"Hello? Audrey, kakapasok ko lang sa gate ng village, andyan na ba si Seb?"
"Yep. Nasa kusina sila ngayon ni Allison."
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang tinatahak ang kalsada papunta sa street nila Allison. Pakiramdam ko anytime lalabas sa bibig ko yung puso ko na parang nastuck na ata sa lalamunan ko.
"Is he acting weird? Tahimik ba sya or what?"
"Hindi naman. He looks happy, yung normal na sya."
Parang na-drain lahat ng energy sa katawan ko, realizing na masaya sya pag wala ako. San ba ko nagkulang? Ba't hindi na sya masaya sa kin? Sawa na ba sya? Kaya ba sya cold kasi naghihintay na lang sya na makipagbreak ako sa kanya para makawala na sya sa kin? Bakit hindi na lang nya sabihin agad? Takot ba syang masisi?
Sobrang daning tanong na sumusulpot sa isip ko. Pero yung pinakamalaki talagang question marks, ay kung bakit nag-iba si Seb?
"Nasa sala na sila ngayon. Manunuod kami ng movie."
"Malapit na ko. Just make sure na nasa sala sya pag dumating ako."
"Sure, kami bahala," sabi ni Audrey, "Bye na, baka makahalata na sya eh."
"Sige. Malapit naman na ko."
Nagpapawis na yung mga kamay ko. Yung sikmura ko parang binubuhol ng paulit-ulit, tas parang tulad ng puso ko, nastuck rin sya sa lalamunan ko.
Handa ba ko sa kung ano man ang mangyayari mamaya?
Pano kung sabihin nya na ayaw na nya sa kin? Na isang malaking pagkakamali na sinubukan pa naming maging kami? Na hindi pala talaga sya attracted sa lalaki? Na all this time hinihintay nyang ako na yung makaramdam para ako yung makipagbreak?
Pano kung meron na pala syang iba? Pano kung may nakilala sya somewhere? Tas narealize nyang mas mahal na nya pala yung taong yung kesa sa kin?
Pano kung napalitan na pala si Seb ng hindi namin namamalayan? Pano kung impostor lang sya mula sa kung saan tas yung Seb na minahal ko ay nakakulong somewhere at malayo sa kin?
Sobrang daming tanong talaga, and before I knew it. nasa tapat na ko ng bahay nila Allison.
Nakapark sa tapat ng gate nila yung motor ni Seb, nakakadena sa grill ng gate yung gulong nito. Tahimik akong nag-park sa bakanteng lotse na nasa tabi ng bahay nila Allison.
I shook my head, took a deep breath and mentally prepared myself sa mga mangyayari. Kung meron man.
Bumaba ako ng sasakyan at naglakad patungo sa gate nila Allison. Kakatok na sana ako ng narinig ko yung boses ni Seb.
"Wag pre! Corny nyan pambata eh! Dito tayo! Resident Evil!" hanggang sa labas rinig na rinig ko yung kulitan nila. Somehow, bigla akong nagselos, gusto ko ulit makakulitan si Seb ng ganun. Ayoko sa cold na Seb, hindi sya nakakatuwa.
Nagdoorbell ako. Sumilip mula sa bintana ng sala si Audrey. Kumaway ako.
"Sandali lang!" sigaw ni Allison mula sa loob. Ilang sandali lang, pinagbuksan nya na ko ng pinto.
"Kamusta si Seb?" tanong ko, kahit alam ko naman yung sagot, kakarinig ko lang ng boses nyang nakikipagkulitan kanila Troy. Alam kong ayos na sya, bumalik na sya sa dati.
"Mukhang iniiwasan ka talaga nya baks."
"Huh? Bakit naman?" tanong ko. Pumasok kami sa loob, pero nanatili kami sa garahe, malayo sa mga bintana sa sala, in case na baka biglang sumilip si Seb mula sa loob.
"Ikaw agad yung una nyang binaggit sa kin," sabi ni Allison, "Tinanong nya ko kung hindi daw ba talaga ako makakapunta ngayon."
"Anong sabi mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/209091154-288-k269613.jpg)
BINABASA MO ANG
Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]
Teen Fiction[Trigger Warning: Gore, Torture, Violence, Sex, and Homosexuality] Something's wrong with Seb. Bilang best-friend-turned-boyfriend, kilalang-kilala na talaga ni Clyde si Sebastian, kaya naman nang mapansin ang unti-unting pagbabago nito, tulad ng pa...