"Clyde? Clyde! What the fuck! Anong ginagawa mo dyan?"
Sa lahat ba naman ng pwedeng gumising sa kin ba't yung nakakabwiset na boses ni Ate Carla pa?
"Hoy! Tumayo ka nga dyan! Ano ba!" hinila nya yung braso ko para patayuin ako, dun ko naramdaman yung sakit ng ulo na mula sa hangover, shit, feeling ko binibiyak sa gitna yung ulo ko.
"Umayos ka! Ate Cha! Ate Cha!" literal na nararamdaman ko yung mga eardrums ko na umaalog sa loob ng tenga ko, bukod sa sobrang lakas at tinis na talaga ng boses ni Ate Carla, mas lumakas pa to dahil nasa garahe kami.
Pilit nya pa rin akong pinapatayo kaso sa bawat hila nya sa kin patayo naaalog yung ulo ko na sobrang sakit talaga, as in shit, this might be my worst hangover ever.
"Gago, tigilan mo nga ko! Umagang-umaga ang ingay-ingay!" I'm quite surprised nagawa ko pang bawiin ang braso ko at makapagsalita, sa sobrang sakit ng ulo ko ni hindi ko maibulat ang mga mata ko.
"Don't tell me dito sa garahe natulog? San ka galing kagabi!?"
I finally found the strength para maibulat ang mga mata ko, but as soon as I opened it, napapikit agad ako, the fuck, feeling ko mabubulag ako sa sobrang liwanag, mukhang mataas na ang araw.
"Hoy! Sumagot ka! Dito ka ba natulog!? San ka galing kagabi!?"
Di ko sya pinansin, unti-unti kong sinanay yung mga mata ko sa liwanag at hinanap ang kotse ko. Gago, sa sobrang fucked up ko, muntik ko nang mabunggo yung kotse ni Ate Cha, gago as in inches na lang yung layo ng front bumper sa pinto ng driver's seat ng kotse ni Ate.
"Ate, please, shut the fuck up," sinubukan kong tumayo kaso sadyang umiikot pa talaga yung paligid kaya nahiga ulit ako sa sahig.
"Ayaw mong magsalita ha, Ate Cha! Ate Cha!" pamasok sya sa loob, tawag pa rin ng tawag kay Ate Cha. Lagot nanaman ako nito. Kaso bago ko muna problemahin yung kotse nyang muntik ko nang mabangga, kailangan ko munang gawan ng paraan tong hangover na to.
Tanginang Tequila yan. Di na ko uulit puta.
Sinubukan ko ulit tumayo, pero parang hinihigop ako ng semento para humiga ulit, parang may mabigat na humihila sa ulo ko pababa. Nagka-hangover na ko dati, kaso hindi ganito ka fucked up na sa garahe na ko nagising, ni hindi ako nakarating sa loob ng bahay.
Maya-maya lang, naririnig ko yung pamilyar na tunog ng heels na mabilis na bumaba sa hagdan namin.
"Seryoso ba to Clyde!?" Nakabihis na para sa trabaho nya si Ate, ready na umalis anytime. Siguro dapat grateful na kong si Ate Carla yung nakakita sa kin rito at hindi si Ate Cha, or else baka binuhusan na ko ng tubig nito.
Too late, pagmulat ng mga mata ko, nakatutok na sa mukha ko yung garden hose.
"What the fuck!!" Tangina, ang sakit sa ilong nung tubig! Sobrang daming pumasok sa ilong ko, tas feeling ko sa lakas ng pressure nung tubig feeling ko magkakapasa ako nito sa mukha ko. Pero at least nakatayo ako, basang-basang nga lang, "Oh fuck! Shit! Ang sakit," clearly hindi nakakatulong sa sakit ng ulo ko yung tubig na pumasok sa ilong ko, at least nagising naman na diwa ko.
"Ba't dito ka sa garahe natulog!? Naglasing ka nanaman ba!? San ka galing kagabi!?" sunod sunod nyang tanong na para bang yung mga housewife sa mga soap opera na parang armalite kung tumalak.
"Obvious ba?" sagot ko.
"Ako talaga ginagalit mo!" tinapat nya ulit sa mukha ko yung hose at saka binasa ako, this time, buong katawan ko na, nabasa na pati yung jeans at sapatos ko.
"Gago! Tama na masakit!"
"Masakit!! Wala pa yan! Ano to Clyde!? Paki-explain naman sa min! Kung kelan ka tumanda tsaka ka naging ganyan!? Tumatanda ka ba ng paurong!? Hinahayaan ka naman namin uminom kaso abusado ka na! Wag naman ganito Clyde!" I swear may tama pa talaga ako, nakikita ko yung make-up ni Ate Cha na nalulusaw.
BINABASA MO ANG
Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]
Teen Fiction[Trigger Warning: Gore, Torture, Violence, Sex, and Homosexuality] Something's wrong with Seb. Bilang best-friend-turned-boyfriend, kilalang-kilala na talaga ni Clyde si Sebastian, kaya naman nang mapansin ang unti-unting pagbabago nito, tulad ng pa...