"Where have you been?" It was almost nine o'clock when I decided to go home.
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng mansyon ng hindi tinatapunan ng tingin si Brix. Namalayan ko ding siya lang ang tanging nandito na naghihintay para sermonan ako.
Mas pinili kong mapag-isa kanina kung kaya't pinabalik ko ng mas maaga si Andrea. I just felt too empty and tired after all the things I've heard.
I know it was all in the past but it's still hurting me. I can't move on that easily. Mas lalo lang akong nasasaktan sa tuwing naaalala ko kung gaano nila ako ginawang tanga.
Siguro'y pinag-usapan pa nga nila ako at pinagtawanan dahil sa taglay kong kabobohan. Ni hindi ko man lang namalayan na pinagkaisahan na pala ako ng patalikod, kahit ng sarili kong kadugo.
Brix held my arm and made me face him.
"I just wandered around and took some photos. I'm tired. Let me sleep." Matamlay kong sagot at itinuon ang tingin sa kanyang kamay na hindi pa din binibitawan ang braso ko.
"You should eat dinner. Andrea prepared your salad." Brix insisted.
I sighed. "I wanna--"
"I said, eat. You didn't have lunch earlier."
Tsaka ko lang namalayang maliban sa agahan kasama sila mama at papa ay wala na pala akong nakain na kahit ano. Minsan, kung hindi ako nagtatanghalian ay sa gabi ako kumakain. Tapos kung kakain naman ako ng tanghalian ay hindi na ako maghahapunan.
But now, all I want to do is just to sleep and lock myself in the bedroom. Wala akong gana.
"Let me go."
"No." He firmly answered and pulled me towards the dining area.
"Ano ba, Brix!"
"Fuck, Eli!" He frustratingly said and freed my arm. "I don't know what to do with you anymore! Nakakapagod ka na!"
Napapiksi ako sa gulat at sandaling natulala. Matapos ang dalawang taong pagtitimpi niya sakin ay ngayon niya lang ulit ako nasigawan ng ganito. He seemed startled too but remained stoic as he looked at me.
"I said I'm t-tired. I'm sorry." I bowed my head and bit my lip as my eyes started to water.
"Kanina ka pa hinahanap sakin nina mom at dad. You weren't answering your damn phone! The fuck I know kung nasaan ka." Naiirita pa din nitong sermon. Ni hindi ko siya magawang titigan dahil sa halo-halong emosyon na nadarama ko. "You're such a pain in the ass."
Pero isa lang ang tanging nanuot sakin. At iyon ay sakit. Wala talaga siyang pakialam sakin. Kung talagang concerned siya kahit konti ay pinahanap niya na ako sa mga tauhan niya.
I hoped and waited.
Kahit nagtatampo ako sa ginawa nila noon ay umasa pa din akong hahanapin ako ni Brix.
Umaasa ako na baka ngayo'y may kaunting halaga na ako para sakanya.
I waited for hours.
I still waited for him to look for me...
But he never did.
He just stayed here and put all the blame on me.
"K-Kakain na ako…" Pagsuko ko at nilagpasan siya patungong hapag-kainan. Patuloy akong nakayuko at hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.
"Eli…" Brix called but I refused to look back. I wiped my tears and took a seat as I looked at the bowl of salad.
I heard him sighing deeply as I noticed him leaving me.
BINABASA MO ANG
Entangled Deceptions
General FictionThe moment Elizabeth had set her eyes on Brix, she instantly fell in love... hard. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang minamahal ang nararamdaman. Ang totoo'y in love din ang binata, hindi nga lang sa kanya... Kundi sa matalik niyang kaibigan...