[Author's Note: Im very very very sorry kung sobrang late ako mag-update, naging sobrang busy lang ako sa College Applications at pag-iipon for online clasess. Dont worry, sa mga susunod na araw, I'll try to update more often.]
"Alam nyo Sir, saktong sakto po yung inquiry nyo, sakto po na ngayon kami mag-iistart ng bagong cluster," kwento ni Claire habang naglalakad kami sa isang sobrang mahabang pasilyo.
"Cluster?"
"Opo sir. Ang isang cluster ay binubuo ng limang campers. Dito po kasi, we want as much as possible na matutukan ang needs ng bawat isang camper, so ang campers and camp counselors ratio namin ay 5 is to 1."
May posibilidad kayang maging ka-cluster ko si Seb?
"Possible ba na maging ka-cluster ko yung mga dati nang campers?"
Parang wala atang katapusan ang nilalakad naming pasilyo. Puno ang mga dingding ng mga naka-frame na mga picture, karamihan mga picture ng mga camper, pero meron ding mga class picture. May nakita nga akong class picture na may nakalagay na "1999" sa ilalim. Mukhang mas matanda pa pala ang camp na ito kesa sa inaasahan ko.
"Hindi po sir, ang mga pwede mo lang maging ka-cluster is yung mga same nyo po ng date of arrival."
So hindi ko magiging ka-cluster si Seb. Bwiset.
"Kailan dumating yung mga ka-cluster ko?"
"Uhm, may isang dumating three days ago, pansamantala muna namin syang hinalo sa latest cluster, but now he'll be on his own cluster. Dalawa naman po ang dumating kagabi, tas yung isa, kakatapos ko lang makipag-usap sa kanya at sa parents nya bago ka dumating."
So nukhang sa kanila yung kotseng gumawa ng sariwang tire marks sa putik sa parking lot.
Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga pictures na nadadaanan namin, kaso ang weird lang kasi puro lalaki ang mga nakikita ko sa mga larawan. Di naman sinabing Gay Conversion Camp ito, for sure meron ding mga lesbian campers dito? Sinipat ko yung mga nadadaanan kong mga larawan, kaso wala akong nakitang kahit isang babae sa kahit anumang larawan.
"Uhm, matanong ko lang, exclusive for gays lang ba ang camp na ito?" napansin kong na-tense at biglang naging uncomfortable si Claire nung nasabi ko ang salitang "gay".
"Sir, uhm, ah, ano po kasi- hindi po. May ibang protocol po kami for female homosexuals."
"So wala akong makakasama sa camp na to na lesbians?"
She smiled, kaso di na tulad nung smile nya kanina na welcoming. Yung tipo ng smile na hindi naman talaga sya masaya sayo, pero kailangan nya lang mag-smile.
"Wala sir. Iba ang protocol namin sa female homosexuals."
This place keeps getting weirder and weirder.
Sa wakas, nakarating kami sa dulo ng hallway. Its a large oak door na may nakalagay na Camp Director Office sa itaas nito, at may deer antlers na nakasabit sa gitna nito.
"Actually, yung kausap ngayon ni Director Sandoval ay yung camper na dumating bago ka," naupo si Claire sa isang hilera ng mga bangko na nasa tabi ng pinto, "Mukhang hindi pa sila tapos kaya kailangan na muna nating mag-wait dito."
Na-upo din ako sa tabi nya. Kinuha ko mula sa bag yung phone ko.
"Kukunin nyo ba phone ko?"
"Yes po sir."
Nilagyan ko ng lock yung phone ko. Di ako naglolock eh, feeling ko ang hassle nung mag lagay ng password o mag-draw ng pattern sa tuwing bubuksan mo phone mo. But this time, hindi tayo sure, baka may gumalaw nito.

BINABASA MO ANG
Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]
Jugendliteratur[Trigger Warning: Gore, Torture, Violence, Sex, and Homosexuality] Something's wrong with Seb. Bilang best-friend-turned-boyfriend, kilalang-kilala na talaga ni Clyde si Sebastian, kaya naman nang mapansin ang unti-unting pagbabago nito, tulad ng pa...