Tulog na kaya sila?
Pinakiramdaman ko ang buong kwarto. Tumigil na sa kaka-ikot ikot sa kama nya si Matthew sa taas ko, at nag-umpisa na ring humilik Si JR.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, bukod sa mga hilik ni JR at sa mga tunog ng mga sanangang pinapasayaw ng hangin, napakatahimik ng paligid. Feeling ko abot kay Oliver sa kabilang kama yung tibok ng puso ko.
Kanina habang nag-mimisa sa chapel si Director Sandoval, tumakas kami ni Seb at palihim na nagkita sa banyo. Saglit lang naming pinag-usapan ang magiging pagkikita namin ngayong gabi. Gusto ko na ngang umalis na kami, kung magkikita rin kami sa kakahuyan, might as well, diretsuhin na namin ang pagtakas namin.
"Hindi pwede Gummybear," sabi sa kin kanina ni Seb nung sinuggest ko yun habang kunyari kaming naghuhugas ng kamay, "Mas komplikado pa kesa sa iniisip mo yung security system nila rito. Kailangan natin ng plano."
"Andun sa parking lot sa taas yung kotse ko. May susi ako rito. Lubusin na natin yung pagtakas natin dito mamaya."
"Plano ang kailangan natin mahal, paano kung mahuli tayo?"
Hindi na namin natapos ang pinag-uusapan dahil may nagbanyong counselor, nang makitang dalawa lang kami sa banyo, pinabalik kami agad sa chapel.
I spent the whole church service thinking of ways kung paano makoconvince si Seb na umalis na rito ngayong gabi, kasi diba, tatakas na nga lang kami, bat pa kami babalik sa mga kwarto namin?
Dahan-dahan akong tumayo, careful na di tumunog ang matress na hinihigaan ko, at sinilip si Walter sa taas ni Oliver. Si Walter ang kailangan kong bantayan, sa aming lima sya yung pinili ni Kuya George na maging mata nya sa tuwing hindi namin sya sa kasama. Mukhang enjoy na enjoy sya sa trabaho nya kaya naman di malabong isumbong nya ko sa counselor namin kapag nahuli nya kong tumatakas.
Pero kung tatakas talaga kami tonight ni Seb, di ko na kailangan isipin kung isusumbong ba kami ni Walter o hindi.
Sinuot ko ulit yung mga sapatos ko, kinapa kung ulit yung susi, sa mga oras na to etong susi na to ang literal na susi sa pagtakas namin, eto ang makakapagligtas sa min ni Seb.
Ubod ng dilim ng kwarto kaya dahan-dahan akong naglakad tungo sa banyo. Binuksan ako ang ilaw at tinignan yung mga kasama ko, kung may gising pa ba sa kanila o ano. Sinarado kong muli yung ilaw sa banyo ng makitang wala nang gumagalaw sa kanila.
Maingat akong naglakad patungo sa pinto. Kinapa ko to hanggang sa nakita ko yung doorknob. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob hanggang sa bumukas ito sa isang malakas na click.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Mukha namang tulog na talaga silang lahat.
Binuksan konang pinto. Yung madilim naming kwarto ay nailawan ng sinag ng buwang mula sa labas. Sumilip ako sa pasilyo sa labas, sinisipat kung may paggala-gala pa bang councelors sa mga oras na to. Kaso katahimikan lang yung bumungad sa paglawit ko ng ulo ko.
Yung una kong gabi rito kagabi, nahirapan akong matulog dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Alam nyo yun, iba talaga yung katahimikan na masarap tulugan sa katahimikan na parang may mangyayaring masama sa mga susunod na sandali. Yung creepy kind of katahimikan.
Lumabas na ko at dahan-dahang sinara ulit ang pinto. Sinigurado ko muna di nakalock yung pinto kasi the last thing na gusto kong mangyari ay malock-an ako rito sa labas hanggang bukas ng maaga.
Nauna na kaya si Seb? O baka andun pa rin sya sa kwarto nila, naghihintay ng tiempo?
Bahala na. Sumampa ako sa maliit na gate papuntang fire exit at dahan-dahang bumaba. Malaking tulong yung sinag ng buwan sa pagtanaw ko sa mga hakbang pababa, kaso hindi ito sapat para ilawan yung kagubatan sa baba ng fire exit na nababalot pa rin sa kadiliman.
![](https://img.wattpad.com/cover/209091154-288-k269613.jpg)
BINABASA MO ANG
Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]
Teen Fiction[Trigger Warning: Gore, Torture, Violence, Sex, and Homosexuality] Something's wrong with Seb. Bilang best-friend-turned-boyfriend, kilalang-kilala na talaga ni Clyde si Sebastian, kaya naman nang mapansin ang unti-unting pagbabago nito, tulad ng pa...