Chapter 10

696 18 3
                                    


Naiwan akong kasama si Candice matapos sagutin ng kanyang ina na si Mrs. Arashi ang tumawag sa pagmamay-aring telepono samantalang inilibot naman ni Brix sina Valther at Mr. Arashi sa iba pang parte ng hacienda.

Naiinip na ako.

"So, are you Brix's new gold digger woman?"

"How dare you!" Hindi ako agad nakahuma sa pambibintang ni Candice. Ano bang pinagsasabi niya?!

"You know what I hate the most? Dealing with someone who's a damn wolf in a sheep's clothing." She smirked and rolled her eyes as she crossed her arms. 

My lips parted as I felt my heartbeat suddenly paced faster. Hinigit ko ang hininga sa narinig. I blinked repeatedly as I composed myself. 

Tila hindi ako mapakali. My anxiety is killing me. 

W-Wala naman siyang alam sa nakaraan namin di ba?

"I don't know what you're talking about." Laking pasasalamat ko sa sarili nang hindi ako mautal sa sinabi.

"Ugh! I've had enough of that woman! Tapos ngayon, ikaw naman?"

I remained stoic and hid my trembling hands. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamang kaba sa dibdib. 

Now, she's talking about her.

"Maghanap ka ng kausap mo." Kahit nangangatog ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang harapan.

Candice laughed aloud as I turned my head to look at her.

"Stop being so ignorant. I know you wanna know more about that woman. You're damn curious about her. Hindi naman kasi ikaw ang unang babae sa buhay ni Brix."

Gaano niya ba kakilala si Moira at ganyan siya magsalita?

"What's the matter, ladies?" Maluwag akong nakahinga nang makabalik si Mrs. Arashi at sumingit sa aming usapan ng may pagtataka sa mukha.

"We're just talking, mom. Right, Elizabeth?" Candice playfully answered as she rose on her feet. "Can we go now, please? Puntahan na natin sina dad at Valther."

"Sure, my dear. I don't wanna stay here any longer. Let's go."

Naiwan akong kumikibot ang labi. Bigla akong nawalan ng lakas at napahawak sa dibdib.

Hindi ko namalayang namamasa na pala ang aking pisngi. Sobrang kirot ang naramdaman ko saking puso na halos hindi na ako makahinga.

I tried. I tried my best to forget and keep moving forward but I can't. Pilit akong hinihila ng nakaraan pabalik.

Ngayon lang ulit ako natakot ng ganito. Hindi pwede! Hindi ako pwedeng mabuko lalo na't nararamdaman ko na ang unti-unting pagkahulog sakin Brix! 




KANINA pa ako hindi mapakali sa kinauupuan. It's almost 10 at night but Brix is still not at home. 

Magkasama kaya sila ni Candice?

Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

Halos hindi ko malunok ang tinimplang gatas sakin ni Andrea dahil sa kaba. I kept jiggling my legs and biting my fingernails as I looked at my phone. 

I tried calling him a lot of times but his phone couldn't be reached.

H-He won't leave me, right?

"Eli?"

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo papuntang pintuan nang makita ang pigura ng taong kanina ko pa hinihintay. 

"Brix! You're here!" Agad ko siyang niyakap ng napakahigpit.

Entangled DeceptionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon