Chapter 19

491 30 0
                                    

"Its nice meeting you Karl, pwede ka nang bumalik kay Claire, and she'll tell you the next thing you will do before you meet your counselor."

Tumayo sya kaya tumayo din ako. Nakipagkamay sya sa kin na tinaggap ko naman. Ngumiti ulit sya ng ngiting tulad nung kanina, napaka-caring, napaka-tamis, and for a second nakalimutan ko kung paano nya ko tinakot mga ilang segundo pa lang ang nakakaraan.

"Nice meeting you din po," I gave him a tight-lipped smile, at saka nagmamadaling lumabas ng.office nya.

"Uhm, hindi dyan ang daan."

Dun ako pumunta sa pintong pinasukan namin kanina, yung papunta sa mahabang pasilyo na papunta sa front desk ni Claire. Tinuro nya ang isang pintong nasa opposite side ng kwarto, "Andun si Claire sa kabila."

"Salamat po."

Kaya pala nagtataka ako, sinabi ni Claire na andun pa sa loob kanina yung Matthew na anak nung mag-asawang nakausap nya kanina. Kaso pagpasok namin, wala na sya, at wala naman kaming nakitang lumabas. Siguro nga dun gaganapin sa kwartong yun ang mga susunod na steps.

"See you around Karl," sabi ni Director Sandoval.

I nodded at him, kaso hindi ako sa kanya nakatingin, kung di sa picture ni Tito Rolando at Tita Larissa na parang nakangiti sa kin.

Pagpasok ko sa kabilang kwarto, nakaramdam agad ako ng change sa temperature, walang aircon sa kwartong ito, di tulad sa kabila. Naglibot ako ng tingin, mukhang nasa isang malaking supply closet ako.

May napakaraming nakasabit sa mga hanger na light blue na tshirt na plain at nasa iba't-ibang sizes, at sa loob nila, meron itong katernong mga light blue din na shorts. Meron ding mga lockers sa gilid ng kwarto, napakaraming lockers, halos wala na kong makitang bahagi ng pader dahil sa mga lockers. Sa isang sulok naman may parang changing room, isang maliit na space na may salamin sa loob at natatakpan ng kurtina.

Saka ko pa lang nakita si Claire sa gitna ng kwarto na may dalang gym bag.

"Hello sir, kamusta naman si Director Sandoval?"

"Ayos naman sya," sagot ko, kaso gusto kong idagdag na ayaw ko nga lang sa pilosopiya nya sa buhay.

"Masaya po ako na you got along," sabi nya, "Andito na po tayo sa next step bago ko po kayo ipakilala sa inyong magiging cluster mates at camp counselor. Kailangan nyo na pong isurrender ang mga gamit na meron kayo."

Sabi na nga ba, pagkakita ko pa lang sa mga lockers, alam ko na agad na eto na yung kailangan kong gawin.

Hinubad ko yung body bag na suot ko at ibinigay ito kay Claire, nilapag naman nya sa isang mesa yung gym bag na dala at binuksan ito para ipakita ang mga laman nito.

"So bale ang laman po nito Sir, ay 5 pairs ng daily clothes," naglabas sya ng mga set ng damit na nakabalot pa. Nagbukas sya ng isa at pinaka ang mga laman nito.

"Eto yung magiging araw-araw nyo pong susuotin, sa mga activities, sa mga conference, sa mga get together, sa campfire, basta sa lahat po."

Nilatag nya sa mesa yung laman ng plastic. May t-shirt, collared, kulay light blue at meron itong pangalan ng camp na nakaburda sa may kaliwang dibdib nito. May kasama itong jogging pants na meron namang initials ng camp sa gilid nito. Sa unang tingin para lang sya isang normal na PE uniform sa isang university.

Bukod don, may laman din yung plastic na isang pares ng medyas. Isang underwear, isang puting sleeveless na undershirt.

"Kung sakaling may masira man po o mawala dyan, pwede nyo po akong lapitan sa front desk, pwede ko po kayong bigyan ng isang set, kaso nga lang may bayad na po."

Saving Seb (SPG) [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon