Kabanata 2: Ako Ang Pinili

89 13 4
                                    


Maagang nagising si Rocky dahil parang namamahay pa siya kasi first time niyang makatulog sa ganoong kagarang kwarto. Hindi sila natulog sa iisang kwarto ni Judah dahil may sarili itong kwarto at ayaw rin Lolly na matulog sila sa iisang silid. 

Naabutan niya ang kusinera na naghahanda ng lulutuin nitong agahan. 

''Manang, good morning po. Pwede po ba akong tumulong?'' alok niya ng tulong rito. 

''Ay naku Sir, wag na. Ako na lang po.'' pagtatanggi nito. 

''Naku okay lang po Manang, saka gusto ko ako ang maghanda ng breakfast ni Judah, kasi dadalhan ko siya sa kwarto niya.'' 

''Ang swerte naman ni Sir Juju. Sige po.''

''Ano po bang paboritong agahan ni Judah?'' 

''Ang lagi niyang nire-request sa akin noon ay sunnyside up egg at itong tucino Cebu.'' 

''Ganoon po ba? Ilang buwan na rin palang hindi nakakain ni Judah ang paborito niya kasi lagi lang kameng itlog at sardinas dun e.'' sagot niya habang binabalatan ang sibuyas. 

''Naku Sir, sarapan mo iyang itlog at tucino mo para magustuhan ni Sir Juju.'' saka ngumiti ito sa kanya ng nakakaloko.

''Si manang talaga oh, pinagtitripan ako umagang-umaga.'' 

Nagpatuloy siya sa paghahanda ng agahan para kay Judah habang hindi pa ito gising. Hinanda niya lahat sa isang tray ang pagkain at isang basong pineapple juice saka dinala iyon patungo sa silid ni Judah. 

''Hijo, para kay Judah ba yan?'' si Lolly ang nakasalubong niya sa pasilyo. 

''Good morning po Lolly. Ah opo, para kay Judah po.'' tukoy niya sa dalang pagkain sa tray. 

''Maraming salamat Rocky hah, sa pag-aalaga at hindi pagpapabaya kay Judah.'' 

''Wala po anumang Lolly. Ako nga po dapat ang magpasalamat kasi hindi niyo po ako tinuturing na iba rito sa bahay niyo.'' nahihiya man sa presensya ng matanda ay pinilit na iniwaksi iyon ni Rocky sa kanyang isipan kasi gaya ng sinabi nito, iturin niyang bahay niya rin ang tahanan ni Judah kasi parang apo na rin ang turin ng matanda sa kanya. 

''Diba nga sabi ko sa'yo, kung ano si Judah sa akin, ganoon ka na rin kasi mahal ka ng apo ko.'' tinapik tapik siya nito sa balikat at nginitian. ''Oh siya, dalhin mo na iyan sa mahal na prinsesa at baka magising na iyon.'' 

''Opo, Lolly.'' 


Halos hindi maramdaman ni Rocky ang bigat ng dalang tray habang umaakyat sa hagdan. Ito ang unang beses na gagawa siya ng effort na ganito para sa isang tao. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nagiging kusa sa kanyang katawan ang pasayahin si Judah. Nagiging kusa sa kanyang isipan ang mag-isip ng mga bagay na gagawin para sa ikakasaya nito. 

May ngiti sa mga labi'y, dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Judah at nakita niya itong himbing na himbing pang natutulog. Nilapag niya ng dahan dahan ang tray sa lamesang katabi ng kama nito. Hindi na niya muna gigisingin ito dahil maaga pa naman. 

Naisin niyang lumabas at maglakad lakad muna sa hardin ng bahay. Maaliwalas kasi ang paligid at malalayo ang mga kapitbahay dahil nasa isang rural area ang subdivision na iyon kaya napaka presko ng hangin kumpara sa syudad. 

Maraming klase ng halaman ang naroon at halatang inaalagaan talaga ng mabuti ang mga ito dahil mukhang malulusog. Nakita niya sa isang banda ng hardin ang dalawang lalakeng nagti-trim ng mga damo. Kaya pala ganito na lang kalusog ang mga halaman rito kasi may hardinero pala talagang nag-aalaga rito.

''Rocky!'' lumingon siya sa pinaggalingan ng boses at si Judah ang unang niyang nakita. Abot-tenga ang mga ngiti nito at hawak ang baso ng juice na dinala niya kanina sa kwarto nito. ''Good morning!'' 

''Good morning, Judah!'' ngumiti siya ng pagkatamis tamis at saka nilapitan ito. 

''Salamat sa pa-breakfast in bed, kamahalan.'' kinikilig pa nitong sabi. 

''Walang anuman. Napakilig ba kita?'' pangungutya niya rito. 

''Kilig. Hindi naman.'' kunwaring titingin ito sa malayo kahit pilit na tinatago ang kilig ay kitang kita niya pa ring namumula ito.

''Eh kung halikan kita, di ka kikiligin?'' 

''Hindi pa rin.'' maang-maangan nitong sagot habang hindi inaalis ang tingin sa malayo. 

''Hindi pala ha.'' hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at aakmang hahalikan sa labi-

''Judah!'' pareho silang nagulat sa pamilyar na boses na iyon. "Judah, let's talk.'' 

''Glenn?'' tanging salitang lumabas sa bibig ni Judah. Siya naman, naiwan siyang tahimik at nakatayo lang habang pinagmamasdan kung anong gagawin ni Judah. 

''Anong ginagawa mo rito? Di ba sinabi ko na sa iyo kagabi na ayoko munang magpa-istorbo?'' 

''Istorbo? ayaw mong magpa-istorbo because you are with him?'' tukoy nito sa kanya. 

''No, it's not like that Glenn.''

''Then what Judah!?'' napansin niyang tumataas na ang boses nito kay Judah kaya pumagitna na siya. 

''Glenn ako ang pinili ni Judah. Kaya pwede ba, bumalik ka na kung saan ka man nanggaling?'' matigas ang boses at buong tapang niyang haharapin ang sinumang magtatangkang manakit kay Judah. 

''Really? No. I don't believe Judah made his mind already. Judah, let me prove myself first. I will do that whether you say yes or no!'' 

''Umalis ka na!'' pagtataboy niya rito. ''Ke-aga-aga, nanggugulo ka rito.''  

May pagbabanta ang bawat tingin ni Glenn sa kanya bago nito nilisan ang lugar. 


Itutuloy...

Kabanata 3: Cover or Uncover

Thank you everyone for reading! Please don't forget to hit that Star to Vote and leave your comments so I can thank you personally!

See you in the next chapter!


Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon