Chapter 18

614 19 5
                                    

"B-But you can still try again, r-right?" Desperada kong tanong nang hindi binibitawan ang mga kamay niyang hawak ang aking pisngi.

"You don't understand--"

"Then make me! Brix ginawa ko naman lahat eh..." Ibinaba niya ang kanyang mga kamay at sinubukang lumayo ngunit maagap ko siyang hinila pabalik. "Ako na lang Brix... p-please."

I hugged him tight as I couldn't feel any warmth from him in return. Para lang siyang tuod na nakatayo sa harap ko.

"I don't love you. I can't love you, Eli."

Ang sakit-sakit marinig galing sa kanya ang mga katagang tila pinapatay ang puso ko ngunit hindi ko pa din magawang sumuko.

"No! Y-You can! Tutulungan kita Brix... Magsimula tayo ulit. I p-promise gagawin at susundin ko lahat ng gusto mo... p-please!"

Hindi ko siya magawang pakawalan kahit ang labo-labo na ng paningin ko dahil sa hindi mapigilang mga luha. Basa na din ang suot niyang T-shirt dahil sakin.

I heard him sighed as he tried freeing himself. "Eli, please. Masasaktan ka lang--"

"I don't care!" Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya. "I'll wait for you, Brix... H-Hindi naman ako mahirap mahalin... I'll do anything!"

"Why are you so stubborn?! I'm already asking you nicely, Elizabeth! I want out of this! We're not gonna work!"

Hindi ko napigilang humikbi nang malakas siyang bumitaw sa pagkakayakap ko.

"B-Brix... don't do this to me..."

Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon at umiwas nang muli ko siyang hinawakan. Brix, please. Ang sakit.

"Stop being so desperate, Elizabeth. You can't force me to love you no matter what you do."

"Give me a chance, Brix! I have loved you for so long! Hindi kita kayang basta isuko na lang!"

Hindi ko napigilang isigaw ang saloobin. Basang-basa na ang mukha ko ng pinaghalong luha at pawis samantalang nanatili siyang walang reaksyon.

"What do you want then? Paasahin ka? Saktan ka? Name anything but love you. Hindi kita kayang mahalin."

Napakurap ako ng ilang beses na siyang pag-agos ng masagana kong mga luha. Kumibot ang mga labi ko at nahihirapan akong huminga.

"B-But I thought..."

"I also thought we're gonna work, Eli. I just thought."

Yumuko ako at humikbi. Hindi ko magawang magsalita dahil sa oras na gawin ko iyon at tanging pag-iyak lang lalabas sa bibig ko. I bit my lip hard.

Brix gathered his things and turned his back on me towards the stairs.

I silently looked at him as he stopped and said, "I don't wanna hurt you any longer, Eli. You're dear to me. We've been friends for a long time and I want us to stay that way."




NAMAMAGA madalas ang mga mata ko. Hindi ko kasi maiwasang tahimik na umiyak sa tuwing naaalala ang masakit na pag-uusap namin.

I've been coping up for weeks now since he told me that he wanted us to only stay as friends. It damn hurt so much. Ang sariwa pa rin ng lahat. Ni hindi ko nga nagagawang tingnan ng diretso si Brix dahil masasaktan lang ako at maiiyak ng paulit-ulit.

Hindi na rin niya naman ako iniiwasan tulad ng dati at bumalik sa natural ang pakikisama niya sakin. Pakikisama bilang kaibigan.

It hurts me every time he tries to show that I'm nothing but his friend. That's why I started distancing myself from him for a while. We still talk if needed. Iyon lang.

Entangled DeceptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon