Chapter 1: Now

2.9K 71 11
                                    

"Thanks, buti naman sinagot mo rin yung tawag ko."

Narinig kong bumuntong hininga sa kabilang linya si Seb, "Sorry, marami lang ginagawa."

"Maraming ginagawa? Eh katatapos lang ng academic year?

"Uhm, ano kasi, yung sa ano, sa bahay kasi."

"Ganun ba," bigla akong naguilty, baka naman gumagawa talaga sya ng gawaing bahay tas eto akong tawag ng tawag sa kanya. Kaso may usapan kami, late nga kami eh, ang usapan ng tropa alas-siete, eh anong oras na? 15 minutes late na kami.

"Ready ka na ba? Should I pick you up? O magmomotor ka?"

"Teka bakit? Anong meron?"

Huh? Ano na bang nangyayari sa boyfriend ko? "Gummybear, may walwal ang tropa diba? To celebrate yung end ng school year," napatingin ako sa wallclock sa kwarto ko, "Inaantay na tayo nila Allison."

"Wait, teka, ngayon ba yun?"

"Yan, kasi naman, mag-seen din kasi sa GC pag may time."

"Sorry, di ako nakakapag-online eh."

Tss. Di daw nakakapag-online pero laging Active Now.

But hey! Give him the benefit of the doubt Clyde. Baka naman busy kang talaga sya this past few days.

"Don't tell me hindi ka pupunta."

"I'm sorry Gummybear."

"Gummybear naman, sige na! Celebrate naman natin yung pag-survive natin sa first year ng college! For sure nyan pag nagbakasyon kanya-kanya na ng buhay ang tropa, di na tayo makakawalwal nyan madalas."

Silence. Of course, he's contemplating kung sasama ba sya o hindi. Ako naman, contemplating kung anong meron at ganito umasta ang boyfriend ko ngayon.

"Sige, magbibihis na ko."

"Susunduin ba kita? Punta na ko dyan."

"Hindi, hindi, wag na, magmomotor na lang ako."

"Ganun ba, ok sige," that was weird. Never pa nyang tinanggihan ang mga alok ko na sunduin sya, "Ingat ka Gummybear, see you later."

"Thanks Gummybear. Ingat ka rin."

"Love you."

"Bye."

Now I'm convinced. There's really something wrong with Seb.

But again, the benefit of the doubt. Malay mo naman he just got a lot of things to do at he's physically and mentally exhausted. Malay mo naman he's a little pissed off kaya hindi sya nag "Love you too" ikaw ba naman pilitin na pumunta sa gathering na di mo naman gusto.

Pero bakit naman aayaw syang pumunta? Eh isa nga sya nagplano sa walwal namin ngayon. Una nga naming plano mag Sasamgyupsal kami, kaso isa sya sa gumatong kay Troy na gusto daw nilang subukan yung bagong Japanese restaurant sa may highway.

Hay nako. Clyde, gawin mo na lang yung lagi mong ginagawa kapag nagtatalo kayo ni Seb. Lagay mo na lang ulit yung sarili mo sa shoes ni Clyde. Alam mo naman yang boyfriend mo, masyadong goal-oriented, likes to accomplish things all at once.

At alam mo namang ang weird ng pamilya nya, parang members ng kulto or something. Okay, that was a bad in-law joke, pero si Seb na rin nagsabi nun, noting his parent's manipulative tendencies.

Kaso, ang akin lang, at least, bilang boyfriend nya, alam ko kung ano yung ginagawa nya? Like, update me from time to time ganun. Hindi yung bigla na lang nya ako sasabihan ng "I'm busy. Sorry."

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon