Chapter 21

478 36 12
                                    

[Author's note: I know, I know, ang late ko mag-update huhuhu pagpasensyahan nyo na! Actually nag-iisip na kong wag tong ituloy, but since Christmas naman, gift ko na sa inyo ang pagtapos nitong kwento ni Seb at Clyde hehehehe. Sa mga susunod na araw sisipagan ko na pramis!]

"So eto yung canteen natin, 7am ang breakfast, 12 ang lunch of course, at 7pm ang dinner. Minsan pag may events may mga special pameryenda."

Pagpasok namin sa loob ng canteen, bumungd na agad sa min ang amoy ng pinipritong longganisa. Nilibot ko ang tingin sa walang lamang canteen habang sinasabi ni Kuya George ang mga house rules sa loob, ng tamanag oras ng kain, kanino lalapit kung may allergy kami sa certain food types, at iba pa.

Di tulad ng hall sa kabila, hindi air-conditioned dito, kaya naman pinagpawisan na ko ng  onti bago pa man kami makarating sa napakahabang counter kung san nakaprepare na ang breafast. Hile-hilera sa counter ang mg traay na may mga sausage, mga hotdog, mga ham, tocino, mga pritong itlog, scrambled na itlog,  nilagang itlog, andaming pagkain.

"Wow Kuya George! Andaming food! Nasaan na ba yung ibang campers at mukhang wala pa atang kumakain?" tanong ni Matthew, mukhang wlng nagpaliwanag sa kanya na naghiking ang ibang campers.

Kasama si Seb. Na ilang oras na lang makikita ko na ulit.

"Nasa hike pa sila, pero mayamaya darating na rin sila. Pero, ayaw nyo nun!? Solo natin tong canteen! Sige na boys! Ayun yung mga plato, kain na tayo!"

Naunang lumapit sa lalagyan ng mga plato si Oliver at si Walter, yung mga bata. Sumunod sa kanila si Kuya George.

"Di ka pa ba kakain?" tanong ni Matthew, "Gusto mo kuha na lang kita ng plato?"

"Wow, sana all," sabi ni JR sabay lakad palayo sa min ni Matthew.

Sa totoo lang wala akong gana. Parang gusto ko nga masuka eh. Simula ng pumasok ako sa office ni Director Sandoval, parang gusto ko nang masuka na ewan. Feeling ko kapag kumain ako, anytime isusuka ko rin kung ano man ang kakainin ko.

Pero naisip ko, hindi dapat ako mag-inarte, kaya kumuha na rin ako ng plato at kutsara't tinidor, without acknowledging yung offer ni Matthew. Ang awkward kasi.

Its pretty clear na may gusto si Matthew sa kin. Pero di ko naman sya masisisi kasi binigyan ko sya ng reason na magustuhan ako. Kung tutuusin, cheating yung ginawa kong pakikipag-hook-up sa kanya nung isang gabi. Pano ko ipapaliwanag sa kanya na may boyfriend ako, at andito ako para iligtas sya?

"Bro, sigurado kang yan lang ang kakainin mo?" tanong ni Kuya George ng makita yung laman ng plato ko, dalawang pandesal at dalawang pritong itlog.

"Opo. San po tayo mauupo?"

"Ayun!" may tinuro syang mesa, "Dun sa table na may number 12. Ayun, ssa kung saan nakaupo si Oliver."

Kumakain na si Oliver dun sa table namin. Nagtaka ako kung paano nya nalaman, saka ko lang naalala na tatlong na araw na pala sya rito.

At naging ka cluster sya ni Seb!

Agad akong nagpunta sa table namin at tumabi kay Oliver. Medyo natatakot akong kausapin sya, dahil na rin sa discomfort na dala ng reason kung bakit sya andito, pero nanaig sa kin yung kagustuhang malaman kung ayos na ba yung kalagayan ng mahal ko. Kailangan ko syang makausap habang busy pa ang lahat sa pagkuha ng pagkain.

"Uhm, Oliver? Ikaw yung hinalo muna sa Cluster 11 hindi ba?" nakita kong nagulat sya sa sudden approach ko, at nahihiya rin syng tumingin sa kin.

"Opo," tipid nyang sagot.

"So, nakilala mo si Seb?"

"Seb? Si Sebastian?"

"Oo," binantayan ko ng tingin yung mga ka-cluster namin, baka anytime may lumapit sa kanila, "By any chance naka-usap mo ba sya?"

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon