''Beshie, mababaliw na ako!''
''Ano ka ba beshie, hayaan mo muna siya hanggang sa hindi na mainit ang ulo 'nun. Diyos ko naman kasi beshie eh, bakit mo naman kasi hinayaang laplapin ka nung Glenn na iyon!''
''Beshie hindi ko nga inaasahan ang gagawin ni Glenn. Tapos saktong naabutan pa ni Rocky!'' kanina pa siya pabalik-balik sa bintana upang silipin kung nasa gate na sa labas si Rocky ngunit mag-a-alas nuebe na ng gabi wala pa rin ito. Paulit ulit niyang sinusubakang tawagan ito ngunit hindi rin ma-contact dahil naka-off ang cellphone.
''Hayaan mo besh, sinusubukan ko rin kumontak sa mga alam kong kakilala ni Rocky, yung mga kasama niya noon sa kwarto baka nasa kanila. Wala naman ibang pupuntahan iyon dito eh.''
''Rocky, saan ka na ba kasi?'' bulong niya sa sarili habang nakadungaw sa pintuan.
Pasado hatinggabi na't wala pa rin si Rocky kaya hindi na namalayan ni Judah na nakatulog na pala siya sa sofa sa kakahintay. Hanggang sa magising siya sa ring ng cellphone. Tawag iyon mula ka kay beshie.
''Hello, beshie?''
''Beshie, mag-online ka may sinent ako sa'yo.'' dali daling binuksan niya ang laptop at tinignan ang pinadala ng kaibigan. Laking gulat niya nang makita ang stolen shot kay Rocky na nasa bar at may kasama itong babae at mukhang nag-iinuman sila.
Hindi na napigilan ni Judah ang mga luha. Bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib sa nakikita. Siguro nga dahil hindi umuwi si Rocky dahil natulog ito ngayon sa ibang lugar kasama ang babaeng nasa litrato.
''Beshie, okay ka lang?'' tumango lang siya bilang tugon at saka binaba ang tawag.
''Tao po!'' napahinto siya sa iyak ng marinig ang boses ng tao mula sa gate. Ala una na ng madaling araw, sino naman kayang tao ang bibisita sa kanila ng ganitong oras?
Dahan dahan siyang lumabas ng main door para tignan ito kasi baka magnanakaw o may masamang binabalak ang taong ito.
''Tao po! Dito po ba nakatira si Sir Judah?'' muli nito.
''Ako po iyon, bakit ho?''
''Ay Sir, may kasama po akong lalake, sabi niya dito daw siya nakatira. Lasing na lasing. Ikaw daw po ang hanapin ko rito sa address na ito kasi ikaw daw po ang asawa nito.'' mula sa narinig, dali daling tumakbo siya papuntang gate kasi alam niyang si Rocky na ang tinutukoy nito.
''Rocky! Diyos ko naman. Manong saan niyo po ba napulot itong lalakeng ito? Kanina ko pa po siya hinahanap.'' nagtulungan silang dalawa upang alalayan si Rocky na bumaba ng taxi at dalhin sa loob ng bahay.
''Sa isang bar po sa Makati Sir. Pinasakay po siya ng isang babae sa taxi ko tapos pinahatid rito sa inyo at hanapin daw kayo.''
''Sino hong babae?''
''Syempre hindi ko na po natanong, hindi kame close eh.'' pamimilosopo ni Manong. ''Alam niyo Sir, halata rito sa kasama niyo na may problema. Kung tungkol man po ang problemang iyon sa inyong dalawa, hindi naman po sa nakikialam ako. 'Wag niyo pong hayaang sirain ng problema ang relasyon ninyo. Pinaghirapan niyong buuin iyan eh, tapos hahayaan niyo lang na masira ng isang problema.''
Sa sinabing iyon ni Manong ay mas lalong namutawi sa kanyang isipan at puso na hindi niya hahayaang mawala si Rocky sa kanya. Alam niyang mahal siya nito ngunit sadyang may mga bagay at pangyayari lang talagang dumarating sa buhay kahit hindi ito inaasahan at dapat idaan sa mabuting usapan.
''Oh siya Sir, aalis na po ako. Yung bayad po hah baka makalimutan niyo.''
''Buko...'' napatingin siya kay Rocky, tulog pa rin ito habang pinupunasan niya ang katawan nito. Napangiti na lang siya sa narinig. Kahit tulog ito, swerte pa rin siya kasi siya pa rin ang binabanggit at hindi ang kung sinuman.
''Buko, nandito ako. Aalagaan kita.''
''Ang sakit sakit buko. Alam mo ba, yung Judah na iyon, sinasaktan niya lang ako. Alam mo ba buko, mahal na mahal ko iyon pero parang wala naman akong laban dun sa Glenn na iyon eh.'' nakapikit pa rin ito kaya hindi na niya pinansin ang mga sinasabi nito, dala lang siguro iyon ng alak na nainom at sakit na nararamdaman.
"Judah... Judah..'' dali dali niyang inilapag ang palanggana ng maligamgam na tubig sa lamesa at saka binalikan ito sa kama.
Naka upo na ito sa kama at parang nahimasmasan na.
''Humiga ka lang Rocky. Matulog ka na.'' Ininalalayan niyang mahiga ito ngunit pinigilan siya nito.
''Judah, may mali ba akong nagawa? May na-realize ka ba na mali sa akin kaya mo hinayaan na gawin iyon ni Glenn?'' nakatingin lang ito sa isang sulok ng kwarto at naluluha ang mga mata.
Umupo siya sa tabi nito dahil gusto niyang magpaliwanag. Ano pa nga ba ang ipapaliwanag niya dahil nakita na naman ni Rocky ang dapat na hindi nito nakita?
''Rocky, makinig ka muna sa akin. Magpapaliwanag ako.''
''Paliwanag na ano, Judah?'' tumayo si Rocky upang lumayo sa kanya. Pakiramdam niya'y nandidiri na ito sa kanya ngayon. ''Paliwanag na hindi mo gustong gawin iyon sa 'yo ni Glenn?''
''Bakit sa tingin mo ginusto ko iyon?'' ang mga luhang nagpipigil na mahulog ay hindi na niya napigilan pang dumaloy. ''Rocky alam mo kung sino ang mahal ko.''
''Kung mahal mo 'ko bakit bigla mo na lang akong hindi kinakausap? Tapos makita ko na lang na may kahalikan kang iba!''
''Rocky ano ba!? Makikinig ka ba sa akin o patuloy mo lang isusumbat sa akin ang nakita mo?''
''Kung hindi ko nakita, hindi mo balak sabihin?'' bigla siyang natigilan sa sinabi nito kasi hindi niya rin alam ang sagot doon.
Lumabas ng kwarto si Rocky at nagtungo sa sarili nitong kwarto. Hindi na niya sinundan upang pareho nilang makakalma ang kani-kanilang mga sarili't emosyon. Humiga siya sa kama nang may mabigat na dala sa dibdib at pinili na muling balikan ang mga alaala nila ni Rocky.
''Akala mo ikaw lang ang matalino noh?'' pagbibiro ni Rocky matapos punitin ang quarantine pass upang hindi matuloy ang kanyang alis.
''Shut up!'' pagtataray niya rito.
''Pag pumunta ka 'ron, coco water lang ipapalaklak sayo 'non.'' pangdi-discourage nito sa kanya kay Glenn. ''Di ka tatamaan.''
''Tatamaan ka sa 'kin pag 'di ka tumigil!''
''Sungit naman nito. 'Di bagay sa yo.'' saka inilapit nito ang mukha sa mukha niya. ''Ako ang bagay sa 'yo.''
''Rocky!'' sigaw niya rito mula sa parking lot ng unit nila. ''Sumama ka na lang kaya sa amin.''
Gumuhit ang matamis na mga ngiti sa labi nito. ''Sigurado ka? Pwede ba?''
''Sigurado ka na rin ba.... sa 'kin?''
''Wait lang.. wait lang..'' saka dali-daling nag-empake ng mga damit.
Itutuloy...
Kabanata 7: Ikaw ang Aking Pinili
Thank you everyone for reading! Guys, pa-konting inspirasyon naman. Please don't forget to vote after reading by clicking the STAR icon and leave your comments or suggestions! Thank you so much!
See you in the next chapter!

BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)
Fanfiction''Sasama ako kahit saan ka magpunta.'' ''Wala ka nang kinakatakot?'' ''Wala!'' Kasabay ng pagtanggap ni Rocky sa kanyang tunay na pagkatao ay ang paghanda niya rin sa sarili sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa kaniyang sekswalidad at sa kung a...