"So, anong plano?"
Kahit sa dilim ng gabi, kita ko yung mga kasama kong kanya-kanya ng bangon mula sa kani-kanilang mga higaan. This is not what I expected my escape would be. Ang ineexpect ko talaga ako lang, ako at si Seb lang. Di kaya kami mahirapan dahil ngayon, isang grupo na kaming pilit tatakas?
Kaso base sa mga nalaman ko nitong nakaraan, parang mas mabuting malaman na may mga kakampi pa rin pala ako rito.
Sabagay, sa kondisyon ni Seb ngayon, kailangan ko talaga ng extra help sa pagsakay sa kanya sa kotse ko. Tsaka kasya naman kaming lahat sa kotse ko.
Kinapa-kapa ko yung spare key na nasa medyas ko. I would be lying kapag di ko inamin na nagooverthink din ako na baka mamaya may ginawa na sila sa kotse ko. Pero sa ngayon, na itong kotse ko ang mga pinakamahalagang role sa aming pagtakas ngayon, I can help but to manifest na wala sanang problema rito.
"Clyde?"
Kahit sa dilim, ramdam ko yung pagtama ng mga tingin nila sa kin.
"Bakit?"
"Let's plan na. Ano yung mga nalaman mo about sa attempt nyo na tumakas last night?"
tanong ni JR.Shuta, naalala ko nanaman si Seb. Si Gummybear ko.
"May fence. Malaki." Di ako makapagsalita ng maayos, kinakain ako ng guilt na sana sinunod ko na lang sana si Seb na magplano muna kami bago kami tumakas. Hindi sana sya natorture ng ganun.
"So ibig sabihin ba nito, ekis tayo sa gubat? Hindi tayo pwedeng tumakas anyway?"
Unti-unting lumilinaw yung isip ko. Yung guilt, unti-unting napapalitan ng galit. Kailangan magbayad ng mga bumugbog sa Gummybear ko.
"Oo. Tsaka yung bangin-"
"Ay shet yung dalawang bangin nga pala."
Problema talaga kung paano kami makakarating mula rito sa mismong camp, paakyat sa main cabin na nasa taas. Given na may malalaking fences na nakapaligid sa buong camp, impossibleng makakaikot kami sa bundok na kung nasan kami ngayon.
"So ang choice na lang talaga natin ay yung hagdan lang papunta sa taas?" tanong ni Matthew.
"Oo. Unless, may trail sa likod pa, baka naman may part ng fence na maaaring pasukan? Or baka may part naman na di na nilagyan ng fence dahil sa sobrang sukal?"
sabi ulit ni JR.Kinuha ko sa medyas yung susi at hinawakan ito ng mahigpit, "Best choice talaga natin sa taas. Nakapark pa sa parking lot yung kotse ko. Madali tayong makakatakas gamit yon. May spare key ako nun dito."
"Dala mo kotse mo?" tanong ni Matthew.
Shet, saka ko lang naalala na nakasakay na pala sa kotse ko si Matthew, at we may or may not made out habang lasing kaming dalawa nung isang araw. Di ko alam.
"Oo. So kung tatakas tayo, best choice natin yung taas."
"Eh pano kung makita tayo ni Director Sandoval dun?"
"Edi tulak natin," biro ni JR na kinatawa namin saglit. Mabilis ring nawala yung tawa dahil alam naming kahit bigyan kami ng chance di namin gagawin yon.
Ikaw ba naman makaharap ng leader ng isang kulto na wala kang idea kung anong mga pwedeng gawin sayo, pagtitripan mo ba sya?
"Pero oks na rin na dun tayo sa taas," sabi ko sa kanila, "Kesa naman sa magbakasakali tayo sa gubat, baka lalo lang tayo mapahamak. Besides mas kabisado nila yan kesa sa tin. Lugi lang tayo."
"So dun tayo sa taas?" tanong ni Walter na uncharacteristically quiet sa mga oras na to.
"Sana."
BINABASA MO ANG
Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]
Novela Juvenil[Trigger Warning: Gore, Torture, Violence, Sex, and Homosexuality] Something's wrong with Seb. Bilang best-friend-turned-boyfriend, kilalang-kilala na talaga ni Clyde si Sebastian, kaya naman nang mapansin ang unti-unting pagbabago nito, tulad ng pa...