"Do I really have to attend this Ate Carla? Can't I just stay at home?"
"Wag nang mag-inarte bunso, halika ka," nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Ate palabas ng bahay papunta sa garahe.
"Teka, teka Ate!" binawa ko yung braso mula sa pagkakalingkis nya, "Ayoko. A-yo-ko!" tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay, at bago pa ko mahabol ni Ate Carla, nasara ko na yung pinto at nilock ito.
"Hoy John Clyde Buenaventura, gigilitan talaga kita kapag nakapasok ako dyan!"
"Sige nga, try mo!"
Natigil ang pagkalampag ni Ate sa pinto. Akala ko for a split second umalis na sya, kaso nakarinig ako ng mga kaluskos ng halaman sa may garden sa front porch, then narinig ko yung mga paso dun na gumagalaw.
Fudge. May spare key nga pala sa isa sa mga paso. Badtrip.
"Clyde, sa ayaw o sa gusto mo, pupunta ka sa Acquaitance Party for Freshmen! Para nga sa inyong freshmen to eh! Napakakill-joy mo talaga!"
Lumapit nanaman sya sa kin. Paghakbang nya, kumuha ako ng plastic na halaman na mahaba sa isang malaking vase na katabi ng sofa, kailangan ko ng pang-self defense. Nung lumapit sya sa kin, hinataw ko sya nung plastic na halaman,
"Wow, very mature Clyde. Very mature," she said sarcastically.
"Kasi naman! Ba't mo ba kong kinukulit na sumama dyan sa Acquaintance Party na yan! Saturday Nights na nga lang ang meron ako para sa sarili ko sa dami ng kailangan kong gawin!" sabi ko, nakaready pa rin yung halaman kung sakaling hihilahin nya nanaman ako palabas, "Sige, give me a good reason kung bakit kailangan kong sumama!"
"Well, una, party for Freshmen yun. Freshmen ka, makes sense diba?"
"No shit sherlock!"
"Pangalawa, wala akong sasakyan, walang magdadrive sa kin. I need you to drive me there, and might as well, mag-enjoy ka na rin dun!"
"Well, mag-Grab ka or Angkas, or whatever! Tsaka Freshman party yun diba? Ba't kailangan mong pumunta?"
Tumayo sya sa harap ko, umikot at tinuro yung suot nya.
Suot nya pala yung uniform nila sa Student Council. "Student Council ako diba? And it sucks for me na isa ako sa mga nag-organize nun pero yung kapatid ko, hindi man lang naappreciate ang mga efforts ko at eto, nag-iinarte!"
"Di naman sa hindi ka sinusuportahan," ang OA talaga amwola.
"Ganun na rin yun!"
"Ate, wala pa kong friends sa University! Ang awkward nun kung mag-isa lang akong magpaparty don!"
"Kita mo tong bobong to," sagot nya sa akin, na may pacross-arm pa sa chest, "That's exactly my point! Magdadalawang linggo ka na sa University pero wala ka pa ring kahit isang kaibigan, bunso may amoy ka ba?"
"Grabe! Body odor agad? Di ba pwedeng introvert lang talaga?"
"Introvert my ass," inirapan nya ako, grr, sarap tusukin ng alambre nung fake plant, "Sino kaya yung linggo-linggong lasing nung Senior High?!"
"Ay so ganyanan tayo? Labasan ng baho?"
"Clyde, my point, ayoko lang na mastuck ka sa University na walang ibang ginawa kundi mag-aral. I want you to have fun! Enjoy college! Get laid!"
"I do believe getting laid is my business, Ate."
"Oo, at kung totoong business ang sexlife mo, matagal ka nang bankrupt!"
BINABASA MO ANG
Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]
Novela Juvenil[Trigger Warning: Gore, Torture, Violence, Sex, and Homosexuality] Something's wrong with Seb. Bilang best-friend-turned-boyfriend, kilalang-kilala na talaga ni Clyde si Sebastian, kaya naman nang mapansin ang unti-unting pagbabago nito, tulad ng pa...