Kabanata 12: Pagpupursigi

60 6 17
                                    


''Ito oh! oh!'' tinapat ni Rocky kay Judah ang hose ng tubig habang nagdidilig ng halaman. Kanina pa kasi siya nito iniinis habang tahimik siya sa ginagawa. 

''Aray! Rocky ano ba! Ang lamig ng tubig!'' sigaw nito sa kanya nang mabasa ang bandang likod. 

''Aray pala ah! Ito pa oh! oh!'' mas tinapat niya pa rito ang sumisirit na tubig mula sa hose na siyang lalong nagpabasa kay Judah. ''Sinong ba nauna? Hah?'' natatawang tanong niya sa inis na inis nitong ekspresyon ng mukha. 

''Ah, ito pala gusto mo hah.'' tumakbo ito palikod-bahay kaya hindi na niya pinansin at itinuon ang atensyon sa dinidiligang halaman. ''Aaaah!'' biglang parang nanigas ang buong katawan niya sa lamig dahil sa binuhos nitong baldeng tubig sa kanyang likuran na may mga ice cubes pa. 

''Judah ano ba!'' 

''Ano? Ano hah?'' sa pagkakataong iyon si Judah naman ang tawang tawa sa itsura niya. Pareho na silang naging parang mga basang sisiw sa ginagawa. 

''Hrrrrr! Halika rito! Patay ka sa akin ngayon!'' tumakbo siya patungo sa direksyon nito kaya napatakbo ito palayo. Naghabulan silang dalawa hanggang sa likod ng bahay kung saan may malawak na bakuran. 

Dahil mas mabilis siyang tumakbo, naabutan niya ito nayakap niya sa beywang mula sa likuran. ''Huli ka!'' 

''Bitiwan mo ko!'' 

''Ayaw!'' hinigpitan niya pa lalo ang yakap kay Judah. 

Pareho silang hinihingal at basa. Pinagmasdan nila ang malawak na paligid at nilanghap ang malamig at preskong hangin. 

''Judah?'' nakatitig lang siya sa malayo. 

''Hmm?'' ramdam niyang nakatitig ito sa kanya kahit hindi siya tumingin rito. 

''Hanggang kailan kaya itong sayang nararamdaman ko?'' 

''Hanggang kasama mo 'ko.'' tumingin siya kay Judah, deretso sa mga mata nito. ''Hangga't magkasama tayo Rocky, pangako pasasayahin kita araw araw.'' 

Grabe yung dulot ng mga sinabi nito sa kanya. Parang bawat salitang sinasabi ni Judah dumederetso sa puso niya, tagos tagos na parang hindi na niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak o pareho. 

''Ganon din ang gagawin ko Judah. Alam kong hindi pa ako buong buo, hindi pa nga kita na-ipo-post sa mga social media accounts ko eh na boyfriend kita.'' 

''Shhh. Ano ka ba Rocky, hindi naman importanteng malaman ng buong mundo kung ano tayo. Ang importante hindi na tayo nagtatago sa mga taong mahal natin tulad nina Mommy at Lolly ko at sa pamilya mo.'' 

Tama si Judah. Siguro hindi pa siya handang mag-out sa mundo ngayon pero masayang masaya pa rin siya dahil tinanggap sila ng mga taong mahalaga sa kanila. 

''Salamat Buko ah.'' niyakap niya ito. Dahil parehong nilalamig dahil sa mga basang suot, pinili niyang huwag munang kumakalas at bitawan si Judah bagkus ay mas hinigpitan niya pa lalo ang yakap para kapwa nila maramdaman ang init na nagmumula sa kani-kanilang katawan. ''Buko.'' bulong niya. 

''Hmm?'' 

''Tinitigasan ako. Tara sa taas?'' napa-ngiwi siya nang maramdaman ang pagkurot nito sa tagiliran niya. ''Hindi ako gaganti kahit masakit ang kurot na iyon, pero sabay tayong mag-shower.'' Tangina! iba talaga ang dalang libog ni Judah sa kanya.


''Mga Sir, may bisita po  kayo.'' salubong ni Manong sa kanila nang makarating sila sa kusina. 

''Bisita? Sino po?'' nagtatakang tanong ni Rocky. 

''Glenn daw po.'' 

''Ah, bisita ni Judah lang po Manong.'' pagdidiin niya kay Judah ng salitang bisita. 

Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon