Crushback

15 2 0
                                    

"Ano aamin ka na ba talaga?" tanong sakin ng bestfriend ko.

"Ayaw mo ba?" nahihiyang tanong ko sakanya.

"Naku Liza! Anim na taon mo na siyang crush mula pa nung first year tayo! Dapat lang umamin ka sakanya" sabi niya sabay tawa.

"Eh nahihiya ako sakanya eh."

"Liza naman, itatago mo pa ba yan? Nagkakagusto ka mula sa malayo. Tuwing sa makikita mo siyang papunta sa cafeteria, magdadahilan ka saking nagugutom ka. Pero gusto mo lang siyang makita don. Tuwing pupunta siya ng library, sinusundan mo siya. Kunyari nagbabasa ka rin pero baliktad naman yung libro mo. Hayst! Mabuti pang umamin ka na habang hindi pa matinde yang nararamdaman mo."

"Eh baka ipahiya niya lang ako eh."

"Tss, mapapahiya ka? Hindi noh! Napaka gentle man rin ng lalaking yun."

Natawa ako sa sinabi niya. Si Dave kasi ay crush ko mula pa nung first year kami hanggang senior high na.

Wala actually sa plano kong umamin sakanya, kaso ang daldal nitong bestfriend ko. Anim taon ko na kasi siyang crush.

Nang matapos na akong kumain ay naglakad na ako papunta sa kanilang building.

Habang naglalakad ako ay sobrang kaba ang nararamdaman ko. Pero hindi ko na lang yun pinapakita dahil nahihiya ako.

Hanggang marating ko ang hallway malapit sa room nila. Nakita ko siya, may hawak na gitara kasama ang mga tropa niya.

(Now playing: Hinahanap-hanap kita)

"Adik Sa'yo
Awit sa akin
Nilang sawa na saking
Mga kuwentong marathon"

Nagsimula siyang kumanta. Nagtago muna ako sa isang sulok malapit aa kanila.

"Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid, sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw!"

Ang ganda ng boses niya....

"Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita"

Tinititigan ko ang mga mata niya. Parang may sinasabi ito tungkol sa kanta. Parang meron siyang tinutukoy mula sa kanta.

"Sabik sa 'yo
Kahit maghapon
Na tayong magkasama parang telesine
Ang ating ending
Hatid sa bahay nyo
Sabay goodnight, sabay may kiss
Sabay bye-bye, Oh

Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita"

Ang ganda pala talaga ng boses niya, lalo na nga lang akong nahuhulog sa kanya...

"Pilit ko mang ika'y limutin"
"Lagi kong natatagpuan"
"Ang yong tinig at awitin"
"Tuwing sasapit ang ulan"

"Pati lupang pinagsamahan"
"Mukha yatang nilimot na"
"Nang puso mong biglang lumisan"
"At may kapiling ng iba"

Ohhh...
Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

Sa school, sa flag ceremony
Hanggang uwian araw-araw
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
At kahit pa magka-anak kayo't
Magkatuluyan balang araw
Hahanap-hanapin ka
Hahanap-hanapin ka"

Nang tumigil siya sa pagkanta ay doon na ako lumabas. Syempre nagulat silang nakita ako.

"Liza? Kanina ka pa ba dyan?" nakangiting tanong niya.

"D-dave may sasabihin ako" kakahiya naman oh! Nautal ako.

"Ano yun?"

"Dave, gusto kita."

Nakahinga naman ako ng maluwag ng masabi ko yun. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Bumuntong hininga siya.

"Sorry Liza, hindi kita gusto."

Unti unting nadurog ang puso ko. Ganito pala ang broken? Teka nga lang, wala namang kami eh. Tch.

Naglakad na lang ako palayo sakanila. Naririnig ko pa ang tawanan ng mga kaibigan niya pero wala akong pake.

Papalapit na ako ng hagdan ng may humawak ng braso ko at niyakap ako.

Napatigil ako. Alam ko talaga ang amoy niya eh, hindi naman ako nagkakamali diba?

"Hindi kita gusto, dahil..... Mahal kita."

Nagulat ako syempre. Pero iba din ang kilig na naramdaman ko. Totoo ba to? Hindi ba to panaginip? Kung panaginip ito, wag niyo na akong gisingin!!!!!

Inilayo niya ako sakanya at tintigan ako, maya maya pa ay lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

Grabeh ang kabang nararamdaman ko.

"I love you, Liza" at hinalikan niya ko.

(Inggit yung nagbabasa. HAHAHAHAH)

The Plot (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon