''Buko, pwede ba akong pumunta kina Ricky mamaya?''
''Oo naman buko.'' inayos niya ang mga dadalhin nitong bag.
'' Salamat Buko!'' niyakap siya nito ng mahigpit. ''Ikaw anong balak mo ngayon?''
''May pupuntahan lang kame ni Beshie na meeting sa Org at nung mga new members ng org na sina Rona at Alliyah.''
''Mag-ingat talaga buko hah. Sa mga pinupuntahan niyo, mga hinahawakan at 'wag magtanggal ng mask at face shield at tsaka laging mag-alcohol.''
''Opo sir, ikaw din. At ingat sa mga malalandi.''
''Hahaha. Opo Mahal ko. Bibili nga pala ako ng rapid test kits mamaya para sa atin.''
Nang magpaalam si Rocky, naghanda na rin siya dahil papunta na si Beshie sa bahay para sunduin siya.
''Baby Ju.'' napalingon siya sa boses na galing sa pinto - si Glenn ang nakatayo roon.
''Glenn? Anong ginagawa mo rito?'' gulat niyang tanong.
''I heard na pupunta kayo sa Org meeting ngayon, kaya susunduin na kita.''
''Hah? Salamat pero papunta na kasi si Beshie.''
''I asked him para ako na ang susundo sayo.'' lumapit ito sa kanya at hinawakan sa kamay. ''Please? just let me do some efforts for you.''
''Glenn, hindi mo na naman kailangang gawin pa ito sa akin eh.''
''Judah, I am trying to win you back. Diba mahal mo naman ako noon? What's wrong?'' maluha luha ang mga mata nito.
''Glenn, walang mali okay? Ito na ang tama. Iiwasan na kita kasi may Rocky na ako at masaya kame. I hope you'll accept that.''
Bumuntonghininga ito bago muling nagsalita.
''Yeah, maybe you're right. I'm sorry Judah. But please promise me na hahayaan mo rin akong mag stay as friend.''
''No problem Glenn''
Wala na siyang nagawa kung hindi sumama sa kotse kasama si Glenn patungo sa meeting place ng Org. Habang nasa byahe nakatuon lang ang kanyang atensyon sa kalsada. Suot ang facemask at faceshield, hindi na lang din niya hinarap ang katabi kahit nararamdaman niyang paminsan minsa'y tinititigan siya nito.
''Besh, tahimik ka diyan?'' siniko ako ni Beshi. Kanina ko pa kasi pinapanood ang mga myday ni Rocky na kasama ang anak at si Love. Kitang kita ang kakaibang saya ni Rocky kapag kasama ang anak.
''Wala, hindi ko lang alam besh kung anong nararamdaman ko kapag nakikita kong ganito si Rocky kasaya sa tuwing kasama niya ang anak niya.''
''Hay naku besh, hayaan mo na. Ganyan talaga ang mga lalake kapag kasama ang anak nila. At tsaka wala ka namang dapat ika-worry diyan sa Love na iyan kasi masaya din ang love life ni ateng. Pagiging tatay lang talaga ang purpose ni Rocky diyan.''
''Pakiramdam ko'y na-i-insicure lang ako kasi ito yung pinaka isang bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya.''
''Alam mo besh, magdrama ka ng ganyan kung straight si Papa Rocky, pero hindi naman diba kaya hindi mo kailangang mag isip ng ganyan kasi for sure maiintindihan niya.''
''Judah, I have something to show you. These are my plans for the Org.'' umupo si Glenn sa tabi niya at inayos paharap sa kanila ang laptop para maayos niyang mapanood ang presentation nito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)
Fanfiction''Sasama ako kahit saan ka magpunta.'' ''Wala ka nang kinakatakot?'' ''Wala!'' Kasabay ng pagtanggap ni Rocky sa kanyang tunay na pagkatao ay ang paghanda niya rin sa sarili sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa kaniyang sekswalidad at sa kung a...