Chapter 26

396 27 17
                                    

"Oliver, pwede bang pakilock muna yung pinto? Delikado kung biglang nay pumasok rito sa loob."

Wait? Anong nangyayari? Anong meron?

"Bakit? Anong meron Kuya JR?" tanong ni Walter.

"Like Ka- Clyde pala sorry," tinapik nya ko sa balikat, "Tulad nya, pumasok rin ako rito para hindi magpaconvert."

Di ako sure sa kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi nya, pero tulad nung iba, hinintay ko na lang syang magpatuloy.

"Isa kong journalist. At gumagawa ako ng report tungkol dito sa camp na 'to, kung mapapansin nyo, sobrang limited lang ang info tungkol sa camp na to sa internet. Its pretty obvious na they are hiding the existence ng camp na to."

"Oo nga, ngayon ko lang din nalaman na may conversion camp pala sa Pilipinas," sabi naman ni Matthew.

May reports na maraming nangyayaring torture dito, bilang ito ang unang method na ginagamit nila sa conversion. As a homosexual, di ko to kayang palampasin, this is a major violation sa human rights!"

Nakaramdam ako ng weird sense of relief. Tama ang desisyon kong magsabi ng totoo sa kanila, dahil ang isa rin pala sa min ay may hidden agenda tulad ko, pwede ko syang makatulong sa pagtakas, at given yung pagiging journalist nya, pwede ko syang matulungan sa tuluyang pagpapasara ng lugar na to, para naman wala nang mabiktima pa ang kultong to.

Pero at the same time, kinabahan din ako, paano kung mahuli kami? Pano kung malaman nila na may intensyon si JR na ipasara ng tuluyan ang camp na to? Panigurado mas magiging malala ang magiging parusa namin kung sakaling mahuli kami or something.

"Sapat na sa kin yung narinig ko mula kay Clyde. Maging ako rin naman hindi naniniwalang nahulog sa bangin ang boyfriend nya. Its very much obvious na torture ang nangyari kay Seb. Pwede nating gawing ebidensya ang torture na nangyari sa kanya kagabi laban sa mga may-ari ng camp na ito."

Biglang nagsalita si Walter, "Pero di ba, may pinirmahan tayo, yung ano, yung sa papel, yung nagsasabing wala tayong dapat pagsabihan na mga taga labas ang kahit ano na tungkol sa camp?

"Yung Non-Disclosure Agreement?"

"Oo yun, paano yun? Baka mamaya pagbayarin nila tayo ng sobrang laki."

"Kung mananalo tayo sa korte, at mapapatunayan natin sa tinorture talaga si Seb,
maaring hindi nila tayo pagbayarin sa di pagsunod sa NDA. Nasa batas yun."

Unti-unti ko nang naiintindihan yung gusto nyang mangyari.

"So, meron ka bang nabubuo nang plano?" tanong ko.

"Di ba gusto mong itakas si Seb dito? Itatakas natin si Seb, at paglabas natin rito, unang una nating gawin ay pumunta sa mga pulis, i-report ang nangyari kay Seb, tas dalhin natin sila agad sa korte. Dont worry, may law firm nang nakahandang tumulong sa tin anytime."

"So tatakas tayo?"

"Teka, teka, teka," sabat ni Matthew, "Sandali lang, hindi pa nagpoprocess sa kin ng buo lahat ng sinabi nyo."

"Sang part ka naguguluhan?" tanong ni JR.

"Bakit kailangan nating tumakas?"

"Si Clyde, gusto nyang iligtas yung boyfriend nya palayo sa baliw nyang parents, ako, gusto kong ipasara ng tuluyan ang lugar na to. Kung ayaw nyo naman tumakas pwede namang hindi kayo sumama sa min."

"No! Hindi kami pwedeng maiwan dito! Sasama ako! Sabi mo nga diba marami nang reports ng torture dito? Tas yung nangyari pa sa boyfriend ni Karl," napatingin sya sa kin. Tumingin ako sa kanya pero bigla nyang iniwas ang tingin sa kin, "Sorry, Clyde pala. Halatang binugbog sya. Sige, paano kung tumakas kayo, tapos malaman ng mga counselor at ni Director, baka naman parusahan nila kaming matira dito!"

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon