"Oh, what a weakling!"Sumalampak ako sa semento nang malakas akong itinulak ng isa sa mga kaklase kong walang ibang ginawa kundi saktan ako at pagbintangan ng walang-katotohanang mga paratang.
I bit my lower lip to stop my tears from falling. Ilang taon na akong nagtitiis mula sa mga kagaya nila.
Wala naman akong mga kaibigan dahil halos lahat sila ay iniiwasan ako.
Kung ayaw nila sakin pwes, mas ayaw ko sa kanila!
I'd rather be alone than be with these bullies or be with those plastics!
"Nasasaktan ka kasi totoo!"
Akmang kukunin ko na ang mga nagkalat kong libro nang pinagsisipa ang mga ito ng isa pang kasama nila.
If only my twin is here, hindi nila magagawa sakin ito. But then, I only got myself. Magkahiwalay kasi ng buildings ang mga lalaki at mga babae mula elementary hanggang high school.
Magkasama lang kami tuwing break time.
"Mamamatay tao ang daddy mo!"
"That's not true!"
Hindi ko na napigilan ang sariling sumigaw pabalik. Matitiis ko pa sa tuwing ilo-lock nila ako dito sa loob ng storage room, pero iyong sabihing mamamatay tao ang daddy ko ay hindi ko makakayang pakinggan.
Sumusobra na sila.
"Oh my gosh! The kitten is hissing! I'm so scared!"
They let out a mocking laugh as they kept stepping on my books.
Mabilis akong lumapit at pilit binawi ang mga libro kong nakakalat at halos masira na nang bigla akong hinatak ng kinikilala nilang lider patayo.
"Hoy, Elizabeth! Gumising ka nga sa katotohanan! Kung hindi dahil diyan sa ama mong pambababae lang ang alam gawin, hindi sana namatay ang mama mo!"
"Stop saying lies! My dad loves my mom so much!" I tried freeing myself from her grip but she's too strong.
"Love? Your dad is only twice your age! Sa laki ng agwat nila ng mama mong matanda, sa tingin mo ba talagang mahal siya ng papa mo?!"
"Bitawan mo ako!" Hindi ko pinansin ang mga paratang niya for I knew better. Mahal na mahal ni daddy si mommy.
"Your dad is a jerk!"
"No, he's not! Hindi kasalanan ni daddy kung iyong ate mo ang pilit na kumakabit sa kan--"
Napasinghap ang lahat sa lakas ng sampal na siyang natamo ko mula sa kanya. Tila nabibingi ako at nanlalabo ang paningin ko.
"What the fuck are you guys doing here?"
Naagaw ang aming atensyon ng isang babaeng kakapasok lang ng storage room na may dala-dalang balde.
Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya nang padabog niyang binitawan ito bago kami tinititigan isa-isa.
"Ang yabang mo ah! Sino ka ba?"
"Ako?" Sarkastiko at mukhang nang-uuyam nitong saad bago malakas na sinipa ang baldeng naglalaman ng mop. "Ako lang naman ang maglilinis ng mga punyeta niyong kalat."
"Aba't--"
"Bakit? Gusto niyo din akong samahan maglinis? O baka gusto niyong kayo ang gawin kong panlinis?" Matapang itong humarap sa amin at nanggigigil na kinuha ang mop mula sa sahig. "You better choose wisely. Anyway, I'll benefit big time from either of those options."
BINABASA MO ANG
Entangled Deceptions
General FictionThe moment Elizabeth had set her eyes on Brix, she instantly fell in love... hard. Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang minamahal ang nararamdaman. Ang totoo'y in love din ang binata, hindi nga lang sa kanya... Kundi sa matalik niyang kaibigan...