Chapter 20

666 32 9
                                    

Di ko talaga naintindihan kung bakit lahat ng nakikilala ko rito, sobrang masaya at so optimistic, na akala nila, they're really doing a change in the world, pero sa totoo lang, wala naman silang ibang ginagawa kundi i-mess ang mental health ng isang tao.

"Kuha ka lang ng upuan mo dyan tas you can join our circle na," sabi ni George pagkapasok ko sa Function Hall.

Nakatingin lang sa kin yung apat na ibang campers. Medyo nahiya ulit akong tumingin din sa kanila kaya nilibot ko yung tingin ko sa Function Hall habang kumukuha ng upuan mula sa isang gilid.

Air-conditioned ang buong hall at medyo malawak din. Meron din itong stage na may kurtina, mga ilaw sa taas at mukhang mga props na ginamit sa mga kung saang play.

Pagkakuha ko ng isang silya, dinala ko ito palapit sa bilog na ginawa nila. Umusog naman sila para bigyan ako ng space sa pagitan ni George at isang batang nakatitig lang sa gym bag nya at mukhang iiyak anytime.

"So ayun! Sa wakas! Kumpleto na rin tayo! Hello Cluster 12!"

Hindi ako sure kung maghehello din ba ako. Pero nung nag-hi yung isang lalaking katapat ko, nag hello din ako at yung iba pa, di lang same ng enthusiasm nya.

Mukhang pare-pareho kaming may ayaw sa kinalalagyan namin ngayon.

"Guys! Let's cheer! Di ba kayo excited? You'll get to meet new friends and new experiences!"

Naisip kong sumagot ng isang sarcastic na "Yehey" kaso hindi yun magandanh first impression sa kin kaya nanahimik na lang ako. Dapat magpakabait lang ako.

"Ok so mukhang nakakahiyaan pa tayo," sabi ni George, "Pero ayos lang yun! Magpakilala na tayo sa isa't-isa para naman mas maging kumportable na tayo. Sino gustong mauna?"

Walang sumagot.

"So, sige, ako na muna," natawa ng konti yung counselor namin, yung awkward laugh.

Nagclear sya ng throat nagsalita, "Hi! Ako ulit si George. Im 29 years old. Pwede nyo kong tawaging Kuya George at ako ang magiging counselor nyo sa 4 weeks nyong pamamalagi dito. Actually, this is my very first time na maghahandle ng cluster kaya I'm very sorry kung medyo excited ako mssyado."

Napapansin ko yung slight na kulot sa boses nya. Napansin ko yun. Siguro naging camper din sya dito dati.

"Alam ko kung ano exactly yung nararamdaman nyo kasi napagdaanan ko din yan noon. Dati akong camper, way back 2015."

Sabi na nga ba.

"Sobrang naging laki ng tulong sa kin ng program na ito. Noon, madalas kaming nag-aaway ng tatay ko dahil sa pagiging bisexual ko. Nagalit nga ako nung pinilit nila akong pumasok dito, alam kong yung iba sa inyo pinilit lang din ng magulang, pero I know how you feel, and sinasabi ko sa inyo, after nito, pasasalamatan nyo rin sila."

What the fuck?

"Nung lumabas ako sa camp na to, nawala lahat ng attraction na meron ako sa mga lalaki. As in sobra. Last year, kinasal na ko, at just last month nanganak na yung wife ko sa panganay namin."

Pinakita nya sa min yung wedding ring na suot nya, pati na rin yung wallet nya na may picture nya, yung asawa nya, at yung baby nila. Nakatingin lang sya sa min na para bang gusto nyang mag-"awww" kami sa kwento nya ng pagbabago.

"I guarantee you, pagbinuksan nyo lang yung puso nyo, mapagtatagumpayan nyo ang laban against homosexuality."

I wonder kung anong torture techniques ang gagawin nila sa min.

"So, ayun, pwede nyo kong lapitan anytime kung gusto nyo ng kausap," sabi nya. Bigla akong kinabahan, ako kasi yung katabi nya sa kaliwa, baka ako yung ituro nya sa sunod na magpakilala. Pero buti na lang, yung katabi nya sa kanan yung tinapik nya, "Bro, ikaw naman magpakilala," sabi nya sa katabi nya.

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon