Chapter 7: Now

805 43 0
                                    

"Guys, maraming-maraming salamat talaga sa pagtulong nyo sa kin ngayon."

"Walang anuman Clyde, basta palaro kami ng XBox mamaya ah," sabi ni Troy na hawak na agad yung xbox controllers. Siniko sya ni Allison.

"Oo naman. Maglalaro tayo after."

"Yown!" Nag-apir si Alexis at Troy.

Inawat sila ni Allison sa pagcecelebrate, "So ano na yung plano natin Clyde?"

"Ganito," kinuha ko yung malaking beanbag mula sa sulok at nilagay ito sa gitna ng sala para nakaharap ako sa kanila habang kinakausap sila.

Napakamot sa ulo si Troy, "Teka, teka, para san nga pala ulit ito?"

"Manahimik na!" angil ni Allison, "Ayan na oh, magpapaliwanag na si Clyde!" sabi nya sabay hampas ng throwpillow kay Troy.

"Aray! Kailangan manakit!"

"Shh!!"

Tinitigan ko sila isa-isa, si Allison, Troy, Alexis, at Audrey, nakalimutan kong kay Allison ko pa lang pala nasasabi kung bakit ko sila kailangan at kung bakit ko sila pinapunta sa bahay.

"Ganito kasi guys, uhm, di ba nung sabado, kumaim tayo dun sa Japanese Restaurant. May napansin ba kayong kakaiba kay Seb?"

"Tahimik sya," sabi ni Alexis, "Tas hindi nakikipaglokohan sa tin. Akala nga namin nag-away kayo bago kayo pumunta kaya di na lang namin pinansin."

"Yun nga din sabi sa kin ni Allison. Kaso guys, hindi kami nag-away nun, and maski ako, I have no idea kung bakit ang tahimik ni Seb nun."

"Kelan pa sya naging ganun? Nung araw lang ba na yun?" tanong ni Audrey.

"Hindi eh," inulit ko yung kinuwento ko kay Allison, na nagsimula ito nung finals, na one night masaya pa kaming magkatawagan, sabay na naghahapit ng requirements, then kinabukasan, bigla na lang syang naging matamlay at tahimik, na akala ko dala lang ng stress at pressure.

"Pero isang linggo na after matapos yung classes, bakit ganun pa rin sya?" tanong ulit ni Audrey.

"Yun nga, and the weirder thing is," nagsalita na si Allison, "Nung isang-isang gabi, magkavideocall kami ni Seb. Kaming dalawa lang, and mukha namang walang mali sa kanya, maingay, tawa ng tawa, yung normal na si Seb."

"Tinanong mo ba sa kanya kung bakit ang cold nya nung sabado?" tanong ni Troy kay Allison.

"Not exactly. Of course sasabihin ni Seb okay lang sya, alam nyo naman yun. Di ba akala natin nung sabado may problema sila? Tinanong ko si Seb kung okay na ba sila ni Clyde. Ang sabi nya, oo daw, and actually, magkausap sila ni Clyde at the moment, pero-"

Ako na yung tumapos sa sasabihin ni Allison, "Pero that night, ang tanging message nya lang sakin ay goodnight, at kailangan na nyang matulog after dinner."

"Pero hanggang alas-tres kami nung magkatawagan ni Seb."

"Ang weird nga," sabi ni Alexis, "Bakit nya sinabi yun kay Allie kung hindi pa pala kayo bati?"

"Exactly! Ba't kailangan nyang magsinungaling kay Clyde!" sabi ni Allison.

"Kaya ko kayo pinapunta rito ngayon, magpapatulong akong mag-investigate. Gusto kong malaman kung anong meron sa kanya, kung ano ang nangyari sa dating Seb na kilala natin."

"Wait, siguro naman pre wala kang Capgras Delusion no?" tanong ni Troy, "Just kidding bro."

Naalala ko yung nag-overnight sila dito ni Allison, nung nanood kami ng Goodnight Mommy at nung pinag-usapan namin ang Capgras Delusion.

Pero impossible naman yun, di lang naman ako yung nakakaexperience ng pagbabago kay Seb ah, pati sila rin nakita nila yung difference.

Baka may Capgras Delusion kaming lahat?

"Anyways," I dont want to dwell on the thought, kaya nga kami nandito is because we want to investigate, "Eto yung plano."

"Pupunta kayo sa bahay ni Allison, and kunyari may biglaang pagtambay. Tawagan nyo si Seb, yayain nyo, then sabihin nyo, hindi ako makakasama kasi may inaasikaso ako. In that way, malalaman natin kung iniiwasan ba ako ni Seb."

"So paano pagpumunta si Seb?"

"Chill lang kayo dun for a couple of minutes, kain kayo, nood kayo ng movie, kahit ano, pero make sure na itetext nyo ko na andun na si Seb. Then pupunta ako. Kapag nagbago nanaman si Seb, it truly means may problema sya sa kin."

"Ok, ok, noted."

"Pero paano pag hindi pumunta si Seb?"

"Edi balik kayo rito, maglalaro tayo ng XBox."

"Yoown!!"

"Pero guys, linawin ko lang ha, ginagawa ko to hindi dahil sa nagpapaka-selfish ako, alam ko namang hindi lang sa kin umiikot yung mundo ni Seb, pero malakas kasi ang pakiramdam ko na may problema syang hindi sinasabi sa tin. Gusto ko sya ng tulungan kung ano man yun."

"We understand," sabi ni Allison, "Gusto rin naming bumalik na kayo ni Seb sa dati, diba?"

"Yep," sabi nung iba.

"So sino yung pwede kong kausapin para bigyan ako ng updates?"

"Ako na," sabi ni Audrey.

"Hindi babe, ako na," alok ni Alexis.

"Hind, ako na babe, kayo ni Troy ang bahala dumaldal kay Seb, si Allison sa accommodation, ako na bahala sa communication with Clyde."

"Perfect," sabi ko, "Maraming maraming salamat talaga guys."

"Walang anuman, Clyde."

After naming mag-usap, nag book na sila ng Grab papunta sa bahay nila Allison. Pag-alis nila, I tried checking Seb's messenger kung online na ba sya. As always, inboxed zoned lang yung messages ko sa kanya.

Sinubukan ko syang tawagan. He picked up makailan ang ilang ring.

"Gummybear?"

"Yes?"

"Tinawagan ako nila Allison, nagyayaya sa bahay nila tumambay."

"Ganun ba? Sorry, busy kasi ako ngayon eh."

"Hala, ineexpect ka pa naman nila Allison, sabi mo daw sa kanya babawi ka."

"Pakisabi na lang di ako makakasama."

"Di rin ako makakasama actually, magpupuntahan kami nila Ate Cha. Ok lang naman siguro na wala tayo."

"Hindi ka makakapunta?"

"Hindi eh, naka-oo na ko kay Ate Cha nasasamahan ko sya."

"Ganun ba, sige, ingat ka."

"Ingat ka rin Gummybear, miss you."

"Miss you too."

"I love you, bye!"

"Bye."

Mukhang dapat masanay na ko na walang "I love you too" back.

Pagkababa ng tawag, tinawagan ko naman si Allison, sinabi kong tinawagan ko na si Seb, niyaya ko sya and sinabi kong hindi ako makakapunta. Oras na para sya naman ang tumawag at magyaya kay Seb.

Habang hinihintay ang magiging response ni Seb, naupo lang ako sa may sala, overthinking all the possible outcomes ng gagawin namin ngayon. What if hindi pumunta si Seb? Kailangan ko pang mag-isip ng iba pang paraan para lang malaman kung anong problema nya. Hindi ko alam kung hanggang kelan pa sya magiging ganyan pero nasasaktan na ko eh sa biglang pagbabago nya.

Eh pano naman kung dumating sya? Di ko lang alam kung mapipigilan ko yung sarili kong i-confront sya sa kung ano ba talaga yung nangyayari. Mag-aaway kaya kami mamaya? Aamin kaya sya? May iba na kaya sya? Di na nya ba ko mahal? Naghahanap na lang ba sya ng paraan para maghiwalay kami?

Brace yourself for the worst na lang siguro Clyde.

Dumating na yung hinihintaybkong phone call mula kay Allison.

"Hello?"

"Clyde, pupunta daw si Seb."

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon