sa hapunan. Parang mini celebration dahil okay na silang muli ni Rocky. 

Si Rocky naman, nagpaalam kay Judah kasi tinulungan raw ito nung Love na kaibigan na magka-raket sa modeling at ngayong araw ang screening. Nakita raw kasi ng kaibigan niya yung pinost nila noon na litrato ni Rocky na naghahanap ng trabaho nung natanggal sa pinapasukan sa kasagsagan ng ECQ. Nangako naman itong uuwi ng maaga dahil sabay silang maghahapunan. 

''Beshie, kumusta na kayo ni fafa Rocky?'' 

''Ayun, naayos na ang problema namin. Buti na lang talaga beshie may pundasyon na kameng nabuo ni Rocky sa aming relasyon.'' 

''Anong pundasyon ba iyan? Mukhang matigas na pundasyon hah?'' 

''Oh alam kong nasa isip mo beshie, wag ako!'' natatawang sagot niya sa kaibigan. 

''Oo na. Eh ano nga? Matigas at mahabang pundasyon ba si Papa Rocky?'' sabay silang nagtawanan sa mga pinagtatanong nito. 

''Ewan ko sa'yo besh!'' tumayo siya't hinila ito papunta sa kitchen. ''Tulungan mo na lang akong magluto.'' 

''Eto naman, tsismis na lang, damot damot pa!'' 


Itutuloy...

Kabanata 8: Maling Hinala 

Thank you everyone for reading! Guys, pa-konting inspirasyon naman. Please don't forget to vote after reading by clicking the STAR icon and leave your comments or suggestions! Thank you so much! 

See you in the next chapter!

Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon