Kabanata 11: Buko

49 8 17
                                    

''Beshie, salamat talaga sa pagsama sa akin hah.'' 

''Besh ano ka ba, parang first time mo ring magpasama.'' 

''Che! di na virgin!'' 

Nagtawanan na lang silang dalawa sa mga pinagsasabi. Kanina kasing hapon habang nasa trabaho si Rocky, nagyaya itong si Beshie niya na magpunta sa mall kasi may bibilhing bagong t-shirt sa Talatakda Store doon , hindi naman siya nagdalawang isip na sumama. Timing rin kasing may mga paborito siyang disenyo kaya napabili na rin siya para sa kanya at kay Rocky na Alibata Maroon T-shirt na paborito nito. 

''Oh, siya. Dito na ako Besh hah. Manong pakihatid na lang po siya sa kanila.'' utos niya sa driver na ihatid si Beshie sa bahay nito. 

''Salamat ulit besh. Enjoy!'' 

Anong enjoy? Tanong niya sa isip niya. Sinarado niya lang ang pinto ng sasakyan at dire-diretsong pumasok sa gate. Sinulyapan niya ang paligid, napakadilim ng buong bahay. Kahit sa garden wala ring mga nakasinding ilaw. 

''Dapat narito na si Rocky kasi maaga namang umuuwi iyon.'' sabi niya sa sarili. Binuksan niya ang flashlight ng cellphone para makita ang trashcan sa labas ng main door kasi itatapon niya doon ang suot na mask. Nasa tabing pinto rin ang lamesa na may alcohol at disinfectant para sa mga dala niya. May kahon na rin doon na may shorts at tshirt para sinumang darating sa kanila ni Rocky ay doon na agad magbibihis. 

Nang makapasok na sa bahay, sinubukan niyang kapain ang switch ng ilaw ngunit hindi ito nag-o-on. Sa gitna ng kadiliman ng paligid, napansin niya ang liwanag mula sa siwang ng glass door patungong garden, liwanag iyon na nagmumula sa kandila. 

Dahan dahan niyang nilawakan ang bukas na glass door at tumambad sa kanya ang isang lamesang may dalawang upuan na magkaharap, may mga pagkain ang mesang iyon at may tatlong pulang kandila sa gitna. Napaka-romantic ng set up ng lamesa. Unti-unting nagsi-ilaw ang iba't ibang kulay ng Christmas lights sa paligid, sa mga halaman at sa tabi ng pool. Tumambad sa kanya ang kanyang inaapakan ng puno ng mga nakakalat na petals ng red roses. Sinundan niya ng tingin ang mga petals na iyon na patungo sa lamesang naka-set up. 

Biglang tumugtog ang musika mula sa speaker sa may pintuan... 

''Ako na muna ang tignan mo sa ngayon...'' lumingon siya sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Lumabas si Rocky habang hawak ang microphone. Nakangiting nakatitig sa kanya habang sinisimulang kantahin ang unang linya. 

Hindi niya maipaliwanag ang bilis ng pintig ng kanyang puso sa mga oras na ito. Wala siyang salitang mahagilap na sasabihin, basta ang alam niya'y papanoorin niya ito. 

''Isantabi na ang problema't ibaon...'' lumapit ito sa kanya at hinawakan ang isang kamay. 

''Tayo munang dalawa sa kwentong ito. Itong silid ang ating mundo...'' nakatitig lang ito sa kanyang mga mata habang kumakanta na parang nasa mga mata niya ang mga liriko ng kanta at yung tibok ng puso niya ang nagsisilbing musika nito. 

''Pupunan ang pagkukulang sa iyo.'' 

''Ng daigdig na puro away at gulo.'' 

''Ako muna ang iyakan, ako ang sasalo.'' 

''Bigat ng nararamdaman mo...''  

Hindi maintindihan ni Judah ang sayang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi na rin niya namalayan na dumadaloy na pala sa kanyang pisngi ang mga luha. 

''Pwede ba kitang isayaw?'' kinuha nito ang dala niya at inilapag iyon sa sahig at saka inilagay ang dalawang kamay niya sa balikat nito. Pagkatapos, saka naman nito pinalupot sa kanyang beywang ang dalawang kamay. 

(Please play Ikaw Ang Sansinukuban By Karl  Zarate before reading the next part)


Sumunod lang siya sa nais nitong gawin. Dahan-dahan silang gumalaw at sumasabay sa daloy ng musika. Nakatitig lang si Rocky sa kanyang mga mata ganoon lang din siya rito. Bawat titig ni Rocky sa kanya'y parang dumederesto iyon sa kanyang puso. 

''Judah, salamat at sorry sa lahat.'' panimula nito. ''Salamat kasi hindi ka tumugil na tanggapin ako at mahalin ako. Sorry kasi alam kong minsan napapabayaan na kita, nagiging manhid ako. Pero Judah, mahal na mahal na mahal kita.'' 

Dahil sa mga sinabi nito ang kanina'y iyak lang ngayon ay may kasama ng himuktok. Sobrang nata-touched siya sa mga ginagawa at sinasabi nito. 

''Shhh. 'Wag kang umiyak, hindi naman ako mawawala eh. Eto oh, narito ako. Pasensya na, ito lang nakayanan kong surprise.'' 

Umiling lang siya sa sinabi nito. ''Hindi Rocky, sobra sobra na nga ito eh. Never ko pang na-experienced na may gumawa ng effort na ganito para sa akin. Galing pa sa taong mahal na mahal ko rin. Maraming salamat.'' 

Pinunasan nito ang kanyang luha at saka hinawakan sa magkabilang pisngi. 

''Buko, para lang malaman mo, wala akong balak na iwan ka. Hinding hindi kita iiwan, hindi ngayon, hindi bukas o kahit kailanman okay? Kaya wag kang ma-praning.'' saka niyakap siya nito ng mahigpit. ''Handa akong ipagtanggol ka laban sa mundo.'' 

''Thank you Buko.'' 

''Tama nang thank you Buko. Obligasyon kong pasayahin ka, boyfriend mo ko diba?'' kumalas ito sa yakap at saka hinawakan ang kanyang mga kamay. ''At saka, 'di ako papatalo dun sa Glenn na iyon noh. Akin ka na, 'di ko hahayaang mapunta ka pa dun sa mokong na iyon!'' 

''Sayong sayo lang ako Buko.'' 

''Dapat lang.'' ngumiti ito at dahan dahang inilapit ang mukha sa kanyang mukha. Nang maramdaman niyang dumikit na ang ilong nilang dalawa, pinikit niya lang ang mga mata kasabay ng pagdampi ng mga labi ni Rocky sa kanyang labi. 


''Kumain na tayo? Baka lumamig na yung pagkain.'' 

Sabay nilang pinagsaluhan ang hapunang hinanda ni Rocky. Habang kumakain at nakatitig kay Rocky, hindi niya maiwasang hindi mapabalik sa mga ala-ala noong unang nilang pagkikita kung saan muntik na niya itong paluin ng kahoy dahil akala niya'y akyat bahay. Nung panahong akala niya'y tuluyan na siyang iiwanan nito at sasama sa Ex-girlfriend ngunit paggising niya mula sa mataas na lagnat ang mukha nito ang una niyang nakita habang nakahiga siya sa mga binti nito. Hindi niya naisip na gagawin iyon ni Rocky, ang alagaan siya habang inaapoy siya ng lagnat at may tampuhan pa sila. 

Siguro nga minsan naiisip na lang natin na parang nakalimutan na tayo ng tadhana at mukhang wala nang taong darating na masasabi nating para sa atin pero mare-realized na lang natin na mali tayo sa isiping iyon kung dumating na ang pagkakataong ganito. Ang pagkakataong kasama mo na siya't pareho kayong masaya. Ganoon siya noong mga panahong may nais siyang patunayan sa kanyang Lolly pero hindi niya inaasahang darating si Rocky na siyang magsasalba sa kanya at tutulong sa kanyang patunayan na tama siya. Tama siya na may taong darating na magmamahal sa kanya sa kung ano man siya. 


Itutuloy...

Kabanata 12: Pagpupurisigi

Thank you everyone for reading! Guys, pa-konting inspirasyon naman. Please don't forget to vote after reading by clicking the STAR icon and leave your comments or suggestions! Thank you so much!

See you in the next chapter!

Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon