Chapter 12: Then

657 31 0
                                    

"Family Reunions are really not my thing."

"Bakit naman? Ang bait bait ng family mo kaya! Sana nga ganun din yung family namin eh, sa min isang dekada na ata simula nung huli kong nakita yung mga pinsan at mga tito tita ko. Never nilang nakasundo yung mga magulang ko."

Tumingin ako kay Seb, nakasilip sya sa labas ng kotse ko, nakatingin sa bahay ng Lola ko na sobrang ingay at puno ng mga pailaw na kung ano-ano, may strobe lights, may lazers, may mga lightbulbs sa mga puno, ang extra talaga ng mga tita ko mag-organize ng mga reunion kainis.

Binalik kl yung tingin kay Seb, nakita ko yung inggit. Napaka insensitive ko talaga, hindi ko na pala dapat sinabi yun. Dapat grateful nga naman ako na magkakasundo at sonrang solid ng family ko kung icocompare sa iba, I'm blessed for that.

"San ko kaya ipapark to?" I looked around Lola's house, kaso yung mga bakanteng lote sa paligid puno na ng mga sasakyan, pati yung kalsada, ang haba na ng pila ng mga nakapark sa gilid, "Mukhang sa malayo pa ata tayo makakapagpark."

At dun na nga ako nag park sa dulo ng pila ng mga sasakyan na nakapark, mga limang lote ang layo kanila Lola.

"Uy Gummybear, wag mo kong iiwanan ah," sabi ni Seb nang makababa na kami sa kotse.

"Baliw, oo naman, di kita hahayaang pupugin ng mga tita ko," sabi ko habang sinisiguradong nakalock ang lahat ng pinto, "Tsaka sabi ko naman sayo diba, iiwas tayo sa kanila as much as possible." Malamang kasi nyan yung mga babies ng mga pinsan ko ang magiging spotlight ng gabi. Babies eh.

Hinawakan ko yung kamay nya habang naglalakad papunta sa bahay ni Lola.

"Thanks ulit ha," sabi ko. Tumingin ako sa kanya, at bigla akong namesmarize, mukha syang kumikinang under the moonlight. "Salamat sa pagpayag na sumama rito." Alam ko naman yung risk, na baka may nakakakilala sa parents nya sa mga kamag-anak ko at bigla syang i-out, pero he took the risk para lang pasayahin ako. If thats not the best thing a boyfriend can do for you.

"Walang anuman Gummybear. Basta ikaw."

Gusto ko syang halikan kaso malapit na kami kanila Lola, kaya kiniss ko na lang sya ng mabilis sa pisngi at saka lumapit sa gate para mag doorbell.

"Hi Lola!" nagulat ako nung si Lola yung nagbukas ng gate for me, pero I'm happier na nakita sya ulit.

"Clyde! Buti nakarating ka!" niyakap ako ni Lola at saka nakipagbeso-beso sa kin.

Nang binitawan na nya ko, tinuro ko si Seb.

"Lola, uhm, boyfriend ko po," medyo di pa ko sure kung anong sasabihin since hindi pa talaga officially kami, pero ang weird naman kung iintroduce ko sya ang "fling ko po." Tumingin ako kay Seb para tignan yung reaction nya kaso ngumiti lang sya na parang sinasabing dun rin naman kami mapupunta.

"Kay gwapo namang bata ah, boyfriend mo!?" di makapaniwalang sabi ni Lola. Biglang namula si Seb na napakamot na lang sa batok.

Tumango ako, knowing Lola, I have no doubts na hindi nya ako tatanggapin after this, "Opo La."

"Teka, ibig sabihin, ano ka?"

"Bisexual po la. Nagkakagusto po ako sa both lalaki at babae."

"Ganun ba, anong pangalan mo iho?"

"Sebastian po. Seb po for short."

"Nice to meet you Seb," makikipagkamay sana si Seb kaso niyakap sya ni Lola, which made me heart swell with happiness.

"Napakilala mo na ba sya sa parents mo?"

"Opo, kasama ko po sya nung huling tumawag sila Mama," and they liked him. Nung una they can't believe it, they always know na I like girls, pero being the super cool and the best parents in the world that they are, they welcomed Seb na to the family kahit na hindi pa officially na kami. Sila nga yung nag-encourage sa kanya na sumama dito sa family reunion namin.

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon