''Judah, may anak kame!''
Biglang napatigil si Judah sa hikbi at blankong napatitig lang sa mga mata ni Rocky. Hindi niya mahagilap ang tamang salitang sasabihin. Parang pati bibig niya, nakalimutan na rin niya kung paano ibuka para magsalita. Parang tumigil ang kanyang utak sa pag-iisip ng sasabihin o gagawing reaksyon sa sinabi nito.
''Judah, hayaan mo muna akong magpaliwanag hah? Wag ka munang magsasalita, wag ka munang gagalaw. Pagkatapos kong magsalita, ikaw nang bahala kung tatanggapin mo pa ako.'' pinuno muli ni Rocky ang hawak na baso ng alak at saka bumuntong-hininga upang makakuha ng lakas ng loob para simulan ang sasabihin.
''Naalala mo si Che? Yung ex ko na nabasa mo yung message noon? Kaibigan niya si Love, pareho silang nagkagusto sa akin. Hindi tinanggap ni Love na si Che ang pinili ko sa kanilang dalawa kaya naging dahilan iyon, ako upang masira ang kanilang pagkakaibigan. Naging masaya naman kame ni Che, pero tulad ng ibang relasyon, nag-aaway din kame hanggang sa naging udlot ng hiwalayan namin.'' huminto ito sa pagsasalita at muling nagsalin ng alak sa baso. ''Naglalasing ako noon sa isang bar nang madatnan ako ni Love, sinamahan niya akong uminom hanggang sa pareho kameng nalasing. Nagising na lang ako kinabukasan pareho na kameng hubo't hubad nakahiga sa isang kama.''
Tahimik lang si Judah habang nakikinig sa kinukwneto ni Rocky. Pakiramdam niya'y parang isa-isang tinutusok ang dibdib niya ng karayom sa sobrang sakit at kirot mula sa mga sinasabi nito. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng kanyang luha.
''One night stand lang ang nangyari sa amin ni Love at never kong dinibdib iyon hanggang sa nawalan na kame ng komunikasyon. Nalaman ko pa nga noon mula kay Che na nagpunta ito ng Amerika upang doon tapusin ang pag-aaral. Pero noong nakaraang lingggo, bigla siyang nag-sent sa akin ng picture ng batang lalake. Mga isang taong gulang na ang bata. Akala ko wrong sent lang kaya nireplyan ko. Sabi niya, anak ko raw. Nabuo raw ang nangyari sa amin noon. Pinadala niya lang sa akin ang litrato ng bata baka raw sakaling gusto kong makita sa personal habang narito pa sila sa Pilipinas. Naabutan daw kasi sila rito ng lockdown.''
''Noong una, medyo nagtampo ako sa kanya kasi hindi niya sinabi sa akin pero hindi niya naman raw intensyong hindi ipakilala sa akin ang anak ko. Ayaw niya lang daw makadagdag sa alalahanin ko lalo na't may pandemya. Hiniling ko sa kanya kung ayos lang na makita ko ang anak ko, hindi naman siya nagdalawang isip kaya 'yung nakita mong kayakap ko, siya yun, si Love yun, siya rin ang nagpakilala sa akin doon sa kaibigan niyang nagbigay sa akin ng trabaho.''
''Judah.'' tumayo ito't hinawakan ang kanyang mga mga kamay. ''Simula nang makilala kita, natutunan kong tanggapin at kilalanin ang sarili ko. Tinulungan mo akong maging matatag at lumaban. Judah ikaw yung kaisa-isang taong tumanggap sa akin kasunod kay Mama. Judah, hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin, hindi naman porke't may anak ako hindi na tayo pwede di ba? At-at tsaka si Love? Engaged na iyun sa Amerikano niyang boyfriend, magkaibigan lang kame.''
Nananatiling tahimik si Judah dahil sinusubukan niyang i-sink in lahat ng mga sinabi nito sa utak niya pero dahan-dahan parang nabubunutan na siya ng tinik sa dibdib dahil sa mga sinabi nito.
''Judah, magsalita ka naman 'o, iiwanan mo pa rin ba ako? Sige ka, maraming naglalaway sa akin.'' hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito.
''Corny mo!'' inirapan niya lang ito.
''Pero love mo!'' niyakap siya ni Rocky. Sa pagkakataong iyon, lahat ng kanyang saloobin at pag-aalala'y parang naging singaw sa hangin. Nakahinga na siya ng maayos at maluwag. Kaya mahal na mahal niya ang taong ito eh dahil kahit napaka-misteryoso minsan pero matapat sa pagmamahal sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/247009640-288-k736085.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)
Fanfiction''Sasama ako kahit saan ka magpunta.'' ''Wala ka nang kinakatakot?'' ''Wala!'' Kasabay ng pagtanggap ni Rocky sa kanyang tunay na pagkatao ay ang paghanda niya rin sa sarili sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa kaniyang sekswalidad at sa kung a...