Chapter 22

624 15 4
                                    


Until now, I still couldn't believe everything that has been happening between Brix and me. I never thought that I would be able to finally live my dream.

It was very unexpected for Brix to be extra sweet. Natatawa na lang ako sa nandidiring mukha ni Sam sa mga oras na naa-out of place siya samin.

Monica is still trying to piss me off every time we see each other. Hindi pa din siya tumitigil sa mga pang-aalaska niya lalo na kapag kaming tatlo ni Brix ang magkakasama. 

But then, I also feel relief when Brix compromises and makes sure that I'm okay. Isa ito sa mga ipinagbago niya. He always tries his best to explain and update me from time to time. Dahil dito ay nakokontrol ko na din ang sariling selos at pagdududa. 

I yawned and stretched my arms as I have done my workload for today. It's Saturday and it's almost three in the afternoon when I finally get to breathe normally after drowning myself in loads of tasks.

Kamusta na kaya ang asawa ko? I giggled at the thought and excitedly went out of my room after putting my things away.

"Hi, ate. Nasaan po pala si Brix?" Nagtataka kong tanong sa aming housekeeper na every weekends lang pumupunta at naglilinis dito sa bahay. 

We-- He chose to live this way. No live in maids, no driver or even security guards. Yaman-yaman nga pero ang kuripot. Pfft!

Anyway, I thought he's busy overworking himself in his study but I was surprised not to find him there. I already roamed all over the house but he's nowhere to be found.

"Ay ma'am, pasensiya na. Hindi po ba nasabi ni sir sa inyo? Nagmamadali kasi siyang umalis kanina eh." Sagot naman niya habang nag-aayos pauwi.

I furrowed my eyebrows and pulled out my phone. Mas lalo akong nagtaka nang wala man lang akong natanggap na text galing sa kanya.

Where are you, Brix?

I bit my lip and stopped myself from calling him. Ayoko siyang mapahamak. Baka nagda-drive pa naman siya sa kalsada.

Inabala ko na lang ang sarili habang naghihintay sa kanyang pagbalik. Kahit anong busy ko kasi sa trabaho ay hands-on pa din ako sa paglilinis at pag-aayos ng mga kwarto namin. Ngayon ay ako na lang ulit mag-isa dito sa bahay.

Nakakabagot.

Natigil ako sa paglalagay ng bedsheet at nagmamadaling tinungo ang aking telepono sa mesa ni Brix habang patuloy ito sa pagtunog. Nalukot lang ang mukha ko nang makitang si Sei pala ang hinayupak na tumatawag.

"What?" Bungad ko na siyang ikinatawa niya.

"So impatient are we? How you doin', babe?" 

Nanliit ang mga mata ko sa pang-aasar niya. 

"I better end this--"

"Hey, wait! Ito naman! I have something to tell you." I pouted my lips as he finally started to spill the tea. "I'm here at the airport. Something urgent came up so I have to fly to New York today."

"So?" I asked in boredom. 

Ganito kasi siya kapag umaalis at dumadating ng bansa. Parating nagpapaalam sakin kahit wala naman akong ambag sa kumpanya namin.

"Aray naman babe, wala ka talagang puso."

"Sei, isa!" 

Kahit kailan ay palabiro talaga ang kakambal ko. Maraming beses na nga kaming napagkakamalang magkasintahan dahil sa closeness na meron kami. Minsan nakakaasiwa naman talaga pero dahil nga sa gago siya ay nasanay na din ako sa mga trip niya.

Entangled DeceptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon