"Eli? What are you doing here?" Tila nagulat si Brix nang makita akong nakasunod kay Monica.I saw him look at her first before staring back at me. What's with those looks, Brix?
Iwinaksi ko agad ang mga pag-aalala at pagdududa sa aking isipan. Monica just wanted to tear us apart. I'm sure about it. Ilang beses na niyang tinangka na paghiwalayin kami ngunit hindi ako nagpatinag. Ngayon pa ba?
"Surprise!" I tried my best to sound cheerful even though I really want answers for all the things bugging my mind. "I baked you a cake!"
Nahuli ko ang pagkunot ng noo at pagkibot ng mga labi ni Brix na agad namang napalitan ng isang malawak at pilit na ngiti.
"W-Wow..." Hindi ko alam ngunit parang pakiramdam ko'y hindi ako kailangan dito. Hindi kailangan ang presensya ko.
I swallowed the lump forming in my throat and took away my doubts as I went inside and put the box on Brix's desk. Nang makita ko naman si Monica na ngayo'y nakatingin samin ay hindi ko maiwasang pagsabihan siya.
"Don't you think you're being too nosy, Monica? Kindly give us some privacy."
Monica smirked while Brix held my hands.
"Monica?" Brix asked and when they looked at each other, I almost lost it. It's like they can read each other's minds even without saying anything.
At sa harap ko pa talaga, ha?
Napabuga ako ng malakas at tinapatan ng masasakit na tingin ang mga titig sakin ni Monica.
"What's happening?" Bungad ko kay Brix nang mapag-iwanan kaming dalawa.
"What are you talking about?" Maang-maangan niya matapos akong bitawan at bumalik sa kanyang upuan.
"Wala pang isang linggo tayong hindi nakakapag-usap ng matino tapos ganito na? Ganyan mo ba talaga ako kadaling balewalain ha, Brix?" Hinanakit ko.
He just sighed and leaned back on his chair before loosening his tie. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan habang nakaharap sa kanya. He can't even throw me a glance.
"I'm tired, Eli. Can you please stop--"
"Ganyan ka naman parati, eh. Kapag ayaw mong kausapin kita eh sasabihin mong pagod ka." Hindi ko napigilang isambit na siyang ikinabuga niya ng malakas.
"Eli, please. I don't have much energy to argue with you. You didn't even inform me you're coming here."
"Surprise nga di ba?" Pagak akong natawa sa kanyang inaasal. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ito ngayon. "Pero hindi ko naman akalaing ako pa pala ang masusurpresa ngayon."
"You better go home. I have something important to do."
Nakunot ko ang noo sa kanyang sinabi. Hindi niya ako hinahayaang umuwi mag-isa pero bakit itinataboy niya ako ngayon?
"At ano namang importanteng bagay iyan, ha?"
"Work."
I swallowed repeatedly and faintly smiled. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Nasasaktan na naman ulit ako.
"Baka naman iba na pala ang tinatrabaho mo?" Wala sa sarili kong pang-aakusa na siyang ikinagalit niya bigla.
"What the fuck, Eli?!" Napapiksi ako sa paglakas ng kanyang boses. Ngayon niya lang ulit ako nasigawan ng ganito. Natatakot ako. Bumabalik na naman ang dating siya. He breathed deeply and calmed himself. "Kung nagpunta ka lang naman dito para buwisitin ako ay mas mabuti pang umalis ka na."
Bigla akong naalarma sa narinig kaya mabilis ko siyang tinungo sa kanyang upuan. I hugged his neck from the back.
"B-Brix... Huwag naman ganito, oh." "D-Don-t get mad at me, p-please..."
BINABASA MO ANG
Entangled Deceptions
General FictionThe moment Elizabeth had set her eyes on Brix, she instantly fell in love... hard. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang minamahal ang nararamdaman. Ang totoo'y in love din ang binata, hindi nga lang sa kanya... Kundi sa matalik niyang kaibigan...