Kabanat 8: Maling Hinala

61 10 14
                                    


''Buko, anong oras ka uuwi? Kasi para hihintayin kita't sabay na tayong mag-dinner.'' nakangiting tanong ni Judah kay Rocky habang inaayos ang hapag kainan nito. Nakabihis na si Rocky kasi ngayong araw ang unang photoshoot nito. Gusto niya sanang sumama kaso may mga inaasikaso rin siya para sa organisasyon nila sa skwelahan. 

''Oo, buko. Hindi naman yata ako maaabutan ng buong araw doon kasi pangatlo ako sa mga sasalang sa photoshoot.'' sagot nito. ''Hindi pa nga ako umaalis, namimis mo na agad ako?'' 

''Baliw! Hindi no!'' 

''Ouch! sakit naman 'nun. Hindi mo pala ako mamimis hah. Sige, di na lang ako uuwi.'' tinuon nito ang atensyon sa pagsubo ng kanin at ulam na sunnyside up egg, kunwari nagtatampo. 

''Aysuus! Di bagay sa'yo buko. Siyempre mamimis kita. Namimis na nga kita, iisipin ko pa lang na ilang oras kitang di makikita.'' 

''Ayie. Si Judah marunong nang magpakilig.'' nginitian siya nito kaya nag rolled-eyes lang siya para tarayan ito. 


''Aalis na ako Buko hah. Tawagan mo ko agad kapag may magtatangkang pumasok rito habang wala ako. Lalo na yung magnanakaw- ng halik.'' napabungisngis siya sa sinabi nito dahil alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. 

''Oo na, ikaw rin, wag lalandi sa mga co-models.'' ngumiti lang ito bilang tugon. Hinalikan siya nito't lumabas na ng gate. 


''Beshie, baka tanghalian pa ako makakarating diyan kasi itong si Alliyah eh, biglang may pinapabili sa akin. Daanan ko na lang, ayaw lumabas ng gaga, takot ma-corona.'' kasalukuyan silang magka-video call ng kaibigan. 

Nag-usap kasi silang pupunta si Beshie sa bahay niya dahil may gagawin silang presentation at doon na rin ito matututlog. 

''Okay beshie. May sinent din pala ako sayo na listahan. Pasama na lang din.'' 

''Tignan mo 'to. Ano ako runner niyo?'' kitang kita niyang nagdadabog ito. ''Oh, siya call you later kasi nandito na ako sa watson's'' 

Matapos i-off ang video call sa kaibigan, sakto naman tumatawag ang kanyang Mommy at Lolly. 

''Hi Judah!'' bungad nito nang makita siya. Mas lalo siyang sumaya nang makita ang Lolly niya sa tabi ng Mommy niya. ''Kumusta ka na diyan anak?'' 

''Hi Mommy, Hi Lolly. Maayos na maayos lang po ako, kame.'' 

''Oh, nasaan ang Rocky mo Juju?'' tanong ni Lolly na tila may hinahanap sa likuran niya. 

''Umalis po, may nahanap na kasi siyang trabaho kaya kailangan niyang pumasok. Pero maaga naman po siyang uuwi.'' 

''Ah ganon ba. Gusto mo na bang pabalikin ko na ang mga katulong para may kasama ka diyan sa bahay pag wala si Rocky?'' suhestiyon ni Lolly na nag-aalala sa kanya. 

''Naku, ayos lang po ako Lolly. Si Manong na lang po ang pabalikin niyo muna kasi kailangan ko siya kapag mag-go-grocerry ako.'' 

''Oh sige, pababalikin ko na si Manong bukas.'' 

''Paano naman ang mga pagkain niyo anak, marunong ka na bang magluto?'' Mommy niya naman ang mukhang nag-aalala ngayon. 

''Mommy, masarap pong magluto ang kasama ko dito sa bahay.'' 

''Yung luto niya lang ba talaga ang masarap anak?'' natatawang tanong ng Mommy niya. 

''Mommy!'' kumut-noo siya't tumingin sa malayo pero sa loob-looban niya parang gusto niyang sagutin ng masarap po  ang tanong ng Mommy niya. 

''Oh siya sige na anak baka busy ka pa diyan. Kung may kailangan ka pa, sabihan mo lang kame ng Lolly mo hah. I love you anak!'' 

''I love you Judah!'' sigaw ni Lolly. 

''I love you Mommy and Lolly. Babye po!'' 


''Besh, ba't ang busy ng line mo. Sagutin mo nga video call ko.'' 

''Ang demanding naman nitong magpasagot.'' tinawagan niya ang kaibigan. ''Ano ba yun?'' 

''Beshie!!!'' biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Judah nang makita ang nasa screen ng cellphone na bini-videohan ni Beshie. 

''Te-teka, si-si Rocky ba iyan?'' inilapit pa niya sa mukha ang cellphone para maaninag ang nakikita. 

''Oo beshie at may kasama siyang babae, kilala mo ba iyan?'' 

''Hindi eh, pero baka kasama niya lang sa trabaho.'' pinilit niyang iwinawaksi sa isipan na mag-isip ng masama sa nakikita. Nakayakap lang naman si Rocky sa babae eh, wala naman silang ginagawang masama at alam niyang hindi siya lolokohin ni Rocky. 

''Okay ka lang ba beshie?'' 

''O-oo naman beshie. Hayaan mo na sila baka kasama niya o kaibigan niya lang iyan si Ate Girl.'' 

''Okay. See you Beshie.'' 

Hindi na niya naintindihan ang huling sinabi nito kasi hindi na niya pinansin. Sinakop na ng eksenang nakita ang buong kaisipan niya. Ano nga kaya ni Rocky ang babaeng iyon? Bakit sila magkayapkap? 

Dali-dali'y tinignan niya ang Facebook wall ni Rocky at may mga tagged photos ito kaya minabuting isa isahin niya ito baka sakaling may makikita siya. Hindi naman siya nagkamali kasi may nag-tagged kay Rocky na isang Love ang pangalan at selfie nila iyon doon mismo sa lugar kung saan ipinakita ni Beshie na nagyayakapan sila. 

''Ito pala yung Love na sinasabi niya?'' sabi niya sa isip. 

''Sabi ni Rocky kaibigan niya lang daw ito eh.'' pilit niyang kumbinsi sa sarili. 

Minsan sa isang relasyon, may mga oras talagang makakaramdam ka na lang ng pag-aalala, pagkabahala at pagkadismaya para sa sarili mo lalo na kapag may ibang taong nakakahalubilo ang mahal mo na pakiramdam mo'y mas higit sa'yo. Bigla kang mag-iisip na what if hindi ako sapat? What if makakahanap siya ng mas higit sa akin? What if hindi pala talaga ako ang mahal niya at kailangan niya? Ang daming what ifs agad ang iikot nang iikot sa utak mo. 

Dahil sa mga nakita ni Judah bigla na lang siyang nakakaisip ng, what if si Rocky hindi pa talaga sigurado sa gusto nito at biglang naging isa lang siya sa mga bagay na ginamit nito upang makilala at madiskubri talaga ang tunay na pagkatao. Alam niyang babae ang mga naging ex nito at siya ang unang hindi babae sa buhay ni Rocky kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya sa tuwing may mga ganitong bagay siyang natutuklasan. 

'' Alam niyo Sir, halata rito sa kasama niyo na may problema. Kung tungkol man po ang problemang iyon sa inyong dalawa, hindi naman po sa nakikialam ako. 'Wag niyo pong hayaang sirain ng problema ang relasyon ninyo. Pinaghirapan niyong buuin iyan eh, tapos hahayaan niyo lang na masira ng isang problema.''

Siguro nga tama si Manong taxi driver, hindi niya na muna paiiralin ang mga maling hinala niya kasi baka matulad na naman noong isang araw. Kakausapin at itatanong niya kay Rocky kung sino ang babaeng iyon at nang mapa-usapan nila ng maayos. May tiwala siya sa minamahal niya at alam niyang hindi ito gagawa ng mga bagay na ikakasama ng relasyon nila. 

Sana lang talaga maling hinala lang ito at mali din siya sa kanyang kutob... 


Itutuloy...

Kabanata 9: Tamang Hinala 

Thank you everyone for reading! Guys, pa-konting inspirasyon naman. Please don't forget to vote after reading by clicking the STAR icon and leave your comments or suggestions! Thank you so much!

See you in the next chapter!

Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon