Role Play World. RPW for short. Ito yung mundo ng fake Profiles. Pero Real Feelings.
I'm Samantha Dizon, and I've been in RPW for almost 2 years. Gumawa ako ng RPW account para makakita ng mga bagong kaibigan. Naiinip na kase ako dito sa bahay nung vacation 2 years ago.
Marami naman akong na meet na mga friends. May mga mabait,masungit,manyak,matalino, pero lahat sila, masayang kasama.
Alam kong maraming nagkakajowa sa RPW, kaya magpapahuli pa nga ba ako? His name is Daniel Nicolass. Katulad ko, isang normal na taga RPW lang siya.
Siya yung tipo ng lalake na seryoso palagi. Pero sobrang sweet. Kahit anong sasabihin niyo sayo, kusa ka ng lang kikiligin ng todo.
Of course nung una ko siyang nakilala ayaw ko sakanya. Enemy pa nga ang turingan namin. Pero dahil araw-araw kaming nag-aasaran, natutunan ko siyang magustuhan.
Hanggang maging mabait siya sakin. At doon na nagsimulang mahalin ko siya.
Sabi nga nila kami ay aso't pusa. Asar-saran, pikon-pikonan, ang ending, nagka-inlovan.
Hindi kami pareho ng ibang RPW couples na hindi nagtatagal ng isang linggo. One year na nga kami remember?
Hindi ka kase magsasawang mahalin siya. Siya kase si Mr. Perfect sa RPW. At wala naman siyang kabet, hindi pareho sa nagbabasa nito.
Nagtagal ng nagtagal ang relasyon namin, ay mas nahulog ako sakanya. Simula lang ng pagkakakilala sa isa't isa. Tapos nag send ng picture sa isa't isa. Parang kilala ko na talaga siya.
"Love?" tanong ko sa kanya sa chat.
"Yes?" Sagot niya.
"Magmeet up kaya tayo?"
"Wag na love."
"Please 🥺"
"Sige, pero wag kang magugulat sa makikita mo ha?"
"Sige love! Thank you 😊"
Naipatay ko ang cellphone ko na nakangiti. Pero nagtataka ako sa sinabi niyang wag magulat. Nakita ko na naman ang mukha niya, ano naman ang ikagugulat ko?
Hindi ko na yun inisip at natulog na lang.
*K*I*N*A*B*U*K*A*S*A*N
Maaga akong nagising at naligo. Kumain ako ng marami para hindi agad magutom. Napatagal akong pumili ng damit na presentable.
Nag make up na rin ako para magpaganda. At saka ako lumabas ng bahay na nakangiti na.
Sa mall kami mag meet up ni Daniel. Sobrang excited na ako at tuwang tuwa!
Naghintay ako sa bench sa mall at nakatingin sa kaunting mirror ko kung okay lang ba yung mukha ko.
Pinasok ko na ulit ang mirror sa bag ko. Sa di kalayuan, may natanaw akong lalake. At kilala ko siya, kilalang kilala.
'AT LAST' sigaw ko sa sarili ko.
Tumayo na ako at naglakad papalapit sa kanya. Nakatalikod siya pero nakita ko kanina ang mukha niya.
Habang naglalakad ako ang bilis ng takbo ng puso ko. Kabadong kabado ako. Medyo malapit na ako sakanya ng biglang may babaeng lumapit sa kanya.
Isang magandang babae. Lumapit siya sa kanya at hinalikan siya....
SA LABI.
'WTF?' bulong ko sa sarili ko.
Akala ba niya, yung babaeng yun ay ako? Ano ba yan! Alam niya naman kung ano yung mukha ko eh.
Napatingin siya sa deriksyon ko at nagtama ang paningin namin. Tinignan niya ako sandali at lumakad na papalayo sakin.
May kung anong tumusok sa puso ko at unti unting tumulo ang luha ko. Sinadya niya ba yon? At sa harapan ko pa?
*BEEEEEEPP* nag vibrate yung phone ko.
Kinuha ko yun.
*One unread message*
Binuksan ko yung message at mas nagulat ako kung sino yun. Si Daniel.
"Nakita mo ba?"
"Daniel, anong ibig sabihin non?"
"Ano ka ba Samantha, wag kang magmaang maangan. Siya yung girlfriend ko. Yung humalik sakin?"
"Eh ano naman ako? Daniel alam kong RPW lang to pero minahal kita ng totoo! Para sayo ba wala yun?"
"Samantha, that's the point! It's only in RPW."
"Kailan man hindi mo ko minahal? Kahit katiting wala kang nararamdaman?"
"Wala, dahil tandaan mo! RPW ka lang."
Tuluyan na akong humagolgol sa kakaiyak dito. Wala akong pakialam sa mga tao.
Alam ko naman eh.
"𝑹𝑷𝑾"
"𝑭𝒂𝒌𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒇𝒊𝒍𝒆𝒔"
"𝑭𝒂𝒌𝒆 𝑨𝒈𝒆"
"𝑭𝒂𝒌𝒆 𝑷𝒊𝒄𝒕𝒖𝒓𝒆"
"𝑬𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈𝒔 𝒇𝒂𝒌𝒆!""𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐, 𝑻𝒓𝒖𝒆 𝑭𝒆𝒆𝒍𝒊𝒏𝒈𝒔."
Unti unting pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo. Umuwi ako papuntang bahay at pumasok aa kwarto ko. Doon ko na tuluyang ibinuhos ang luha ko.
The one thing I learned is...
"𝑫𝒐𝒏'𝒕 𝒇𝒂𝒍𝒍 𝒊𝒏 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒊𝒏 𝑹𝑷𝑾, 𝒊𝒕 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒉𝒖𝒓𝒕 𝒚𝒐𝒖."
BINABASA MO ANG
The Plot (One Shot Stories)
Ficção AdolescenteSTAND ALONE STORIES • Ang Jowa Kong Bakla • Am I Not Enough • The Day After I Cried • 12:51 • Inapropriate Love • A Murderer Story • Maybe, He's Not The One • Sacrifice • Ms. Author's Inspiration • Your Other World • Our Story • A Cute Little Thing...