Chapter 17

673 34 4
                                    

"Hello? Ate?"

"Clyde? Asan ka? Bakit ang aga mo umalis?"

"Uhm..." Ano nga ba sasabihin ko? Shit. Hindi ko pa pala naiisip yung magiging palusot ko.

"Teka, nagda-drive ka ba? Mag-park ka muna!" Naririnig nya siguro yung hangin.

I rolled my eyes. Itinabi ko sa kalsada yung kotse ko.

"What!?" That came out harsher than I wanted it to be, kaso I still dont get why we're having this conversation in the first place. Hindi ba ko pwedeng umalis ng hindi nagpapaalam sa kanila?

"Bakit aga-aga mong umalis?" tanong ni Ate Cha.

"Bakit? Bawal ba?"

"Kinakausap kita ng maayos Clyde wag mo kong pilosopohin."

"Sumasagot naman ako ng maayos ah!" I scoffed, "Bakit ba kasi? Bakit ba you're making a big deal out of this!"

"Aba, nagtatanong lang naman kung nasaan ka! Pwede ka naman sumagot ng pangalan ng lugar diba bat andami pang dada!"

"I'm almost fucking 21. Di ba pwedeng umalis ako ng bahay ng hindi nagpapaalam? Ano balik teenager ulit ba ako!?"

"Calm the fuck down! No one's attacking you!"

Shit. Di ko napigilan yung sarili kong magsnap. Ilang araw na kong walang tulog, plus sobrang kinakabahan pa ko dito sa ginagawa ko, baka mamaya, imbes na mailigtas si Seb pareho pa kaming malagay nito sa kapahamakan.

"Im just asking kung nasan ka," kalmado nyang tanong this time, "This might sound stupid pero nagising ako na sobrang nag-aalala sayo."

"Well, that was sweet Ate. Pero naghahanap lang naman ako ng makakainan, kakatapos ko lang magjogging sa park."

"Basta mag-ingat ka."

"Yes Ate. Salamat."

Ilang araw lang naman akong mawawala Ate Charity. I know I've done so many crzay things before, but I successfully pulled myself out from all the bullshit na madalas kong kasangkutan. I promise, babalik rin ako ng buong-buo.

At kasama si Seb.

I end the call. Put my phone on airplane mode. At hunarurot sa maluwag na highway na papunta sa kabilang probinsya.

Ayon sa mapa na kasama sa email na sinend sa kin nung parang camp secretary na nakausap ko kagabi, ang camp nasa gitna ng isang Forest Park na nasa gitna naman ng Sierra Madre Mountain Range sa may Tanay. Chineck ko sya sa Google Maps, wala yung mismong establishment doon, pero base sa directions, ang camp ay nasa pagitan ng tatlong matataas na bundok na puno ng mayayabong na puno.

Malamang sa malamang bago lang ang camp na to, wala pa sya sa Google Maps eh.

Or baka sadyang tinatago lang nila talaga to?

Kasama ng mapa sa email, ang Non-Disclosure Agreement na pipirmahan ko once na nakapunta na ko dun. Sabi dun, bawal akong kumuha ng kahit anong recording, picture, o kahit ano na about sa existence ng Camp, which supported my theory na sikreto lang nila sa simbahan nila ang about sa camp, at kaya wala akong nakikitang impormasyon tungkol dito sa Intenet. Sabi rin dun, once na naenroll ako sa program, hindi ko pwedeng ikwento kahit kanino ang mga procedure, projects, and activities na ginawa ko during my 4 week stay.

So far, sa mga nabasa ko, wala naman silang sinabi about sa mga campers na tumatakas. Actually its pretty weird na campers ang tawag nila sa mga batang nasa ilalim ng program nila, it makes them sound like a fun camp, puro kantahan, sayawan, hiking, at nature loving, lahat ng opposite ng alam kong tiyak na makikita ko don.

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon