''Hi Ricky!'' masayang kumakaway si Judah sa batang lalakeng buhat-buhat ni Rocky. Ito ang limang taong anak ni Rocky kay Love na dating kaibigan ng ex nitong si Chen.
Matapos malinawan sa lahat ng mga pangyayari, naging bukal sa loob ni Judah ang tanggapin ang katotohanang hindi lang isang kabiyak niya si Rocky kung hindi isa rin itong ama. Wala namang kasalanan ang bata sa mga nangyari sa kanyang mga magulang kaya hindi niya ipagkakait rito ang makasama ang ama.
Kitang kita niya sa mga mata ni Rocky na masayang masaya ito. Paminsa minsa'y hinahalikan rin nito ang anak sa pisngi.
''Gwapo 'di ba? Tulad ni Daddy?'' proud itong pinakilala sa kanya ang bata.
''Mas gwapo yung bata.''pinisili pisil niya ang cute at malambot nitong pisngi.
''Mas gwapo...'' nagtampo-tampuhan ito para lambingin niya.
Hinayaan niya lang ang mag ama sa sala na naglalaro at siya'y dumeretso na muna sa kusina para makapaghanda ng meryenda.
''Is that a kind of life you want? You dreamt?'' isang text na mula kay Glenn.
''A life with a man na may anak? Judah, mag-isip ka nga!'' muli nito.
''Glenn, leave us alone. I love Rocky, and I am ready to accept everything about him including his pasts.'' reply niya rito.
''Judah, look, Rocky has a son. Someday the child will request his mother or father a complete family. What do you think of Rocky's decision? Will he still choose you over his son? Of course, he wouldn't. He will choose to give his son a complete family. A family with father, mother, and son.''
Biglang siyang natigilan at napag-isip sa sinabing iyon ni Glenn. Oo nga, ipagpalagay na nating mahal siya ni Rocky pero hanggang kailan? Hindi ito straight pero wala namang kahit isang porsyentong kahala-halata kay Rocky at kaya pa rin nitong maging asawa kay Love at ama kay Ricky. Siguro nga tama si Glenn at mali siya. Mahal niya lang si Rocky kaya siya nagiging masaya kung masaya ito habang kasama ang anak.
Humarap siya sa sala at tahimik na pinanood ang naghahabulang mag-ama. Parehong pawisan at haghahabol ng hininga ang dalawa sa ginagawang takbuhan. Isang larawan ng masayang pagsasama ng mag ama bagay na hindi niya kayang ilayo o ipagkait kay Ricky. Ayaw niyang maging makasarili upang maging kahati nito sa ama nito.
"Judah, here I am. I am well prepared to love you, take care of you, and give everything to you and you alone. I am giving my all to you unlike him.'' alam ni Glenn na kahit hindi siya magreply sa mga message binabasa niya kaya hindi ito tumutigil sa pagpapadala ng mensahe.
Tahimik na umakyat si Judah sa kwarto upang ipahinga ang isip. Bigla siyang parang naging balisa sa mga sinabing iyon ni Glenn. Alam niyang mahal siya nito at handa itong gawin ang lahat para makuha siya pero base sa mga sinabi ni Glenn hindi naman iyon paninira kay Rocky eh kung hindi paghahanda sa kanya sa posibleng mangyari sa hinaharap.
''Buko?''
''Oh? Rocky, bakit?''
''Ihahatid ko na muna si Ricky sa kanila hah. Gusto mong sumama?''
''Di ba kakarating niyo pa lang?''
''Umiiyak na eh, hinahanap ang mommy niya. Gusto mong sumama?''
''Ah, hindi na. Dito na lang ako, maghahanda na ako ng lunch para pagbalik mo kakain na tayo.'' pinilit niyang ngumiti sa gitna ng mga pangambang nararamdaman.
Nang makaalis si Rocky, nag-online siya dahil tatawagan niya si Beshie ngunit ibang tawag ang agad na pumasok - si Glenn.
Wala sa loob niyang sinagot ang video call nito.
''Judah? Hey.''
''Glenn what if tama ang sinabi mo?'' hindi niya alam kung saan nanggaling iyon basta bigla niya na lang naitanong.
''Judah, there's no what ifs sa sinabi ko. Yun talaga ang posibleng mangyari. The kid will surely demand his parents to get together especially family days etc.''
''Eh sa America nakatira si Love.''
''What if she'll petition Rocky? Or what if dito na titira yung bata? Ano ikaw ang magiging taga alaga nun?''
''May jowa nang iba yung nanay ng bata.''
''Sige, what if maisip ni Rocky na maging full-time Dad sa bata?''
Hindi na siya nakasagot pa. Lalong naguluhan ang kanyang isip.
Natagpuan in Judah ang sarili sa kusina at naghahanda ng kakainin nila ni Rocky para sa tanghalian nang dumating si Glenn at may dalang bulaklak at pizza.
''Hi Judah.'' bungad nito sa pintuan.
''Glenn?'' gulat na gulat siya nang makita ito. Kanina lang kasi kausap niya ito sa video call at hindi pa lumipas ang kalahating oras narito na ito sa bahay niya?
''Sorry to bother you, I went to the grocery kasi then I thought na daanan na lang kita kasi malapit lang naman. Here's somne flowers and chocolates peace and apology offerings.'' inabot nito sa kanya ang mga dala. Hindi siya sigurado kung tatanggapin ang mga iyon.
''No worries, I disinfected these before bringing it here.'' paninigurado nito ngunit hindi lang naman siya sa virus nagdadalwang isip eh, kung hindi sa mismong taong may dala ng bulaklak at tsokolate.
''Salamat Glenn, pero hindi ko matatanggap iyan. I accept your apologies but that's it. No more flowers and chocolates.''
''Please Judah, just this one.''
''Ayaw niya nga sabi eh!'' sabay silang napatingin sa direksyon na pinaggalingan ng boses -si Rocky ang nakatayo na sa gate kasama si Manong driver.
''Rocky!'' abot-tengang ngiti niya nang makita ang kabiyak.
Itutuloy...
Kabanata 11: Buko
Thank you everyone for reading! Please don't forget to hit that Star to Vote and leave your comments so I can thank you personally!
See you in the next chapter!
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)
Fanfiction''Sasama ako kahit saan ka magpunta.'' ''Wala ka nang kinakatakot?'' ''Wala!'' Kasabay ng pagtanggap ni Rocky sa kanyang tunay na pagkatao ay ang paghanda niya rin sa sarili sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa kaniyang sekswalidad at sa kung a...