"Anong sabi mo?!" Halos lumabas ang mga ugat sa leeg ko sa pagsigaw at tuluyan kong padabog na isinara ang pintuan.She smirked after she ended the call and turned her back at me before sitting on Brix's swivel chair.
"You heard me, ate. Hindi ka naman bingi at bobo para hindi maintindihan ang sinabi ko, di ba?" Pang-uuyam niya pa na siyang dumagdag sa nararamdaman kong galit.
Halos takbuhin ko ang pagitan namin bago malakas na sinampal sa kanya ang hawak-hawak kong folder. Nanggigigil ako!
"Bawiin mo iyong sinabi mo!" Hindi pa ako nakuntento at malakas na hinatak ang buhok niyang naka-ipit.
"Bakit? Natatakot kang gawin ko din sayo iyong ginawa mo sa ate ko?! Dahil sayo namatay siya!" Sa lakas ng pagkakahatak ko sa kanya ay nakaladkad ko siya paalis sa kinauupuan niya.
"Kung hindi lang siya malandi ay hindi mangyayari sa kanya iyon! She betrayed me!" Pilit na kumakawala si Monica sa pagkakasabunot ko.
"Bitawan mo ako!" Hindi ko naman mapigilan ang panggigigil at mas lalong hinatak ang buhok niya at iningudngod siya sa sahig. Kahit ang suot nitong blouse ay malapit nang masira ang mga butones.
"Mana ka sa kapatid mong malandi!"
"Elizabeth!" Malakas na kumalabog ang ngayo'y nakabukas na pintuan. Iniluwa nito si Brix na hindi maipinta ang pagmumukha.
"Ah! Ate, t-tama na po!" Agad akong napabitaw kay Monica at natauhan sa nagawa. Nanginginig ang katawan ko matapos makita ang ayos niya. "K-Kuya… h-help me…"
"What the fuck did you do?!"
"B-Brix…"
Rumagasa ang mga luha ko nang makita ang galit sa mukha ni Brix. Mabilis siyang lumapit kay Monica at tinulungan ito.
"K-Kuya Brix… a-ate Elizabeth is s-so mad at me. Hindi k-ko naman a-alam kung bakit…" Napipi ako sa mga pagsisinungaling nito nang mabaling ang mga matatalim na titig sakin ni Brix. "I-It hurts so much, k-kuya…"
"Brix let me explain--"
"Shut the fuck up!" Napapiksi ako at naipikit ang mga mata sa takot nang dumagundong ang boses ni Brix sa kabuuan ng kanyang office. "You better leave now habang nakakapagtimpi pa ako sayo, Elizabeth. Don't ever show your face here again."
"Brix you d-don't know what r-really happened!" Pagdepensa ko sa sarili.
"I heard you! How dare you accuse Monica and Moira when in fact we both knew what kind of person you really are!"
Unti-unti akong nawalan ng lakas sa binitawan nitong mga salita.
"B-Brix… n-no…"
"You caused all this mess in the first place, Elizabeth! If you weren't too greedy and selfish ay hindi sana ako nakulong sa isang walang kwentang kasal at nagtitiis sa piling mo." Tinakpan niya si Monica ng hinubad niyang suit bago ako ulit binalingan ng matalim na tingin. "You are the reason why I am in misery. I bet I am in my happiest state now with Moira if only she didn't die because of you."
Napahawak ako sa aking dibdib at naupo sa sahig dahil sa panghihina matapos nila akong iwang mag-isa. Nahihirapan akong huminga habang patuloy na rumaragasa ang mga luha saking pisngi. Tila tinutusok ang puso ko ng sandamakmak na karayom dahil sa sakit na nararamdaman.
Ako ang sinisisi nila sa lahat ng nangyari. H-Hindi ko naman hiniling na mamatay si Moira. Sana nga hindi niya na lang ako iniligtas ng araw na iyon.
Siguro'y masaya silang lahat sa kasalukuyan kung hindi dahil sakin.
Gusto ko lang namang maging masaya. Bakit napakahirap makamit ng kasiyahang pinapangarap ko?
BINABASA MO ANG
Entangled Deceptions
General FictionThe moment Elizabeth had set her eyes on Brix, she instantly fell in love... hard. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang minamahal ang nararamdaman. Ang totoo'y in love din ang binata, hindi nga lang sa kanya... Kundi sa matalik niyang kaibigan...