“This is a breach of contract. You signed for two years of service in the University yet you’re quitting this early?” Napalunok ako sa napakalamig at seryosong boses ni Brix matapos niyang mabasa ang iniabot kong resignation.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya lalo na’t kaharap ko silang dalawa ngayon ni Monica. Malakas na tumikhim si Sam sa tabi ko at nilamon ang natitira niyang fries.
“As if you can stop her after being a damn jerk.” Pinanlakihan ko ng mga mata si Sam na siyang inirapan naman niya. “Duh! I’m just stating a fact.”
Pinagpawisan ako ng malamig matapos ang ginawa niyang pagpaparinig lalo na nang matalim niyang tinititigan si Monica.
The latter didn’t mind Sam’s presence and focused on her ordered cake instead.
Naglilihi na kaya siya?
“Sam, ano na naman ba ito?” Mas lalong nalukot ang mukha ni Brix sa inasta ni Sam.
“I let Elizabeth go, Brix.” Tumaas ang kilay nito at ngumuso. “Her resignation has been approved.”
“What the hell, Sam?” Napapikit ako sa madiing pagmura ni Brix.
“We’re now even.” Dagdag asar pa ng katabi ko at ngumisi. Gusto kong sabunutan itong si Sam, pinagtripan lang talaga ako.
“You can’t get away from this.”
“Oh, really? Huwag ka ng mag-abalang magsumbong kay daddy,” Sinimot niya ang natitirang tapioca balls sa iniinom na milktea. Nalukot ang mukha ko sa ginawa niyang pagdighay. “Busy iyon makipaglampungan kay mommy. Kakabati lang nila.”
Naikunot ko ang noo.
Dati ko pang napapansin ang pagkakalapit nila ni Brix. Kaya nga napagselosan ko pa noon ng todo si Sam eh. Pero ngayon, parang iba iyong dating ng pag-uusap nila.
“Tito will surely not like this, Sam. You keep going against him.” Brix sighed as if he accepted defeat.
“You started it all, anyway. Kung hindi mo siya ni-hire without my permission, edi sana hindi kita ginantihan, di ba?"
Ngayon ay ako na ang naiintriga sa kanilang dalawa. Mayroon ba akong hindi nalalaman?
"I didn't hire Dash. Your dad did."
Teka, anong kinalaman ni Dash dito?
"You still let him work in the university!" Sam insisted.
Brix's face turned red as his lips formed into a thin line. He even shut his eyes and breathed deeply to control himself from exploding out of anger.
"Don't test my patience, Sameera. If only you’re not my cousin--”
“Magpinsan kayo?!” Natutop ko ang bibig matapos mamalayang napalakas na pala ng boses ko.
“Medyo.” Sam blurted out randomly.
Anong medyo?!
Napadaing siya sa sakit matapos kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa. Tinitigan niya ako ng masama.
"Our grandfathers are cousins." Nabaling ang tingin ko kay Brix na seryosong nakatitig sakin.
What the fuck?
Ngayo'y kumukulo na talaga ang dugo ko kay Sam. Todo effort pa naman ako sa pagselos sa kanya noon, tapos iyon pala'y magkadugo sila?!
"Bakit? Crush lang naman ah! It's not like we're first cousins!" She acted innocently as if she knew what I'm thinking. "Hindi ka man lang ba nagtaka na sa ganda kong ito ay hindi niya ako pinatulan?"
BINABASA MO ANG
Entangled Deceptions
General FictionThe moment Elizabeth had set her eyes on Brix, she instantly fell in love... hard. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang minamahal ang nararamdaman. Ang totoo'y in love din ang binata, hindi nga lang sa kanya... Kundi sa matalik niyang kaibigan...