Chapter 14: Then

603 28 1
                                    

"Ngayon, alam ko na feeling mo tuwing pinapapunta kita sa family event namin."

Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko, sa sobrang kaba ko nanghihina yung mga tuhod ko at parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko dahilan para medyo mahirapan akong huminga. Yung tipikal na nararamdaman mo pag kinakabahan ka, pero mga times 4.

"Chill ka lang Gummybear, mahahalata tayo nyan eh. Tsaka malay mo wala pa si Mama at Papa sa bahay."

Binagalan ko yung takbo ng kotse ko, "Kasi naman gummybear, naaalala mo naman yung last time na tumambay kami sa inyo."

Napagalitan kami ni Tito Rolando, Daddy ni Seb, dahil naabutan nya kaming nanunuod ng horror movie sa sala. What happened next is almost an hour of preaching, kung bakit sobrang makasalanan ang manuod ng mga horror movie, kung paano ito ginagamit ng mga demonyo para sirain ang ispiritualidad ng tao, you got the picture. He gets mad over mundane things and napakadali sa kanyang hanapan ito ng connection sa religion and stuff.

"Nagchat na ba sila Troy?" tanong ko, I'm really praying na sana sila yung mauna, para naman hindi ako maabutan ni Tito Rolando dun na mag-isa lang.

"Uhm, about that..."

"Gummybear, dont tell me..."

"I'm sorry gummybear!"

Ugh! Hindi totoong kasama sa dinner na to sila Troy! Ako lang ang sasama sa pamilya nilang magdinner!

"Gummybear why!" hinampas ko yung manibela, kunyari galit ako. Pero I regreted it instantly ng biglang magbago yung reaction ni Seb, mula sa apologetic, ngayo puro takot at lungkot.

"Uy joke lang, di ako galit," I smiled at natawa ako ng onti nung nakita ko yung facial muscles ni Seb na magrelax, "Pero seryoso Gummybear, bakit? Alam mo namang I'm scared shitless sa daddy mo! No offense ha."

"None taken."

"Bakit sabi mo lahat kami invited sa dinner nyo? Ako lang pala?" Di naman ako galit na nagsinungaling sya sa kin, actually, I dont think kaya kong magalit sa kanya. Pero natatakot kasi talaga ako kay Tito Rolando eh.

"Sorry gummybear, feeling ko kasi hindi ka papayag na sumama kapag sinabi kong ikaw lang yung ininvite ko sa family dinner namin."

I smiled at hinawakan yung isa nyang kamay, "Wala namang problem sa kin yun gummybear, kaso anong sabi mo kanila Tito?"

"Actually, sabi ko sa kanila, iinvite ko kayong lahat, pero ikaw lang talaga yung sinabihan ko."

"Hoy bad! Baka mabalitaan to nila Allison lagot tayo dun! Sasabihan nanaman tayong mang-iiwan nyan!"

"Kasi gusto ko lang makita kung anong magiging feeling nila sayo, ganun. Preparation para sa pag coconfess natin sa kanila ganun."

"Eh pano kung mahuli nila tayo?"

"Bakit? Magpapahuli ka ba? Syempre chill lang dapat! Alam naman nila na we're pretty close. Lagi kitang nababanggit sa kanila eh."

I cant help but smile. Pero sa likod ng ngiti ko, may nagtatagong pag-aalala. Alam kong ginagawa itong lahat ni Seb dahil gusto nyang maging normal na relasyon ang relasyon naming dalawa, yung tipong walang tinataguan, walang dapat kino-consider kundi ang puso naming dalawa. Kaso di ko mapigilang mag-alala, once na nalaman ng mga magulang nya ang meron sa aming dalawa, at kung ano ang totoong katauhan ng bunso nilang anak, alam kong hindi yung magiging maganda para sa aming dalawa.

Lalo na kay Seb.

Pagliko sa street nila Seb, nakita namin yung sasakyab ng parents ni Seb na papasok pa lang ng gate.

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon