The Fault is Not in Our Stars

8 1 0
                                    


"You're going to lose your eyesight"

Napahinga ako ng malalim at napatitig sa kawalan. Isang oras na simula nang matapos ang doctor's appointment ko. Kailangan operahan ang mata ko, para mawala ang cancer cells. Pero mabubulag ako.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad nang may nakabangga akong lalake.

"Aray, ano ba? Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba" tugon niya na may halong galit.

"Eh paano kung oo?" saad ko sakanya.

Napakamot naman siya ng batok.

"I'm just being sarcastic" saad niya.

"While your so called sarcasm is true. Mabubulag na ko" napaupo ako sa tabi kong upuan. Hindi ko napigilang umiyak.

Narinig ko naman siyang napamura dahil masama yung tingin ng mga tao sakanya.

Umupo naman siya para magkapantay kami.

"Wag kang umiyak dito, pinapahiya mo ko eh"

Tapos bigla niya akong hinila tapos pinasakay sa kotse niya.

Tumigil kami sa isang dagat. Walang katao tao dito at tanging tunog lamang ng alon ang naririnig.

"Go, cry all you want. I can't hear you because of the waves" saad niya nang hindi tumingin sakin.

Napatingin ako sakanya. Ngayon ko lang nakita ang buong mukha niya. Hindi siya Pilipino. Kulay asul ang kanyang mga mata at maputi siya. Napatingin na lang ako sa dagat.

"Hindi. Ok lang ako." tanging saad ko.

Umupo naman siya sa tabi ko. Nakatayo pa rin ako.

"We try to hide our feelings, but eyes speak. Cry now"

Napakagat ako ng labi ko at napaupo dahil nanghihina ang tuhod ko. Nagsimula na akong umiyak. Nararamdaman ko namang tinatapik niya ang likod ko.

"You're not alone now. Cry until you're tired"

----

"Alisson, nice name" saad niya at ngumiti.

"Glad meeting you, Ezekiel" saad ko naman at napasandal sa upuan.

"Eye cancer?" tanong niya

"Hmm" pagtango ko

"Kaya mo yan." pagche-cheer Niya sakin.

"Kakayanin ko, pero mabubulag ako" saad ko at uminom ng ice tea.

Natahimik naman siya sandali.

"I'm a bone cancer survivor" pagsingit niya.

"Akala ko nga hindi na ako makakasurvive, pero eto ho buhay pa. Kaso wala na yung kaliwang paa ko"

Tapos pinakita niya ang kaliwang paa niya. Naka prosthesis na lamang ito.

"Kaya, kaya mo yan. Laban lang alaxan" hindi na lang ako umimik.

"Be my girlfriend" tapos hinawakan niya ang kamay ko. Naglapit naman ang kilay ko at napalayo sakanya ang kamay ko.

"Baliw ka ba? Eww no" tapos inerapan ko siya.

"Ano ka ba? Mabubulag ka na. Why don't you enjoy your life? I'll be your boyfriend tapos gagawin natin lahat ng gusto mo"

Napaisip naman ako. It's not a bad idea... I guess?

----

Napalingon naman ako kay Ezekiel. Kanina pa siya humihikab habang nandito kami sa simbahan.

The Plot (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon