Buong breakfast, pasimple kaming tumitingin ni Seb sa isa't-isa. Kung di nga lang kami bantay sarado ng counselor namin titigan ko lang sya buong magdamag. Nawalan na nga ako ng gana sa pagkaing kinuha ko. Gusto ko lang syang titigan, gusto ko syang kausapin gamit ang isip ko.
Andito ako para itakas ka rito.
Ilalabas din kita rito wag kang mag-alala.
Titira ka sa amin, I'm sure ok lang yung parents ko at mga kapatid ko dun.
I'm sure he understood. Alam namin ang takbo ng isip ng isa't-isa. Alam nyang hindi ako bigla biglang magpapakita rito ng walang dahilan.
"Karl? Karl?"
Shet, nakalimutan kong ako nga pala si Karl.
"Sinong tinititigan mo dyan Karl?" tanong ni Kuya George.
"Wala, nakatingin ako sa labas. Tinitignan ko lang yung Sports building sa tapat."
"Ah ganun ba, next time saka mo na lang titigan yung Sports Building, baka kasi may makakita pa sayong ibang counselor. Labag sa house rules ang pagpapakita ng affection sa kapwa camper. Syempre andito tayo para magbago. Kailangan i-control din natin ang mga sarili natin."
Wala akong pakialam sa house rules na yan. Hindi naman kami magtatagal rito.
Binilisan ko na yung pagkain dahil ako na lang pala yung inaantay. Paglunok ko ng huling subo ng kanin, nagyaya na si Kuya George na pumunta sa sleeping quarters namin.
"Pero pano po itong mga pinagkainan namin?" tanong ni Matthew.
"Bayaan nyo yan dyan," sabi ni Kuya George nonchalantly, "May mga taga linis tayo dyan. Hindi panlalaki ang mga gawaing bahay."
"Yes!!" Malakas na cheer ni Walter, sa sobrang lakas napatingin sa kanya yung mga nasa kabilang table, "Di na ko mapapagod sa gawaing bahay!"
"Ikaw ba gumagawa ng gawaing bahay sa inyo Walter?" tanong ng counselor namin.
"Opo. Masyadong tamad ang mga kuya ko."
"Its your fault. Nagpakita ka kasi ng femininity sa mga kapatid mo. May mga asawa ba sila? Dapat yung mga asawa nila ang pinaglilinis nila ng bahay."
Eto nanaman tayo sa mga super problematic na payo.
Tumingin ako one last time kay Seb. Nang tumingin din sya sa kin. nagbago ulit yung timpla ng mukha nya ng makita akong nakatayo at dala yung gym bag ko. Ayaw nyang mawala ulit ako sa paningin nya. Maging ako rin naman.
Hindi maalis sa isip ko yung itsura ni Seb kahit nakalabas na kami ng cafeteria. Nilakad namin ang napakalawak na field na pinaliligiran ng tatlong building. Sa gitna ng field ay may flagpole na may flag na kulay puti at may logo ng kanilang simbahan.
"Eto nga pala yung field. Araw-araw, bago magbreakfast o di kaya bago mag hike. kailangang mag-assemble muna rito sa flag pole ang mga campers."
"Parang flag ceremony?" tanong ni Matthew.
"Oo, parang ganun."
"So stupid," bulong ni JR sa likod ko.
"Hindi sya stupid," ako yung kinabahan para sa kanya nung narinig pala sya ni Kuya George, "Dito tayo minemeet ng Director kung meron syang mga announcement."
"So dito nya kami sesermunan ng bible passages na may or may not be true?"
"Hindi. Religion classes and church services ay ginaganap dun," tinuro nya yung second floor na pinanggalingan namin, yung taas ng hall at cafeteria, "Ayan ang chapel."
BINABASA MO ANG
Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]
Teen Fiction[Trigger Warning: Gore, Torture, Violence, Sex, and Homosexuality] Something's wrong with Seb. Bilang best-friend-turned-boyfriend, kilalang-kilala na talaga ni Clyde si Sebastian, kaya naman nang mapansin ang unti-unting pagbabago nito, tulad ng pa...